CHAPTER 1: UNANG PAG-IBIG / HIS FIRST LOVE

128 4 2
                                    

                UNANG PAG-IBIG / HIS FIRST LOVE

Si J1, o ang unang pag-ibig, childhood love, first crush, puppy love, etc, na maitatawag ng aking brother dearest?! (Magkaaway kami habang isinusulat ko ito).

"First love never dies" banat niya pa sa akin iyan, credit sa kung sino man ang tunay na may-ari ng quote na iyan.

Elementary kami ni brother sa isang gov't owned o public school kung tawagin nila. (Self-explanation, paaralang pang-mahirap o walang kakayahang mag-aral sa pribadong paaralan dahil sa kakapusan sa pera)

Hindi pa ganoon kacrowded, pero marami na ang section, at maipagmamalaki ko na mataas ang kalidad ng edukasyon na itinuturo ng mga beteranong guro namin ng panahon na iyon. Terorista ang tawag namin sa mga guro namin, meron din namang mga mukhang pera. Ha ha!

Uso pa noon ang SPED-FL (short for Fast Learners) o star section ang katumbas sa private schools. Iba pa ang section One noon. May mga acceleration tests din, para umangat ka sa year level.

Naging classmate niya si J1, sa hindi ko na maalalang year level. Basta, bago sila mag grade six, magkahiwalay na sila ng section.

Kapanahunan mo kami, at mahuhulaan mo ang mga edad namin, kung ang usong paraan ng ligawan ay iyong mga love letters na isinulat sa papel (kahit ano'ng papel, madalas ang ginagamit ay iyong papel na indikasyon kung ano'ng grade ka na) na may iba't-ibang style nang pagtupi, at ipinasa-pasa sa buong classroom hanggang makarating kay crush. O dahil sa pesteng slum book/ autograph book, na may nakalagay na who is your crush? Kaya nagkakabukingan.

Kaya alam ng buong classroom kung sino ang may crush kanino, at uso din ang katawagan na crush ng bayan, sila iyong mga popular sa buong year level ninyo, dahil gwapo o maganda, at maraming humahanga sa kanila.

Hindi ko na maalala ang isinulat ni brother, basta umuwi siya na may dalang stationary (Note: magagandang papel na mabango, mahal ito noon, pero mura o wala na sa ngayon) na nakatuping padiamond, ang natatandaan ko na sagot ng girl sa kanya, ay "STRICT ang PARENTS ko" na binasa niya ng malakas na ikinatawa ng aming mga magulang.

Simula noon, tatawagin nang pamilya ko si J1 bilang ang "babaeng strict ang parents ko".

Noong grade five ako, na-late ako ng uwi. May activity kasi kami na pagandahan ng design ng bawat grupo para sa christmas party, minalas na hindi matapos-tapos sa dami ng kaartehan ng bawat grupo, (hindi pa uso ang cellphone noon, na one text lang, alam na ng pamilya mo, na late ka uuwi dahil sa mga extra curricular activities sa school, at hindi sa biglang liko, o kung anupaman na extra curricular activities na hindi naman karapat-dapat na praktisin)

Nagdecide si Adviser na huwag kaming pauwiin, kailangan makatapos kami. (Baka magtaka kayo, bakit, ito'ng pangyayari na ito ang ikinukwento ko, eh dapat may kaugnayan sa love story ni J1, at ng brother ko na si J.M. ang dapat na nababasa niyo, basta! May kaugnayan ito sa puppy love nila!)

Eh nag-aalala na ako, sabi ko kay Teacher, "Ma'am, kailangan ko na po talaga umuwi, magagalit Papa ko, kasi alas dos na hindi pa ako nakakauwi" paliwanag ko.

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon