ANG AUTHOR/ ANG ATE NA NAGMAGALING na isulat ito.
Hi, ako nga pala si Leiza Lei, pen name ko iyan. Isang writer ng BOOKWORM'S REALM DIGIPUB.
Dapat ay tinatapos ko ang mga nakabimbin kong manuscripts, kaya lang dahil sa sobrang galit, frustration, at emotional effect na nararanasan ko dahil sa lovelife ng kapatid ko, eh ito ang naisulat ko.
Paumanhin sa mga subscribers na naghihintay sa mga e-books ko, pasensya na, kailangan ko lang talagang isulat ito.
Sa aking BW Family, humihingi ako ng pag-unawa at pasensya, maraming salamat, sa pagsuporta.
Maiba na ako, Gaya nga ng nasabi sa taas, isa ako'ng Ate. Panganay ako sa tatlong magkakapatid, kung saan ang gitna namin ay isang lalake.
Ano ba ang background ko? Mas matanda ako sa kanya ng two years, at nine years naman ang age gap ko sa bunso namin.
Isa ako'ng licensed nurse, at registered professional civil servant, but despite that credentials, (pa-humble effect), I am not practicing nor working in any of the two above.
Yes, maikakategorya mo ako either as underemployed o unemployed. Depende sa kung ano ang kalagayan ko. Hindi naman ako nagpapakaplastic sa tunay na lagay ng buhay at employment status ko.
Hindi kami mayaman, at hindi din ako nagfe-feeling mayaman. Ha ha! Wish ko na makajackpot sa lotto, pero sabi nga wish lang kasi hindi naman ako tumatama sa minsanang pagtaya ko, madalas tumatama ang ulo ko sa pader sa panghihinayang sa halagang bente pesos na itinaya ko.
Passion ko ang writing kahit na napakabagal ko sumulat, at madalas na nadidistract ako.
Higit sa lahat, aminado ako'ng hindi ako perpekto, I have flaws, perks, and quirks other might find offending, if it affects you, then please do inform me, about my traits that have marred you, so I can say sorry. Pero kung kayo ang nagkamali sana, matuto din kayong umamin noon.
Galit kasi ako sa mga taong hindi marunong umamin na may mali sila, sa mga taong hindi nagpapakatotoo sa mga nasa paligid nila.
Ooops! Tama na, naiiba na ang mga sinusulat ko dito.
Pasensya na sa paraan ng pagkakasulat. Informal writing ito, may taglish, may mga hindi tamang paggamit sa grammar, mga salitang maaaring ayaw mabasa at iba pa. Ipagpatawad ninyo.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...