CHAPTER 2: PAGPAPASIKAT KAY STRICT ANG PARENTS KO, O KAY J1

85 3 8
                                    

PAGPAPASIKAT KAY STRICT ANG PARENTS KO, O KAY J1

Natural, dahil mas matanda ako, nauna akong grumadweyt kay bro, at sa mga batchmates niya.

Simula na ng high school life ko, napansin ko nang minsang umuwi ako, eh may mga sugat at pasa si brother.

By the way sa isang private school na ako nag-aaral nito, kaya maghapon ang klase ko. Magsisimula ng alas siyete ng umaga at magtatapos ng alas kwatro ng hapon.(A/N: nung nasa public school kami dalawa ang shift ng klase, umaga na nagsisimula ng six morning to twelve noon, at panghapon, na simula ng twelve o one o'clock ng hapon, hanggang alas-sais ng gabi.)

"Ano nangyari sa iyo?" tanong ko sa kanya.

Napaaway daw siya. Ah, ewan kung bakit siya nang-away. Uso kasi ang mga siga-sigaan sa school, sila iyong mga bully na walang magawa kung hindi mangawawa ng mahihina. (Pero hindi kasing tindi ngayon, na ang mga bata ay pumapatay na ng kapwa bata!)

Kapag nababalik-tanawan namin ang pangyayaring ito, ay natatawa kami. Kasi iyong nakaaway niya, ay kumpare na niya ngayon. (Ha ha! Madalas ko nga sila sabihan pag nakikita ko sila na magkausap, "Naaalala niyo pa ba na naging headline kayo sa eskwelahan, dahil nagsapakan kayo sa gilid nang slurpee stand?" Pang-aasar ko sa kanila.)

Dalawang araw pa ang lilipas bago niya ikwento ng buo ang pangyayari.

Noong panahon namin, may tinatawag na tagapagtanggol ang bawat section. Sila iyong mga lalaking ipagtatanggol ang mga kaklase nila, mali man o tama. Nang grumadweyt pala ako, si brother ay naging isa doon.

Oh, ayan, sikat na siya, may reputasyon na! Siya din ang nagpauso sa school namin, nang illustration board na ginagawang bag o binder ang tawag nila doon, na dinikitan, nilagyan ng design ng favorite mong anime character o kung anupaman. (Japanese Anime boom ang kapanahunan namin, panahon ito ng Yu-yu Hakusho o mas kilala sa tawag na Ghost Fighter, Sailor Moon, Gundam Wing etc...)

Mabalik tayo sa ikukwento na niya kung bakit siya napaaway, nanood ako ng t.v., habang siya ay busy sa ginagawa niyang binder.

"Ate, napaaway ako sa mahigit pitong schoolmates" simula niya.

"Bakit naman?" Nagtatakang tanong ko.

Simula na ng pagpapaliwanag. Ang totoong may kaaway, ay ang isang kaklase niya, kaya lang tinawag siya, defender at protector kasi siya ng klase nila. (Feeling ko tuloy siya si Voltron, iyong Robot na pinapatalastas sa ABS-CBN na may tagline na Defender of the Universe. Ha ha ha!)

Kahiyaan na, tinawag na siya eh. Inatake daw siya ng sabay-sabay, ang una niyang ginawa para daw hindi mapalibutan at masukol, eh tumakbo sa tabi ng slurpee stand. (Para magkaideya kung ano ang slurpee sa mga hindi nakakaalam, maghanap kayo ng 7-11, nagtitinda sila doon, kung wala naman, magtanong kayo sa mga nakainom na, o research sa internet)

Iyong slurpee stand namin, ay nakalagay sa parang maliit na kubo, isinandal niya ang likod doon. Sa pitong kalaban niya, walang nakapagpabagsak sa kanya. Tatlo ang napabagsak niya, apat pa ang natira.

Sigawan daw ang mga kaklase at iba pang school mates kahit ano pa ang grade habang nanonood. Palakpakan! Para silang nakalibre sa sine ng isang action movie o anime na may matinding fighting scene.

Wow! Gusto ko itanong bakit nakipag-away pa din siya, samantalang iniwan na siya sa ere ng mga kasama niya na may kasalanan. Hindi na pala kailangan kasi, ibinigay din niya sa akin ang kasagutan.

Nakatingin daw kasi si J1, at ayaw niyang mapapahiya. Sus! Ewan ko ba, noong mga panahong ito, naisip ko na tama si Sigmund Freud sa mga theories niya. (Isolation versus Peers ba ang stage na ito? Dahil Adolescent years ito, naghahangad tayo ng acceptance ng society. Pakimessage po ako kung mali para maitama ito. Hindi na po kasi ako nagsaliksik para makumpirma itong hinala ko.)

Ayun! Nakakuha nang lakas at tapang dahil nanonood ang babaeng gusto niya.

Lumipas ang isang buwan mula noon. Tuloy ang ikot ng buhay, ewan ko, ano na nangyari sa pagsintahan nila. Ako naman ay aral-bahay, aral-bahay at iwas na makisabay sa mga kaklase ko na mapepera. Can't afford ako at hindi ko trip makipagsabayan sa mga kapritso at luho nila, para lamang maging IN.

Minsang umuwi ako ay labis ang pagtataka ko, kasi 5 pm na, wala pa si bro.

Kita ko na rin na galit ang Papa namin. "Anak, iwan muna kita, sandali. Hanapin ko lang kapatid mo" pagpapaalam niya.

Tango naman ako, matutulog ako pagkaiwan sa akin ni Papa. Hatid sundo ako ni Papa, kahit na isang kanto lang ang layo ng eskwelahan ko sa bahay. Mabigat kasi bag ko.

Naalimpungatan ako bago mag-alas otso ng gabi. Dumating na si Papa, karay si bro.

"Saan mo po siya nakita?" tanong ko kaagad.

Sinagot ako ni Papa na nakita niya daw naglalaro ang kapatid ko sa pag-apak sa isang laro na may mga arrow at sasayawin mo. (Dance Revo ang tawag sa nilalarong ito ni bro, pero hindi ko pa alam nung panahon na ito, na iyon pala ang pangalan ng larong kinahuhumalingan niya)

In short, may bagong tambayan na naman ang mga estudyante, kung saan pwede sila magpasikat. At dahil doon naging notorious ang section ng kapatid ko. Madami kasi sa kanila ang magagaling magsayaw. Siyempre pa impress sa kanya si J1.

Uso iyong family computer at mga play station kung saan malalaro mo ang mga larong gaya ng FINAL FANTASY, DEAD OR ALIVE (DOA), STREET FIGHTERS, KING OF FIGHTERS etc. Grabe! Isa siya sa mga hustler na manlalaro sa ganito kapag hindi siya naglalaro ng Dance Revo. Ang favorite at forte niya ay DEVIL MAY CRY saka TEKKEN. Tanda ko pa pangalan noong shop na nilalaruan niya HONGKONG. (Side thought: akala ko noon kapag sinabi niyang maglalaro siya sa HONGKONG ay bibiyahe pa siya, taka naman ako kasi wala naman siya passport at ticket. Naliwanag din noong malaman kong pangalan iyon noong shop. No joke! DOA abbreviaton ng DEAD OR ALIVE at si Lei Fang ang paborito ko naman sa nilalaro ko.) Mas matindi naging impresyon niya kay J1.

Kakantahin ko na lang sa kanila, iyong linya ni Tootsie Guevarra na "pasulyap-sulyap ka't kunwari'y patingin-tingin sa akin, 'di maintindihan ang ibig mong sabihin."

Mabilis lumipas ang mga araw, hindi napigilan at graduation na din nila sa elementarya. In short, natapos ang unang kabanata ng pag-ibig ni brother kay J1 na hindi naman naging sila.  

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon