ANG AKING KAPATID...
(Ang bida - kontrabida sa nobela kong ito)
(A/N: Kung mabasa man niya ito, alam na niya kung bakit bida-kontrabida ang tingin ko sa kanya)
Tawagin na lang natin siya sa palayaw niya na J.M. Initials mula sa pangalan niya. Pero para sa isinulat kong ito, Bro ang madalas na itawag ko sa kanya.
Isa na siyang pulis ngayon, nag-iisa ko siyang kapatid na lalaki at nasa gitna siya.
Cancer ang zodiac sign niya, under sa Year of the Rabbit at last day ng June ang kapanganakan niya, huwag na ninyong alamin ang edad, basta ang masasabi ko nasa kalendaryo pa din, Intiendes? (Kung mahuhulaan ninyo ang edad niya,malamang alam na din ninyo ang edad ko, hindi naman kami nagkakalayo, at parehong nasa kalendaryo pa mga edad namin, kahit Month of February, nandun pa din ang age bracket namin)
May taas siyang five six, hindi masasabing maputi, hindi din maitim. May kalakihan ang tiyan niya, bago pa man siya magpulis malaki na talaga tiyan niya, nangayayat siya noong nasa training school, at nang makalabas ay bumawi sa kain, kaya malaki na naman ang tiyan niya. Tabain kasi salinlahi namin, kahit hindi kami palakain.
May mga peklat siyang itim sa iba't-ibang bahagi ng katawan, dahil nagka-allergy siya noong mga bata pa kami.
Baku-bako pero hindi butas-butas ang kanyang mukha, sanhi ng tighiyawat na tumubo noong adolescent life namin.
May mga nagkakagusto naman sa kanya, pero siya itong umaayaw. At kung sino ang mga umaayaw sa kanya, iyon naman ang pinagkakamatayan niya.
Madalas kaming magclash ng opinyon at pag-iisip dahil magkaiba kami ng pananaw sa mga bagay-bagay.
Pakiramdam niya ay api-apihan siya sa bahay, dahil wala siya mahingahan ng sama ng loob, na kapatid na lalaki.
Kung alam lang niya, siya ang pinakapaboritong anak ng Mama namin. Madalas nga na inggit kami ni bunso, sa mga care at effort na ginagawa ni Mama, para lamang sa kanya.
Kakainis no? Hindi niya nararamdaman ang pangangalaga ng Mama at Papa namin sa kanya.
Pride and joy siya ng Papa at Mama namin, dahil nag-iisang anak siya na lalaki. Kung may hilingin siya, kahit na panay ang dada ng Mama at Papa namin, gagawan ng paraan para makuha niya, kahit na hindi naman agad-agad.
Ang problema, hari kasi siya ng pagmamadali! As in, iyon talaga siya, gusto niya ng ora mismo. Kaya bwisit ako sa ugali niya.
May mga magaganda at pangit siyang mga pag-uugali, pero bahala na kayong tumuklas doon, makipagkaibigan kayo sa kanya para malaman niyo at kayo na ang humusga.
Hindi ko masasabi na huwaran siyang kapatid. Pero siya ang Ninong na ang daming inaaanak, at may mga nagpapaampon pa na sana ay maging inaaanak niya din.
Fun fact, ang mga naging kumpare niya ay iyong mga mortal enemy niya noong mga bata pa kami.
Love kasi siya ng mga bata. Pero malas siya sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...