SI J3 ANG BABAE SA MRT
(J3 THE WOMAN AT THE MRT)
LUMIPAS ang isang taon, PULIS (ayan! Palakpakan!) na si Bro. Huwag na ninyo itanong magkano gastos namin. Hanggang ngayon ay binabayaran pa namin ang mga ginastos para sa pagkapulis niya.
Nagrereport sa trabaho si bro, sa isang kampo na napakalayo ng byahe sa amin. Siguro mga dalawa hanggang anim na oras ang byahe.
Minsan, habang nagkakatuwaan sina bro at ang kanyang mga kasamahang pulis sa MRT (ito yung tinatawag na METRO RAILWAY TRANSIT, nagsisimula sa TRINOMA o North Avenue Station at nagtatapos sa EDSA Taft station na katabi ng METROPOINT na mall, palitan lamang ang ruta) pauwi na matapos ang mahabang oras na duty, nakasakay niya si J3.
Rush hour nang magkakilala sila ni J3. Nagbiro ang isang kasama ni Bro kung pwede daw ba makuha number ni J3. Ibinigay naman ni J3 ang cellphone number niya. (Dito pa lang kinutuban na ako ng masama kay J3. Kasi sa akin kung matino kang babae hindi mo basta ibibigay ang numero mo sa isang estranghero na kakikilala mo pa lamang sabihin pang pulis iyan. It makes a girl/woman cheap and easy to get. No offense meant to girls out there, who has done these kind of things. Just stating my opinion here. Pasensya na, alam ko na moderno na ang panahon, pero hindi ako makasabay doon. Makaluma pa din kasi ang paniniwala ko.)
Umuwi si bro ng pasipol-sipol. Ibang-iba ang aura niya. Hanggang sa fx, ay magkasabay sila ni J3. Isang lugar lang pala ang tirahan namin at niya, magkaibang barangay lang. (Clue: Nakatira kami sa isa sa pinakamahabang kalsada na isinunod sa apelyido ng isa sa naging Presidente at isa sa tinaguriang killer highway sa bansa. Idagdag na ang traffic na kahit madaling araw ay nangyayari.)
Heto na, nagsimula na naman magload ng unlicall at unlitext si Bro. Akala ko matindi na iyong kay J2. Pero, balewala sa pagkabaliw niya kay J3. Hindi na nga pagkabaliw, over na super pa! Saan ko ba maikukumpara? Ah, sa isang twenty four hours seven days a week na convenience store. Daig pa nila ang mga call center agents ng mga bpo kapag inatake ng kiliti sa pagkukwentuhan.
Alam mo yung napakainit na ng mga cellphone at hindi maawat sa pagrerecharge ng mga battery na lowbatt hanggang empty batt na? Ganoon sila, kulang na nga lamang langgamin sila sa tamis.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...