CHAPTER 12: MGA BULAKLAK, REGALO at PAGRENTA SA NISSAN URVAN

31 2 0
                                    

MGA PUMPON NG BULAKLAK, MAMAHALING REGALO at PAGRENTA SA FX na NISSAN URVAN (BOUQUET OF FLOWERS, EXPENSIVE GIFTS and RENTING OF NISSAN URVAN FX)

LUMIPAS ang dalawang linggo mula sa insidenteng iyon. Mukhang nakarecover na si Bro. Ngumingiti na naman.

Wow! Mukhang nakarecover na siya. May kausap na naman maya't-maya sa cellphone.

Salamat naman! Naiusal ko sa sarili ko. Nang mga panahong ito, nagkaroon ako ng pansamantalang trabaho bilang isang private duty nurse ng isang nobenta anyos na matandang babae.

Walo hanggang dose oras ang trabaho ko, kaya pag-uwi ko kadalasan nasa bahay na si Bro.

Isang araw, maaga ako nakauwi. Narinig ko na tinatawagan niya ang BFF niyang si F para hiramin ang nissan urvan ng pamilya nito. Ipinampapasada iyong nissan urvan na may rutang mula sa isang lugar sa siyudad ng Caloocan, hanggang sa isa sa pinakamalaking mall sa Lungsod ng Quezon.

Tumaas ang kilay ko! (Taas talaga hanggang langit! Kasi magkano ang pagrenta ng isang sasakyan na ganun? Bongga!)

Kami nga hindi makarenta ng ganun. Bukod doon, pag-uuwi ako ng every other day, nakakakita ako ng iba't-ibang bouquet of flowers and roses, red, pink, blue etc. Syempre, alam ko na kung para kanino iyon. Kay mahaderang J3.

Wala siyang inaaabot na sahod kay Mama. Kung meron man, kakarampot at hindi sapat. Buti na lang may trabaho na ako at hindi tambay. Ganun din ang Papa namin na lingguhan nagpapadala ng kanyang sahod.

Medyo nahahyper na ako sa inis sa kanya. Nalaman ko kasi na kaya kapos ang sahod niya at nagkakautang pa siya ay dahil sa pagtustos niya sa mga nireregalo niya kay J3. (Hindi ko pinapalabas na masama si J3, kaya lang masasabi ko na materyalistiko siyang babae. Sorry ha, alam ko na kasalanan din ng kapatid ko na panay ang regalo sa kanya.)

Si J3 naman ay panay lang ang tanggap. Bongga na bongga!

Kaya minsang pagkauwi ko, tinanong ako no Bro kung ano ang opinyon ko kay J3 at kung gwapo na siya sa panliligaw niya.

Heto ang sagot ko "Alam mo bro, minsan ka ng niloko ng babaeng iyan, ayoko sanang maging kill joy sa pagsinta mo, pero dahil tinatanong mo ako, tatapatin kita na may kutob ako na lolokohin ka niya ulit!"

"Hindi pa nga kayo eh nanloloko na, paano pa pag naging kayo?" Pagtatapos ko.

Kaya lang hindi siya nakikinig, sige pa din. Ganoon nga siguro tayo kapag nagmamahal, pahiram ng dialogue na "Hahamakin ang lahat, masunod ka lamang"

At iyon na nga, muli siyang binigo ni J3. Nalaman ko iyon ng pag-uwi niya ay panay drama na naman siya.

Ipinagpalit siya ni J3 sa lalaking nagregalo dito ng pink na gitara na i-pinost pa nito ang litrato sa FB. Ito din iyong lalaking sinagot ni J3 noong una pa lang.

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon