CHAPTER 9: NANG MAKILALA NAMIN SI J3, SANA HINDI NA LANG!

28 2 1
                                    

NANG MAKILALA NAMIN SI J3, SANA HINDI NA LANG!

(WHEN WE MET J3, HOPE THAT

DIDN'T HAPPENED!)

ISANG GABI na tahimik at karaniwan lamang ang paglipas ng oras para sa aming dalawa ni bunso.

Day-off ni Bro, kasalukuyan siyang nakikipag-inuman sa BFF niyang nagsisimula sa letrang F ang pangalan. (Madalas kantyawan namin silang "My Husband's Lover" hindi kasi sila mapakali na hindi nakikita ang isa't-isa sa loob ng isang araw. Kahit na may kinakasama at anak na si F.)

Bandang alas sais na ng gabi. Nananahimik ang mga alaga naming aso, wala pa iyong mga kuting, si bunso ay nanonood ng DVD ng James Bond, habang ako ay abala sa pag-iisip kung paano dudugtungan ang mga eksena sa nobelang ginagawa ko. Nakatitig ako sa monitor at nag-iisip, sabi kasi ni bunso ( si Bunso ang unang kritiko ko sa mga nobela ko, mapa-love scene man o kung ano pa.) Palitan ko mga pangalan ng mga bida masyado ng karaniwan, dapat iyong may dating na sariling akin.

Masunurin naman ako na Ate kaya nga nag-iisip ako at nagsasaliksik ng ipapalit. Biglang tumunog ang cellphone ko na regalo ni Bro. Nakita ko na nagflash sa screen ang pangalan niya.

"Ate, itali mo ang mga aso, darating si J3" bungad niya kaagad sa akin.

"Ha? Sabihin mo sa susunod na lang, ang gulo ng bahay" sagot ko sa kanya.

"Sige" sagot niya.

Nagpatuloy ako sa pakikipagtitigan sa monitor ng computer, wala pa din naidudugtong at napapalitan sa mga pangalan ng aking mga karakter na isinusulat.

Tumunog muli ang aking cellphone.

"Ate, padating na kami" sambit niya.

Muntik na ako'ng mapamura kaya lang pinigilan ko. Si bunso ay nagwawala, dahil napakagulo ng bahay.

Nagkakahol ang aming mga aso, habang itinatali namin. Bumili pa ako ng makakain nila na cup cakes at soft drinks.

Nakakahiya naman sa "bwisita" ahem! "Bisita" ni Bro.

Sa wakas sa tatlong J sa buhay ni Bro si J3 lang ang nakilala ko ng personal.

Nakasalamin na walang grado, may cellphone na Samsung unit, wala pa akong alam sa mga samsung unit na cellphone noong panahon na ito. Nakaspartan sandals na mataas.

Disente tingnan, pero mas maganda pa din sa akin iyong ex ni Bro na model na ikinasal sa koreano, na nagsisimula sa C ang pangalan. Natagalan na ng kahihintay sa kanya iyong babae.

Inalok ko ng softdrinks, "No thanks, pineapple juice (Del Monte in Can) lang iniinom ko, kasi may ulcer ako" sagot niya.

Lihim na tumaas ang kilay ko, may ulcer tapos pineapple juice ang iinumin? Ah, ewan. Binutingting ko na lang iyong mga posters at stickers na binili ko sa Comic Alley habang nag-uusap sila ni Bro. Nang mga panahong ito ay addict ako sa ANIME at MANGA na BEELZEBUB at KUROKO NO BASKET.

"Ayoko sa lalaking umiinom at naninigarilyo" tanda ko na sinabi niya kay Bro.

Nakainom na kasi si Bro, at ang kulit! Tinawagan pa si Auntie J, upang sabihin na nagdala siya ng babae sa bahay. Iyon na daw ang pakakasalan niya. Si J3.

Sa loob ko naman, "'wag kang umasa, malakas ang hinala ko na hindi kayo magkakatuluyan." Ayoko sirain kaligayahan ng kapatid ko.

Sampung minuto lang ang itinagal ni J3 sa bahay namin. Hindi niya siguro feel, kasi nga hindi naman kami mayaman.

Okay, bye! Effing! Care ko? Alam ko naman na hindi na siya babalik sa bahay namin.

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon