BAWAL ANG DONUTS SA BAHAY
(DONUTS ARE BANNED IN OUR HOME)
BUWAN ng Nobyembre, masaya ako, kasi buwan ito ng kapanganakan ko.
Minsan nagpunta kami ni bunso para gumala sa SM North (SM West sa iba) at dumiretso na din sa Trinoma.
Sa kakagala ay humantong kami sa stand ng Krispy Kreme Donuts, wow! Dami bumibili. So nagrequest si bunso na bumili ako ng isang kahon na may lamang isang dosenang donuts. Bumili naman ako.
Pagkauwi sa bahay, maganda ang atmospera, nagkakasayahan kami. Si bro ay binigyan ko ng tatlong piraso dahil yun ang share niya. Ako at si Mama ay tig-isang piraso lang ang kinain. Kaya may natira pang apat. Sabi ko, bukas na lang. Breakfast ko bago pumasok sa work.
Lumabas si bro at hindi ko alam kung saan nagsuot. Ala-una ng madaling araw ng maaalimpungatan ako. Nagsesermon si Mama sa ibaba ng bahay.
Pagkababa ko ay nakita ko si bro na hawak yung kahon ng donuts na wala ng laman, panay ang ngasab at amoy alak siya.
May kasabihan tayo na biruin mo na ang lasing huwag lang ang bagong gising. Dahil isa ako sa mga taong masama ang timplada kapag kulang sa tulog. Malamang alam na ninyo ang mangyayari.
"Hindi ka na nahiya, binili iyan ni Ate mo at kinain mo na ang parte mo! Tapos ngayon para kang magnanakaw na kinuha pa din ng walang paalam ang pagkain namin ni Ate mo" litanya ni Mama.
Napatingin ako sa relo na nasa sala namin, ala-una y medya ng madaling araw.
Dahil may hypertension ang Mama namin, bawal ito na makulungan ng oras ng tulog o magising ng wala sa oras mula sa kahimbingan ng kanyang pagtulog.
"Magkano ba ito?" Pabalang niyang sagot kay Mama. "Bibili ako pagkasahod ko!" Sigaw niya.
Uminit na ang ulo ko, na noon ay nakatayo sa hagdanan at pinapanood ang mga eksena nila.
"Huwag kang sumigaw! Nakakabulahaw ka sa mga kapitbahay!" Gigil na saway ko sa kanya.
"Para ito lang, ipinagdadamot ninyo!" sabat niya.
"Hindi iyan, ipinagdadamot! Ang kay Mama lang, sobra-sobra na ang kinain mo. Kinain mo na lahat ng share mo kanina. Kung hindi pala kami nagising, malamang bukas ako ang magagalit kay Mama dahil magtataka ako saan napunta ang mga donuts." sagot ko uli.
"Ah! Magsama kayo! Pare-pareho naman kayo eh! Kung hindi sa akin na nagkusang tumupad at umaksyon sa mga pangarap ko, may narating ba ako ngayon? Wala kayong kwenta! Lalo ka na, Ate!"
Medyo nagpantig ang tenga ko sa sinabi niya.
Umakyat na siya sa kwarto niya at humiga. Hindi ako makahinga, pakiramdam ko sasabog ang dibdib ko sa sobrang sama ng loob! Ang sakit! Ang sakit-sakit!
Biglang humirit si Bunso na gising na din ng mga oras na iyon, "Ate, huwag ka ng bumili ng Donuts, nagiging dahilan pa ng away."
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...