NANG KUMALAT ANG BALITA
(WHEN THE NEWS SPREAD)
UNA siyang nakipagbati at humingi ng patawad. Mabait ako'ng Ate at ayoko na lumala ang awayan namin dahil lamang sa kabiguan niya sa babaeng ipinagpalit siya sa mas kayang magbigay ng luho nito.
Pero dahil na-istress niya na ako at kailangan ko naman may mapaglabasan ng sama ng loob bukod sa pagsusulat, eh naikwento ko na sa mga pinsan ko at tiyahin ang naganap sa amin. Lalo na ng magselebra ako ng kaarawan sa VIKING's buffet sa SM North.
Wala naman sana ako balak na i-open up iyon sa mga pinsan namin. Kaya lang nagtaka iyong pinakapanganay kong kuya na si Kuya D1 ( pareho kasing letrang D ang simula ng pangalan ng magkapatid na pinsan namin. Kaya tatawagin ko na lang na Kuya D1 iyong pinakapanganay. Ang tunay niyang pangalan ay hango sa isang cartoons na tungkol sa the last dinosaur. Kung ma-gets niyo, magaling!)
"Cousin, ano nangyayari kay Bro mo? Bakit panay ang text ng kung paano magpapayat, magpaputi, facial etc?" Bungad niya.
Kasalukuyan kong tinitikman ang dessert na chocolate mousse noon. Wala kasi ako pakialam sa mga main menu, mas pinag-iinitan ko iyong mga desserts na offer nila sa kanilang menu. Gaya ng blueberry cheesecake, buko pandan etc.
"Nabigo sa pag-ibig," sagot ko.
"Extremes naman ang ginagawa ni Bro mo" paliwanag ni Kuya D1.
Si Kuya D2 na bunso niyang kapatid at ang Mama nila na kapatid ng Papa ko ay busy lang sa pagkain. Pero interesado sila sa pinagkukwentuhan namin.
"Ewan ko ba dun, nag-away na nga kami dahil sa kalokohan niya eh!" Pagsusumbong ko.
Kaya ang birthday ko ay may kasamang tsisimisan tungkol kay Bro. Eh sa angkan namin mabilis kumalat ang balita.
Kaya si Papa at sina Auntie sa probinsya ay alam na din ang kahibangan ni Bro tungkol sa pag-ibig.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...