CHAPTER 50 - TALENT TEST

77 5 0
                                    

to weeks later

Andito kami ngayun sa gymnasium at nakakabagot na. Hinihintay lang naman namin si ma'am fey at ma'am soey.Pati narin ang dalawang vocalist na teachers.

Andito kami ng special section, star section at diamon section kong saan andon si arfel. Nasa harapan nakaupo yung diamon section, sa left side. Right side naman yung star section. Kami naman ay nasa center nila pero nasala likod kami. Kumbaga. Parang naka triangle yung ship namin. Kami yung nasa tuktok. Charot.

Napatingin naman kami sa nagsalita sa mic. Si ma'am fey. Hay buti naman at nanjan na sila. Feel ko may gagawin nanaman kaming kantahan dahil puro vocalist teachers ang andito. Lahat mga music teachers.

May maliit na stage na sqare shape dito. Ito kasing ginamit namin na gymnasium ay yung sa likod ng school. Dalawang gymnasium dito. Masyado kasing malaki yung nasa school kaya ito ginamit dahil kasyang kasya kami.

Don sa harap namin na maliit na stage ay may mga instuments. Sa gilid, sa right side ay may malaking drum, may mga sticks rin na naka patong don. Sa left side naman ay piano. Sa center naman kong nasaan nakatayo si ma'am fey at may nakatayong mic ay may naka display na acoustic guitar. Sa likod naman naka display yung electric guitar ba tawag don? Yung parang pang rock na kanta ang panggamit? Ah basta.

"So i guess alam niyo naman kong ba't tayo nandito. Kayo lang kasi ang mga section na tinuturuan ko kaya kayo-kayo lang din ang nandito. Ako ang adviser sa special section, si Soey naman ay star section, si Clark naman ay sa diamon while Jhon is a vocalist teacher in other school pero dito siya naka tuka so" mahabang lintaya niya.

"So ang gagawin natin ngayun ay pipili kami ng pwede namin isali sa this coming na 'event' ulit hihi. Pero sa ngayun ay pagpipilian lang namin yung dapat isali. Hindi yung poket naka register ka ay kasali kana. At pinapaalala ko sainyo. This is a music academy. Right? So let's proceed--- oh andito na pala kayo" masayang sabi ni ma'am fey sa mga taong dumating kaya sinundan namin ang tingin yun.

Ang mga seniors. I mean. Si sir O-G At
Tan-E. Nandito rin yung rapper na babae na judge rin. Si ma'am essa.

Nagsiupuan sila sa pwesto nila. Kong saan may malaking table at tig iisang upuan sakanila. May mga papel don at ballpen. Tsaka mga mineral water na tig iisa sa mesa nila. Habang may mga hawak silang mic. Nasa gilid ito ng stage. Sa baba. Mataas kasi ng konti yung stage.

"Okay simulan natin sa diamon section then kahit na sinong sumunod. Dito tayo sa rapping" ani ni ma'am soey sa mic tapos ay binaba niya rin at inayos yung mga papel na walang sulat. Mukhang jan nila nilalagay yung mga resulta ng pag perform mo.

Unang tumayo yung babae na classmate nila arfel. Nagsipalakpak naman yung iba.

Ako naman ay sinandal yung ulo ko sa upuang nasa harap ko. Si niana lang naman to kaya okay lang. Inaantok na kasi ako.

***

"Hala tingnan mo si arfel oh! Girl!" tapik tapik sakin ni niana. Kaya napaangat naman ako ng ulo at tiningnan yung kumakanta sa stage. Ah tapos na pala yung rapping. Sinandal ko ulit yung ulo ko sa upuan ni niana at pumikit ng mata habang pinapakinggan ang boses ni arfel.

Okay naman yung boses niya. Napa angat ako ng tingin ng tinapik ulit ako ni niana. Yung vocalist pala sa Black-G. Umupo nalang ako ng maayos. Palagi nalang ako natatapik eh.

Hanggang sa sunod-sunod na ang umakyat sa stage. Iba't iba rin yung ginamit nila na instrument. May isa rin stage dito na katabi ang stage singing stage. Dalawa ang stage na hindi gaano kalaki. Yung isa ay yun yung medjo malaki ang space. Yung isa naman ay circle ang shape na walang naka display. Don ata yung magsasayaw at ginamit sa rapping test.

Nakailang oras na kami dito at nagugutom na ako. Anubayan! Pwede bang lumabas muna? Hindi naman ako sasali jan eh. Tsk. Napahawak ako sa tyan ko ng maramdaman kong kumulo ito. Hayss. Bahala na. Hihintayin ko nalang itong kaputahan nila.

Napatingin ako sa stage ng biglang may tinulak tulak sila na tao don. Yung star section pala. May kababaihan na tinutulak yung kasama nila na ayaw pumunta sa stage. Hanggang sa naka akyat na nga ito. Nagsi palakpakan naman ang iba.

Magaling rin naman pala ito sumayaw. Si Melany pala ito. Yun ang sigaw ng mga kasamahan niya eh. Sexy dance ang ni freestyle niya.

Hanggang sa sunod-sunod na nga ang mga umakyat. Yung samin ay tapos na. Yung sa G-owl, sa X-zone, Black-G at MNX. Tapos na magperform ang mga member sa mga grupong yan. Yung iba, rapping yung iba singing yung iba dancing.

Napatingin naman kami sa tumayo sa stage na lalaki na galing sa star section. Ang galing rin pala sumayaw nito eh. Pero di ko siya nakita siya sa competition.

"Woah. Hindi namin inexpect na sasayaw ka sa stage Reniardh Xian Yukixzukuran" nakangising sabi ni sir O-G. Napatingin naman ako sa katapat kong si niana at nakita kong sinasamaan niya ng tingin ang lalaking yun na sa tingin ko ay magkapatid sila.

"Ugh! Nang-aasar talaga itong lalaking ito. Nakakainig ugh" inis na sabi ni niana at napapairap. Binalik ko nalang yung tingin ko sa stage.

"Okay sa mukhang marami talagang gustong sumali no. Kaso pagpipilian eh. Meron namang nasa record namin yung hindi pa naka akyat sa stage. Sigurado ba kayong hindi niyo susubukan?" nakangiting tanong ni sir clark.

"Hindi kasi masyadong marami yung napili namin. So pwede ba akong manawag ng mga pangalan don sa hindi pa naka akyat sa stage?" tanong ni sir Jhon. Nag 'yes' naman yung iba. Napa tango-tango naman si sir jhon.

"Ace stoccs?" pagbasa ni sir jhon don sa isang folder. Tumayo naman yung tinatawag ma Ace Stoccs. Galing pala ito sa star section. Nagsitilian naman yung ibang babae. Tsk. Gutom na gutom na ako.

Bigla siyang umupo sa piano at nagsimula magpatutog. Eh maganda naman pala ang boses. Ang smooth. Pero churos lang ang kinanta kaya mabilisan lang. Nagsipalakpakan naman yung iba ng matapos siya at bumalik sa upuan niya.

"Meghan Marfori Carson?" pagtawag ni sir Tan-E. Tumayo naman ang isang babae na galing rin sa star section. Piano rin ang ginamit niya at kahit ako ay nakinig sakanya. Ang ganda lang ng boses. Hays sana all.

Naghiyawn naman yung kalalakihan ng matapos siya at bumalik sa inuupuan niya kong saan aa tabi ni Reniardh, ang kuya o kapatid ni niana.

"Arriyah Sutton?" pagtawag ni sir Tan-E. Tumayo ang katabi ni Ace Stoccs na babae. So sila ata magkagru-grupo huh? psh.

Kinuha niya yung electric guitar. Pansin ko rin. Wala pang nakagamit ng acoustic guitar? So back to reality. Maganda rin talaga ang boses nito. Ang tinis na parang malalim? Alam mo yun? Basta. Mahirap ipaliwanag.

"Thank you for the wonderful performance. How about Ruxx Otokawa?" pagtawag ni ma'am soey kay Ruxx na walang emosyong nakaupo lang at diretso ang tingin. Tinaas naman ni niana yung kamay niya bago tumayo.

"Uhm. Hindi po talaga yan mapipilit ma'am. Mas mabuti pang mag proceed na tayo" nakangiting sabi ni niana bago umupo. Tumango naman ang mga judges.

"And the last but not the least. Raki Santiago?" pag tawag sakin ni ma'am fey. Umiling lang ako kaya napatango siya. Alam na niya siguro na wala akong kainterest sa mga ganyang bagay.

"Next nanamin e aanounce ang mga makakasali so that's all. Pwede na kayo lumabas". Gutom na gutom na talaga ako.

FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon