ANG MGA KANTA NG ISANG PUSONG SAWI (SONGS OF A BROKEN HEART)
DALAWANG LINGGO pa ang lumipas. Tanghaling tapat at walang duty si Bro. Nagulat ako ng dumating kasama ang BFF niyang si F, saka iyong isa pa niyang BFF na si R, isang Muslim na katatapos lang ng kontrata bilang OFW sa isang mainit at madisyerto na bansa sa Gitnang Silangang Asya (Magkumpare kami ni R, magkumpare din sila ni Bro bukod sa pagiging mag BFF).
Wow! Inilabas nila iyong isang Bilog na Monobloc na lamesa, may karay din na isang case ng Grande. Tapos isang buong litson manok ng Baliwag.
Taas ang kilay ko. "Mag-iinuman kayo? Nagtanghalian na ba kayo?" Banat ko.
"Huwag mo kaming alalahanin 'te, Mare, Ate" sagot nilang tatlo.
"Bahala kayo" sagot ko na tumalikod na.
Humirit si Bro "Ate, download mo naman iyong Kahit hindi Gwapo ni DJ Alvaro, pakisave naman sa memory card ko" pakiusap niya.
Unang nagkaroon ng reaksyon si Bunso. "Bakit hindi ikaw ang magdownload?" Hirit niya.
Ako naman ay bakit? Isa pang malaking Bakit? Ang naglalaro sa isipan ko. Pero sige, magalang naman ang pakiusap niya.
Madami pa siya pinadownload na mga kanta, karamihan para sa sawing pag-ibig, stand-out para sa akin ang "Love the way you Lie" na hindi bersyon ni Rhianna, kung hindi ng isang babaeng may pangalang Stephanie Gee at "Ang tipo kong lalaki" ng nag-iisang si DJ Alvaro.
Nasa second floor ng bahay ang computer, nakapwesto iyon sa gitna ng dalawang kwarto. Silid ni Bro at iyong isang silid na magkasama kami ni bunso.
Sige download na ako ng mga hinihingi niyang kanta. Nang mailagay ko na sa memory card na isinalpak niya sa kanyang cellphone, panay ang patugtog niya.
Iniwan ko sila. Tuloy ang inuman nila, nasa taas ako at dahil nabuksan ang computer, naisipan ko na ituloy ang mga nobela kong nakabimbin.
Yehey! Inspirado ako na magsulat. Nasa magandang eksena na ako ng nobela ng marinig kong may umiiyak (atungal daw iyon sabi ni Bunso at hindi iyak!) sa ibaba ng aming bahay kung saan nakapwesto ang mga nag-iinuman.
Hangos ako napababa at nakita ko si Bro na gumugulong-gulong (Oo! Baka mas tamang sabihin na humihiga, at yumayakap sa sementado naming labasan) at puno na ng lupa, buhangin ang buong katawan.
"Ano nangyayari diyan?" tanong ko sa mga BFF niya.
"Nasawi sa pag-ibig" magkapanabay na sagot ni F saka ni R.
"Bumangon ka nga diyan" galit na sita ko.
"Kulang pa ba ako?" emote niya, sabay kanta ng "kahit hindi gwapo etc.." Pasensya na tinatamad ako isulat ang mga kasunod na lyrics ng kanta.
Para paiksiin ang kwento nalaman namin na may bf na si J3. Nauna nanligaw kay Bro at ka-trabaho niya si lalaki.
Nakabasa pa ako ng text ni J3 na "Sorry mas nauna ko siya nakilala sa iyo, na-appreciate ko mga ginagawa mo para sa akin etc...pero siya ang pinili ko."
Ayun oh! Ayan na ang kutob ni Ate. Madami pa ako nabasa na iba.
Sa galit naman ni Bro na lango na sa alak, ibinato niya ang kanyang N73. Wasak, basag ang screen at kalas-kalas talaga.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...