NAKAKAHIYA SI BRO
(BROTHER IS EMBARASSING)
Sa pagpapatuloy nang mga pangyayari ng malasing si Bro. Ayun, kung saan-saan napunta ang mga parte ng cellphone niya.
Pero walang nagkusang dumampot sa amin. Sa akin kasi, ibinato niya kaya pulutin niya.
Kaya lang hindi na makagulapay sa kalasingan ang kapatid ko.
"Maliligo na ako! Ligo na ako!" Sigaw niya.
Sinusundan namin ng tingin kung saan siya papunta. Nakaupo pa din sina F at R at nagmamasid sa kanya. Hindi sa wala kami pakialam, kaya lang ayaw naman niya paalalay.
Pumasok siya ng banyo. (Dalawa banyo namin na magkatabi. Iyong isa para lamang kay bunso, at iyong isa ay apat kami na naghahati, si Mama, Papa, ako at si Bro.)
Nagkumahog naman kami na umakyat ng taas at kumuha ng mga damit niya sa cabinet. Heto na! Wala pang limang minuto ay nakarinig kami ng malakas na lagabog. Iyong akala mo ay may sumabog na shellane (solane na daw sabi ni Auntie J). Takbuhan kami nina F, R, si bunso at ako sa banyo na bukas na ang pinto.
Nakita ko si Bro na hubo't-hubad, at may umaaagos na dugo sa ulo. Hindi na halos gumagalaw, at akala namin ay patay na.
Sa tabi ng walang malay naming kapatid ay isang dumbell na labindalawang kilo ang bigat (12 kilos). May bahid ng dugo.
Isa lang naisip namin, nagpapakamatay na yata siya.
Sabi ko "Mga par, pakisuyo naman, pakipaliguan at ayusin niyo naman si Bro."
Salamat sa kanilang dalawa. Lalo na kay balikbayang Pareng R, hindi siya nahiyang paliguan si Bro na hubo't-hubad.
Medyo nahimasmasan na siya, pero wala pa din sa sarili. Hindi din niya ramdam ang sakit na dulot ng bigat ng dumbell sa ulo niya.
Umakyat na siya paakyat sa taas namin. Nakatapis ng tuwalya. Kaso dalawang baitang bago siya dumating sa second floor, ay natanggal ang tapis niya. Tapos natulog siya sa kalasingan ng nakabuyangyang lahat.
Iyong kanyang gitna ay umaalog-alog. Si bunso naman ay abala sa pagkuha ng mga video sa pangyayari. Scandal daw! Para pag natauhan si Bro ay makita niya mga pinaggagawa niya.
Nang magkamalay na ulit ay humakbang siya, papasok sa kwarto namin ni bunso at hindi sa silid niya. Para siyang si Adan na humiga ng walang pakialam.
Ako na ang nahiya, at tinakpan ang nakabuyangyang niyang katawan. Para kang nakatingin sa PORN sites, lamang wala siya kalaro sa apoy. Kasi nga kasalukuyang dumudugo ang sawi niyang puso.
Dumating na si Ina na galing pwesto, hindik na hindik siya ng makita si Bro sa kwarto namin. Kami naman ay todo ang pasasalamat kina Pareng R at F.
Nakakahiya si Bro, para sa akin, bumaba ang respeto ko sa kanya dahil sa pangyayaring ito.

BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...