PAANO MAG-AWAY ANG MGA LISENSYADONG PROPESYONAL SA AMING PAMILYA
(HOW LICENSED PROFESSIONALS QUARREL IN OUR FAMILY)
AKALA niyo siguro, tapos na iyong mga eksena sa taas? Mali, heto na iyong karugtong noon.
Sa sobrang bigat at sama ng loob ko kay Bro, naisipan ko na punuin ng malamig na tubig iyong isang batya namin. Ibubuhos ko sa kanya para mahimasmasan siya sa tama ng alak.
Inawat ako ni Mama saka ni Bunso. Bumalik na daw ako sa pagtulog. Iyon nga ang problema! Hindi ako makatulog! Kailangang mailabas ko ang nasa dibdib ko.
Si Bro naman ay parang baliw na nagsisigaw sa itaas, sa loob ng kanyang kwarto. Nambubulahaw talaga. Nag-eeskandalo.
Sh*t! Hindi ko na kaya! Akyat ako sa kwarto niya.
"Ano ba talaga ang problema mo?" Mahina at mahinahon kong tanong. Pinipilit kong maging normal at malinaw ang isipan ko.
"Wala! Pabayaan na ninyo ako!" Sabi niya.
"Pabayaan? Eh sira pala tuktok mo eh! Paano ka nga pababayaan kung nambubulahaw ka ng mga kapitbahay?" Balik ko sa kanya.
Hindi kasi kami maeskandalong pamilya, hindi gaya ng mga kapitbahay namin, na malasing lang eh nagrarambulan na, kahit magkakapatid at magpipinsan pa sila.
Iniingatan din namin na marinig ng mahadera naming kapitbahay na feeling mayaman, lagi kasi naghihintay iyon ng maitsitsismis na kamalian namin.
"Bakit Ate? Ano'ng mali sa ginagawa ko? Naglalabas lang ako ng sama ng loob" sagot niya.
"Kung gusto mo maglabas ng sama ng loob dahil nabigo ka sa pag-ibig pwede huwag ka mag-eskandalo na para kang walang pinag-aralan."
"Mag-eeskandalo ako kung gusto ko, isa ka din sa mga dahilan ng kabiguan ko Ate" hirit niya.
Ayun! Kasama na naman ako sa hinagpis niya.
"Nangako ka kasi na tutulungan ako, pero wala ka naman naitulong. Ako lang nagsumikap sa sarili ko, wala ka silbi kaya hanggang ngayon, mahirap pa din tayo"
"Ako pa ang walang silbi? Kami pang pamilya mo ang walang naitulong sa iyo? Baka gusto mo maglitanya ako sa iyo!" Sigaw ko.
"Totoo naman ah!" Banat niya.
Umawat naman si Mama. "Ano ba iyan, para kayong hindi mga lisensyadong propesyonal ah! Magkapatid kayo sayang lisensya niyo sa pagkanurse at pulis!"
Sumagot si bunso na nasa tabi ni Mama ng "Ako hindi propesyonal!" Napalingon kami sa kanya kasi nagsasabi naman siya ng totoo.
"I'm not being unprofessional, he's the one who started this!" Sagot ko na pasigaw.
Bakit English? Ewan ko, pero noong sabihin kasi ni Mama na para kaming mga hindi propesyonal, eh naging English na palitan ng salita namin.
"I'm the one who's being selfish? So be it! Can't you understand my feelings? I lost the woman I love (LIKE para sa akin ang mas dapat na katagang gonamit niya patungkol sa walang kwentang babaeng iyon. Kaya lang LOVE daw ang nadarama niya ng panahong ito, eh 'wag daw kontrahin) to a man who has more to give to her! It's because we're still poor 'cause you are not working abroad, Sister!" Banat niya.
"If that is the reason, then she doesn't deserved you! You are already a man in uniform! A lot of girls, will be wanting your attention and love! And they will not demand those pricely gifts from you! Stupid!" Sagot ko.
Nagbukas na ng ilaw sa bahay nila si Mahaderang feeling mayaman. Paki namin? Kami ang magkaaway at nasa loob kami ng bahay namin, wala sa labas.
"I am sorry that I couldn't fulfill those promises that you said I say to you, I am just a mere human who has no power to dictate what my future could be! But if you are blaming others for your misfortune, then you are a pathetic one!"
Inilayo na ako ni Mama at ni bunso sa kanya. Matulog na daw ako, at may pasok pa ako.
Kinaumagahan, ang ganda ng ngiti ng kapitbahay naming mahadera na feeling mayaman, may kutob ako na narinig niya kami. Eh ano naman ngayon, hindi naman namin ikinakaila na nag-away kami.
Nang bumili si Mama sa tindahan ng isang kapitbahay, ay nagtanong ito kung may nag-away daw sa bahay. Panay daw kasi ang aksyon at kwento ni feeling mayaman, pati mga dialogue namin ay kinabisado niya.
Sumagot si Mama na alam na nasa tabi lang si feeling mayaman, nakikinig at nakikiramdam. "Oo, iyong mga anak ko. Hindi naman nila itinatago na nag-away sila. Away ng magkapatid iyon, na hindi kailangang ipangalandakan para lamang sumikat" banat niya.
Napatawa ang may-ari ng tindahan na binilhan ni Mama.
Really! What a way to start the Month of my birthday.
Dalawang linggo kaming hindi nagkikibuan. Para lang siyang hangin, walang gustong magbaba ng bandera. Bahala siya, hindi ako ang nagsimula ng giyerang ito. Inamin ko na kung may pagkukulang ako, ang akin lang eh, wag niya isisi sa pagiging mahirap ang pagbasted sa kanya ni J3.
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...