CHAPTER 6: SA PAGITAN NG PAMILYA AT NI J2 (BETWEEN FAMILY AND J2)

30 2 3
                                    

SA PAGITAN NG PAMILYA AT NI J2 (BETWEEN FAMILY AND J2)

Okay sana, hay salamat! Nakamove-on na siya kay J1. Kaya lang may saltik ito'ng si J2.

Oo! Saltik, Baltik at kung anu-ano pa na maisip kong itawag sa kanya. Bakit ko naman nasabi iyon?

Pinapili kasi ni J2 si brother sa kanila ng anak niyang si T at laban sa amin na pamilya niya.

Wow! Ang bigat! Hanep! Nangyari talaga iyan, akala ko pang teledrama na karaniwan ng takbo ng mga istoryang Pinoy na pangtelebisyon.

Nagwawala kapatid ko! Utangan daw namin siya ng pera para makauwi ng probinsya. Imagine?! F to the highest level!  

Sabi niya, "Bakit hindi niyo magawaan ng paraan ang gusto ko? Ayaw niyo ba ako'ng lumigaya?"

Hayun! Megadrama na naman sa bahay namin. Nang panahong ito ay kapos talaga kami! Kapos sa pera etc... Ito pa nga iyong panahon na naputulan kami ng kuryente.

Alam naming palihim kaming pinagtatawanan ng mga kapitbahay naming pakiramdam ay mapepera.

Nakakalungkot, nakakasama ng loob, kasi para sa akin ang isang babaeng nagmamahal, hindi ka papipiliin sa pagitan ng pamilya at niya, lalo na at wala namang ginagawang masama at hindi naman kami tutol sa relasyon nila.

Tinawagan ko pa sa cellphone ito'ng si J2. Nagmakaawa ako at ipinaliwanag na wala kaming pera kahit na gusto siyang makita ng kapatid ko. Akala ko naintindihan na niya, kasi todo iyak pa siya sabay oo ng oo sa sinasabi ko.

Habang isinusulat ko ito, naisip ko nagpakatanga ako, nagpaka-engot bilang isang kapatid na hindi naman pinapahalagahan ng kapatid ko ang mga pag-aalala namin sa kaniya. Galit ako, pero mas higit ang galit ko kay J2. Kasi pagkatapos pala ng usapan namin, eh todo pa din pala ang drama niya na magkita sila ng kapatid ko.

Magiging stigma sa akin si J2, babaeng traydor! Kung nakauwi ako at nakita o nakilala siya, malamang sinabunutan at inginudngod ko siya!

Sa huli, nangutang ang kapatid ko sa Mama ng isa niyang matalik na kaibigan. Kung magkano hindi ko alam, sinungaling kasi siya. Hindi siya nagsabi ng totoo sa halaga ng inutang niya.

Pagkautang niya, binayaran niya iyong kuryente, (yehey! May kuryente na!) Pagkatapos ay nagpabook kaagad siya ng flight pauwi ng probinsya. Namili ng mga pasalubong na demand ng mga kamag-anak ng pesteng si J2. (Nakadama kami ng inggit ni bunso, kasi kami hindi niya mabilhan ng mga regalo na binili niya. Kahit ngayong pulis na siya, hindi pa din niya kami nareregaluhan nun, kahit pakonswelo de bobo!)

Kaya mga mambabasa, alam na ninyo kung sino ang nagwagi sa pinagpilian. Si J2. Iniwan kami ng kapatid ko at nagsama sila ni J2 sa probinsya.

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon