NANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO!
(WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED)
(Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki)
(Ramblings, opinions, thoughts and bitchiness of an elder sister about the chaotic, catastrophic and unsuccesful lovelife/lovelifes (with an s, hindi ko kasi alam kung ganyan ang tamang plural ng salitang iyan) of her only brother)
FOREWORD / BE WARNED...
May warning na sa taas, tutuloy ka pa din?
Tutuloy ka pa ba talaga?
As in, magpapatuloy ka na basahin ito?
Eh di magpatuloy ka, hindi ka naman pala, paaawat eh!
Sa mga magbabasa nito, i-enjoy niyo ang pagbabasa, huwag na kayo manlait, magcomment nang masama at magmagaling, kasi nga sulat at opinyon ko ito, kung ayaw niyo, lumayas kayo, nakikibasa na nga lang kayo, may negative comments pa! (Ang taray!)
Okay, joking aside, kung na-offend kayo sa panimula ko, hindi ako magsosorry, at bakit? Baka maitanong ninyo, simple, kasi nagpatuloy pa din kayo sa pagbabasa nito, sa kabila ng mga babala ko. Nakarating ka dito, at binabasa na ang mga sinulat ko na ito. Muli,bilang paalala, ang mga nakalagay dito ay pawang opinyon, kaisipan, saloobin at himutok ko sa problematic na lovelife ng kapatid ko.
Hindi ako nanghihingi ng payo o tulong sa lovelife/s niya, kasi sarili niya iyon. Privacy ang tawag doon. Pero hindi ibig sabihin ay wala ako'ng opinyon o pakialam doon, pero hindi ko sinasabi sa kanya, kaya nga nagawa ang novel na ito.
Sa pagpapatuloy na dugtong ng aking babala. May mga salitang maaaring hindi tutugma sa inyong panlasa, kaya ngayon pa lang kayo ay binibigyan na ng babala.
Iyong ibang mga nabanggit dito gaya ng pangalan ng kanta, pelikula, pagkain at iba pa, ay kredito sa mga nakadiskubre at nagmamay-ari nito. Hindi po ako ang nagmamay-ari ng mga iyon. Ibinibigay ko po sa mga nagmamay-ari ng copyright ng mga iyon ang kredito.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...