HIME POV (G-owl/Goul-G)Nakakainip grabe. Lahat ng tao dito ay kinakabahan, at the same time naghahanda. Pati nga ako kinakabahan.
Hindi kasi basta basta yung grupo sa intertainment ng bawat school na kalaban. Habang kami, kami lang na grupo at ibang students. Ewan ba't hindi nila pinasali yung amin. Kahit isang grupo lang sa Fx-Int.
Tapos na kami mag perform pero hindi pa nilabas kong sino ang panalo, pero yung mga grupo sa intertainment ay hindi pa nakapag perform. Yun daw yung pinaka last. Tatapusin muna lahat bago ilabas ang score. Maliban nalang sa dancing queen/king, rapping queen/king, singing queen/king.
Sa singing queen/king ay tinalo namin ang Mint pero may second round pa. Sa rapping queen/king naman ay sila ang panalo. Pero may second round din. Sa second round, kailangan namin mapanalo yung rapping queen/king. Pero sa dancing queen/king ay walang second round kaya ito ang nakaka kaba.
Nag start na, matagal na at masakit man sa pride pero feel ko matatalo nanaman kami. Yung mga judges kasi ang nagre-rate. Hanggang 100. Ito kasi yun.
Kapag naka 100 ka hindi kana agad panalo, kailangan munang may kumalaban sayo pero kapag naka 15 consecutive na kumalaban sayo tas lahat sila talo. Ikaw na ang panalo.
At sa ngayun, don sa dancing queen, which is sa pangbabae. Ang Mint ang nakaupo sa throne, si Viva. Ang pambato ng Mint Academy. Pero hindi pa naman siya panalo. 12 consecutive na participant na ang sinubukan siyang talunin pero wala paring nakatalo sakanya. 3 dancers nalang ang kulang at panalo na siya. 89 yung score niya. Lahat na ng dancer na babae sa grupo namin ay hindi siya tinalo. Ang mga dancer sa black-g, X-zone, Tzey at yung mga babaeng dancer sa amin pero wala paring nakatalo.
Sa Dancing king naman ay mas lamang yung samin. Si Ryu De Lorgan. Ang main dancer sa MNX. Naka 85 score siya. At 5 consecutive nalang na hindi maka agaw sa throne niya ay panalo na kami.
6 schools ang kalaban namin. Pero kami talaga ng Mint Academy ang naghihilaan. Walang magpapatalo.
"So sino pa ang maglalakas loob para talunin si viva---" hindi na natuloy ng mc ang sasabihin niya ng biglang may malakas na tunog na parang yung gate. Kasi nong pumasok kami ay ganyan yung tunog ng gate. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa napakalaking gate ng bumukas ito pero biglang umusok.
Nakailang segundo kaming tahimik pero yung background music ay tumutugtog parin. Hanggang sa nag chorus na yung music tapos nag va-vibtate yung beat ay tsaka naman kaming may nakitang mga anino sa loob ng usok. Lahat kami naghihintay.
Hanggang sa naka labas na sila sa usok ay sabay sabay silang nagsitigil sa harapan namin.
Bigflo
Nagpatuloy na sila sa paglalakad na para bang mga reyna. Walang bakas na kahit katiting na emosyon sa mukha at mata nila. Sabay sabay sila ng hakbang papunta sa pwesto nila samantalang kami ay sinusundan sila ng tingin.
Lahat rin astigin yung paglakad nila. Pati mga yapak nila ay naririnig. Yung naka full white naman na naka mask ay panlalaki ang paglakad niya tapos nasa bulsa ang dalawang kamay habang kumakagat ng bubble gum.
Luna
Tama. Siya nga yung babaeng naka agaw ng atensyon samin don sa pinanuod namin sa tv. Ito ata lead vocalist na.
Nasa unahan sila naka pwesto tapos sa gilid habang kami ay sa likod pero sa stage yung harap ng upuan namin. Sila naman parang samin lang nakaharap pero pina side view.
Bumalik ulit ang ingay dito sa napakalaking lugar. Ewan anong tawag dito. Field, gymbasium pero may gate naman. Basta napakalaki nito. Malaki pa ngang space eh.
Nasa likod nakaupo yung mga nakikinuod lang pero nakataas sila. Samantalang kami sa harap pero nasa babae kami. Malaki rin naman yung pagitan namin sakanila tsaka may mga security guard sa front ng mga nakikinuod.
Napatingin kami sa lalaking pumunta sa stage. Si coach TAN-E. May binulong siya sa mc kaya napatango tango naman ang mc. Bumaba na sa stage si coach tan-e at pumunta sa pwesto nila. Kong saan ang mga coaches/judges.
"Okay so mamaya natin ipagpapatuloy ang dancing queen/king. Nagkamali yung time. Dapat pala mas mauuna yung performance ng mga group sa mga bawat intertainment ng school at sa pinaka last ang dancing queen/king" sabi ng mc kaya naghiyawan ang mga tao.
Pero hindi ako tanga para paniwalaan yun. May balak silang makita eh. Tch.
Pero back to the Bigflo. Ba't kaya sila andito? Sa pagkakaalam ko ay hindi sila pinasali. Hmmm
"MVP from Square Intertainment!"
BINABASA MO ANG
FOURTEEN UTARUZ: She is Raki Santiago
AcciónShe's badass. She have no mercy. Wala siyang kinakatakutan. Hindi siya takot sa madugong labanan, ang madugong labanan ang takot sakanya. She is the Legendary Dusa or Medusa. Ang parang bala ng baril kong gumalaw, napakabilis. Ang napaka itim nitong...