CHAPTER 5: SI J2 ANG TEXTMATE NA SINGLE MOTHER

53 2 2
                                    

SI J2 ANG TEXTMATE NA SINGLE MOTHER (J2 THE TEXTMATE WHO IS A SINGLE MOTHER)

Ilang buwan ang lumipas, napapansin ko na iba na naman ang kilos ng kapatid ko. Sumisigla na, at hindi na EMO pag naaalala si J1.

Nagresign na siya sa trabaho, at tambay na ulit sa bahay. Hmm... Napapaisip ako, bakit ba parang kinikilig na hindi maintindihan itong si Mokong.

Up and down ang bahay namin. Sa taas may dalawang kwarto, iyong isa magkasama kami ni Bunso. Iyong isa sarili ni brother. Sa baba naman sina Papa at Mama kasama ang mga alaga naming aso. (Sa ngayon may apat na kuting, tatlong malalaking aso at isang tuta sa aming bahay.)

Madalas magigising kami sa gabi na para bang may kabulungan siya. Lagi pa may load ang cellphone niya ng unlicall at unlitext. (Prepaid lang kami dahil nga can't afford, by the way N73 ang cellphone ni brother. Nahulog na, ibinato na, nawasak na, buhay pa rin! Nagkapera na siya lahat, hindi pa din niya pinapalitan. Salamat din sa kanya dahil siya ang bumili nitong cellphone ko, na ginagamit ko sa pagtype ng love story niya.)

Tumataas ang kilay ko, isang beses ay nanghiram siya ng cellphone ko. Hindi pa niya inireregalo ito'ng gamit ko ngayon. Nokia 6103 iyon. Colored, walang camera, memory etc. Iyong lumang model na pangtawag at text lang. Pero huwag niyo mamaliitin iyon, kasi iyon ang paboritong kong cp. Kaya lang nagrest in peace na siya.

Niloloadan kasi ako ng Auntie namin ng unlicall for five days. Madalang ko naman gamitin, kasi sila lang naman sa probinsya ang tinatawagan ko. (A/N: sabi ni bunso kailangan isulat ko na iyong load ay "from province with love to NCR" ha ha ha!)

Pinahiram ko naman sa kanya. Pero binalaan ko siya na huwag masyado sasagarin ang pagtawag. (Huwag naman magalit ang mga service provider ng mga load ng cp, kasi banas talaga ako sa kanila! Naglalagay ng unlicall and text pero hindi naman talaga nasusunod! I mean, kaya nga unlicall hindi ba? Ibig sabihin walang limit. Pero bakit sila nagtetext ng you have totally consumed your allowable ek ek ek... Tapos may nakalagay pa minsan na you have violated the terms...etc., na may kasama pang subject to fair usage policy. O? 'Di ba? Napakalaking kalokohan! Sana naglagay na lang sila ng ilang beses ka lang makakatawag sa isang araw.)

Anyways, hindi iyan ang problema, balikan na natin ang pagpapatuloy ng love story ni brother kay J2.

Si J2 ay taga-probinsya kung saan nagmula ang salinlahi ng Papa namin.

Kakilala siya ng mga pinsan namin. Ang pagkakaalam ko ay ibinigay ng pinsan kong matandang binata na nagsisimula din sa J ang pangalan, ang numero ng cp niya sa kapatid ko. Nabuburyong daw kasi si brother at gusto niya ng uso ngayon, textmate (nung panahon daw nina Auntie ko, phonepal tawag dun, sa ibang bersyon naman, ayon sa Mama ko, penpal.)

Ayun na! May textmate na siya. Naisip ko impluwensya siguro iyon ng gabi-gabi niyang pakikinig sa mga radio stations, na may nagliligawan ON-AIR, via phone patch, gamit ang telephone line o cellphone.

Minsan nga pinapakinggan niya iyong mga true confessions na panggabi. Gusto niya siguro maranasan kaya sinubukan niya.

Si J2 ay isang single parent, sa isang apat na taong gulang na batang babae. Sa pagkakaalala ko may sakit ito'ng anak ni J2, sakit na hindi pinagpapawisan. Ang pangalan ng bata ay nagsisimula sa letrang T.

Nahumaling ng husto sa kanya ang kapatid ko. Iyong nabubuwang, nababaliw at hindi mapakali kapag hindi nakakausap o ka-text si J2. Palagi nanghihingi ng load sa akin o kay Mama.

Hindi isyu sa kaniya kung may anak si J2. Sa katotohanan, tanggap niya ang anak nito, kahit hindi pa sila nagkikita. Inaaari na nga niyang anak si T.

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon