CHAPTER 16: NAG MOVE-ON NA NAGSISINUNGALING SA SARILI

33 2 0
                                    

NAG MOVE-ON NA NAGSISINUNGALING SA SARILI at ANG MGA TEXT NA NAGMULA sa ISANG NAGMAMAHAL AT NAGMAMALASAKIT NA ATE (MOVING ON WHILE LYING TO SELF and TEXT MESSAGES FROM a LOVING and CARING ELDER SISTER)

Buwan ng Disyembre, malamig ang simoy ng hangin. Akala ko ayos na si Bro, iyon pala hindi.

Wala kaming muwang na para siyang Gago na nagmamakaawa sa mga kamag-anak ni J3. Katwiran niya ay mabait at boto sa kanya pamilya nito.

Ako naman ay nahi-blood, "Ayaw nga sa iyo, 'wag ka mapilit!, Para kang tanga na nagmamakaawa. Pinapababa mo pagtingin niya sa iyo!"

Hindi naman niya ako sinagot at sa halip ay umalis ng tahimik.

Pag-uwi ng gabi ay lasing na naman.

"Akala niyo lang okay na ako, hindi pa! Ang sakit! Ang sakit-sakit! Si (pangalan ni Bro na isinisigaw niya, ewan ko bakit kailangang tawagin at isigaw niya ang sariling pangalan niya. Ang lakas ng tama ng alak!) lagi niyo na lang kinakawawa. May araw din kayong lahat!"

Kumahog naman kami nina Mama, Ako at si Bunso na payapain siya. Balik na naman kasi siya sa pambubulahaw sa mga kapitbahay.

Ayun! Lumabas ang totoo, hindi pa siya nakakapag move-on. Ano ba dapat gawin ng isang Ate?

Dumudugo ang puso ko, wala ako hinahangad kung hindi makitang masaya ang kapatid ko.

Kinabukasan, papasok ako sa trabaho. Naisipan ko na idaan na lamang sa text ang gusto ko sabihin sa kanya. Tulog pa din kasi siya pag pasok ko.

Heto ang text ko sa kanya

"Bro, gusto ko sana sabihin ito ng magkaharap tayo, kaya lang baka magkailangan pa tayo. Ito ay payo at opinyon ko lamang bilang iyong Ate, nasa sa iyo kung mamasamain mo o hindi. Pakiusap huwag ka nang maglalasing na hindi mo na kaya, sa atin titira si Auntie, naiiyak kami sa ginagawa mo sa sarili mo, pero walang makakatulong sa iyo kung hindi sarili mo. Napakahirap ng pinagdaraanan mo,  at marahil hindi mo mailabas at maikwento sa amin dahil mga babae kami. Pero wag mo naman pababain ang dignidad mo bilang isang TAO at isang LALAKI. Sa buhay may mga LABAN na tayo ay NATATALO, pero dapat matuto tayong BUMANGON. IKAW ang nanakit sa SARILI MO kasi hindi mo pa din TINATANGGAP sa KALOOBAN mo ang mga pagkatalo mo, parte iyon ng buhay, at dapat matuto ka na ibaon sa Limot, magsumikap ka, pero wag ka magmadali baka madapa ka ng Malalim." (A/N: Susunduin kasi namin iyong Auntie J namin na naisipang sa amin makipanuluyan habang nagbabakasyon mula sa probinsya.)

 

Dinugtungan ko pa iyon ng "Hamunin mo nga ang SARILI mo na huwag UMINOM at huwag tingnan ang FB ni J3 ng isang Linggo, para ka ding magwiwithdrawal sa DRUG ADDICTION. Ikaw lang ang makakatulong sa SARILI mo, ikaw lang din ang Makakaayos sa mga Sakit na nararamdaman mo. Kung hindi siya para sa iyo, isipin mo na may darating na mas maganda at mas karapat-dapat sa iyo. Ipinapanalangin namin nina Mama iyan."

At ito iyong pinakahuling text ko "Kung dahil sa Naunsyaming pag-ibig sa isang babae na sa tingin namin ay hindi naman karapat-dapat sa iyo, at sa mga pinagdaanan mong paghihirap sa Training na hindi mo pa din makalimutan, lalo na at napagkaisahan ka, hindi ka MAKAKAMOVE-ON. Ikaw ang sumisira sa SARILI MO at sa MAGANDANG KINABUKASANG laan sa iyo ng TADHANA. Ikaw din ang gumagawa ng mga kasiraan mo dahil binibigyan mo ang mga tao ng mga pag-uusapan dahil sa mga IKINIKILOS MO. Masaya ka ba na para kang GAGO ( iyon talaga ang tawag sa gawa mo kagabi at sa mga nakalipas mong pagwawala). Sabagay, masaya ka nga yata pag pinapababa mo ang RESPETO at PAGGALANG sa iyo ng TAO. SALAMAT kung binasa mo ito at hindi mo minasama, PAUMANHIN naman kung Nasaktan at Na-offend ka sa mga itinext ko. Iyan na muna ang masasabi ko bilang ATE mo.:)"

Na sinagot din naman niya sa text ng "Pasensya na, pasasaan ba at makakarecover din ako."

At pagkabasa sa text niyang iyon, napausal ako sa kalangitan habang bumibyahe ang jeep na sinasakyan ko na sana makarecover na nga ang kapatid ko, at kung muling iibig siya, eh sa babaeng mapapaligaya na siya

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon