CHAPTER 4: UNANG AWAY NA SINUNDAN NG BREAK-UP NILA

51 3 6
                                    

UNANG AWAY NA SINUNDAN NG BREAK-UP NILA (FIRST FIGHT FOLLOWED BY THEIR BREAK-UP)

Hindi ako mapaghanap na Ate, hindi din ako sasaklawan siya sa sarili niyang kalayaan. Kaya lang sana, paglingkuran niya muna mga magulang namin.

Nang minsang magkomprontahan kami, nakauwi na ako galing sa probinsya. "Bakit, bawal ba ako maging masaya?" Banat niya.

Wow! Hanep! Hindi ko ipinagbabawal iyon, ang sa akin lang, pwede naman balansehin iyong para kay J1 at para sa mga magulang namin.

Wala din naman kami nagawa. May drama pa siya, nawalan kasi siya ng iniipon niyang pera para kay J1, at pinagbibintangan niya kaming mga nasa bahay.

Nagwala na din ako. Sigaw kasi siya ng sigaw na mga magnananakaw ang mga tao sa bahay. Imagine! Kami, ang magnanakaw. Wala na nga sya binibigay, at wala naman kami alam kung saan niya dinadala pera niya.

Gusto ko sabihin na baka iyong kainuman niya kagabi. Nakipag-inuman kasi siya, at labas ang pera niya sa bulsa.

"Mga magnanakaw! Mga hayop! Hindi man lamang inintindi mga pangangailangan ko!" Dialogue niya.

Nagalit na din ako. "G*go! Wala nga kaming muwang na may pera ka eh! Kaya wag mo kami pagbibintangan!"

Katwiran niya, hindi ako mawawalan ng pera, andito sa bahay lang kumuha noon.

Sinabihan ko siya, nagtatrabaho ka, pero wala ka binibigay dito. Dito ka pa din kumakain, nanghihingi ng pamasahe, etc. Si Mama, nagtitinda sa pwesto sa palengke para lang may maisuporta sa atin.

Sa lahat ng may trabaho, ikaw ang walang kwenta! Makasarili ka! Sana inisip mo naman lagay ni Mama at ng mga kapatid mong babae.

Gustong-gusto ko siyang saktan! Kahit na magrambol pa kami. Naalala ko iyong kasabihan na "mas masakit makasugat ang salita" kasi napatunayan ko iyon. Ang sakit!

Bahala siya! Basta malinis konsensya namin.

Iyon ang unang beses na lumuha ang Mama ko, at ako naman ay nagalit sa kanya. Sana naisipan niya na buong pamilya namin ang pinapahiya niya sa mga pinagsisigaw niya.

Naisip ko talaga noon, ang mga anak at kapatid na lalaki, karamihan ay itatakwil at sasaktan ang mga kapamilya para sa babaeng mahal (ewan ko kung totoong mahal nga!) Nila.

Sa huli, naghiwalay din sila ni J1, ayan na nga ba sinasabi ko eh! Hindi kasi nakikinig kay Ate.

Ayun! Umatake ang pagka "EMO" at "SENTI" niya.

Dahil hindi sinasadya na naiwan niyang bukas ang fb niya, tapos comment pa sila sa wall ng isa't-isa, eh hindi nalihim sa akin iyon.

Pagbungad pa lang kasi sa timeline ko, lumilitaw bangayan nila.

Napagsabihan ko pa nga si bro na sana iprivate nila kung may feud sila, para hindi bumabalandra sa ibang tao.

Ah!!! Nagbabalik ang mga negative emotions ko na para bang nauulit ang pangyayaring iyon, habang sinusulat ko ito.

Sa ngayon nagtatrabaho sa call center si J1, at may iba nang boyfriend. Magfriends pa din sila sa FB, pero ewan ko kung may balitaan pa, bukod sa mga events na nalalagay sa kani-kanilang mga timeline.

HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon