CHAPTER 47 - BLACK OUT

81 5 0
                                    


"Woooh! Tapos na tayo sa wakas" sigaw ni shakira ng matapos kami. Nagsipunta naman kami sa cafeteria dito. Hindi naman gaano karami yung mga nakaupo dito.


"Dito nalang muna tayo. Wag na tayo sa don sa pwesto natin. Para naman makapagchikahan tayo sa iba" ani ni trisha kaya napatango nalang yung iba. Umupo kami kong saan nasa pinaka gilid. Ako yung umupo sa pinaka gilid at sinandal yung likod ko. Kaharap ko ang mga table ng iba. Tsaka magkaharap kami ni Elium. Pero magkaiba kami ng table.


Ngumiti ito sakin kaya napatingin sakin yung mga kasama niya at nagsi tapikan. Umiwas lang ako ng tingin. Dumating na pala si leysha. Siya ang nag order eh. Tinulungan naman siya ni beatrace.


Nagsi kwento na sila pero ako fries lang ang kinakain ko. Matagal pa bago ko maubos yung isang piraso na fries. Iwan. Napaka tamad ko ngayun. Ang tamlay ko. Nawawalan ako ng lakas. Nawawalan ng gana. Walang wala na ako.


"HAHAHA oo pwede pwede rin! Eh ikaw rak- Luna. Luna anong pinaka nakakatawang nagawa mo sa tanang buhay mo?" natatawang tanong ni leenara.


Walang lakas naman akong tumingin sakanya. Kumagat ako ng maliit sa isang piraso ng fries at dahan dahan nginuya yun. Binaba ko nalang yung tingin ko sa fries. Wala na talaga akong lakas. Feel ko, ilang segundo ay mababagsak ako.


"Uhm luna? May problema ba?" nag aalalang tanong ni aquina. Lahat sila ay may nag-aalalang mukhang nakatingin sakin.


Binalik ko ulit yung tingin ko sa fries at walang lakas na umiling ng dalawang beses. Napabuntong hininga naman sila.


"Alam kong meron. Ano nga yun?" tanong ni leenara. Walang gana akong tumingin sakanya at napatitig.


"Wala" halos pabulong ko ng sabi. Kaya nagsi tanguan nalang sila at bumalik sa kwento nila. Nagsi tawanan nanaman sila habang ako. Parang wala ng naririnig.


"Una na ako" walang lakas kong sabi sakanila at hindi na hinintay ang sasabihin nila at agad-agad ng lumabas. Lumabas narin ako ng building.


Hindi pwede to. Kailangan ko maging mukhang malakas. Huminga ako ng malalim at umiling iling. Hooo! Kailangan kong maging mukhang malakas. Di dapat ako nagpapakita ng emosyon.


Hahakbang na sana ako ng biglang may humila sakin at tinakpan yung ilong ko ng panyo. Unti umti namang nandidilim yung paningin ko at sa isang segundo ay nawalan ako ng malay.



***



Napadilat naman ako ng biglang may tumapik ng malakas sakin. Nang ma clear na yung pagtingin ko ay tiningnan ko kong sinong putanginang tumapik ng malakas sakin.


"Ayun sa wakas" nakangising sabi ng lalaking tumapik sakin. Hindi ko lang ito binigyan ng kahit na anong emosyon.


"Hoy ikaw! Tawagin mo si boss. Sabihin mo gising na'to" pag uutos niya sa isang kasamahan niya. Hinayupak siya.


Bigla naman may narinig naman akong bumukas na pintuan sa likod ko. Hindi ko ito makita kong sino kasi nakatalikod ako sakanya habang nakaupo na naka kadena.


"Buti gising kana" nakangising ani nito at humarap sakin. Tiningnan ko naman kong sino ito pero gaya ko ay naka mask rin siya. Gaya-gaya puto maya. Sige ituloy niyo.


Bigla niyang hinawakan yung baba ko at pinaharap sakanya.


"Alam mo ba kong ba't kita dinala dito? Wala lang trip ko lang" nakangising nito at binitawan ang baba ko.



FOURTEEN UTARUZ: She is Raki SantiagoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon