ANG PASAKALYE SA MAKULAY NA KWENTO NG KANYANG MGA PAG-IBIG...

153 3 0
                                    

ANG PASAKALYE SA MAKULAY NA KWENTO NG KANYANG MGA PAG-IBIG...

Ang kapatid ko ay tatlong beses na umibig sa mga babaeng ang mga pangalan ay nagsisimula sa letter J. (A/N: Nang malaman niya ang tungkol sa book na ito, nagsabi siya na apat na J daw ang babaeng minahal niya, sagot ko naman ay ietsepwera namin iyong isa, pagsintang purorot lang naramdaman niya doon, at ng mga panahong hibang siya doon, eh hindi naman siya nakikipagpatayan at ipinaglalaban sa amin ng todo iyong J na iyon) Kaya tatlo na lang ang paksain natin, at huwag na iyong iba pang mga babae na nagkaroon ng kaugnayan din sa kanya.

Kasi dahil sa kanila, naranasan namin ng pamilya ko na awayin, talikuran, at murahin ng kapatid ko para lamang sa pag-ibig (kuno?!) na naramdaman niya sa bawat isa sa mga babaeng may initial na J.

Hindi niya pwedeng ikaila ang mga ginawa niya noong panahong naglalagablab (umaapoy, umuusok, nakakapaso) ang damdamin niya sa mga ito.

Habang sinusulat ko ito, napapailing ako at nalulungkot kapag binabalikan ko ang nakaraan.

Sh*t! Gusto kong sabihin, ang galing sa ibang tao, pero sa pamilya, walang kwenta.

Iyong isang J school mate at first crush niya. Palayawan natin siya bilang si J1. (Ang babaeng hello kitty...bow! )

Si pangalawang J, isang single mother na ibinigay ng hinayupak naming pahamak na pinsan na nagsisimula din sa Letter J ang pangalan,(hindi ko alam kung coincidence na puro J ang mga pangalan ng mga sangkot dito!) bilang textmate niya. Siya si J2. (Nilayasan niya kami dahil sa babaeng ito! Bullsh*t! Ito yung babaeng hunyango! Hunyango, hayop o ahas na magpabalatkayo. Grabe, kumukulo na ang dugo ko. Pero hindi bale, may mas malala pa sa kanya.)

Iyong ikatlong J, nakilala niya sa MRT, nang minsang makasabay niya pauwi galing sa duty niya bilang pulis. Si J3, ay isang babaeng ang pinapasukan ay sa may Magallanes MRT station. (pinakaiinisan ko sa lahat! Malalaman ninyo mamaya...FL-3( SL_( B*TCH!! Mali, may finesse pa naman ako. Manggagamit, mapagsamantala at mapagkunwari ang dapat na itawag sa babaeng ito!)

Okay, napahagingan na natin, mamaya ko na tatalakayin nang buo ang bawat isa sa kanila. Basta nabigyan ko na kayo ng ideya.

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon