MAYBE THIS TIME (Ang nagagawa ng Friendster, Facebook, Cellphone at mga Reunions)
Lumipas ang mga taon, nakatapos na kami ng high school at college. Ako, dakilang tambay. Ha ha ha! Hindi ko kasi magamit ang kursong pinag-aralan ko.
Mahigit isang dekada na ang lumipas sa panahon ng unang pagsinta ni brother. Akala ko limot na niya si J1, hindi pa pala.
Natrace niya si J1, dahil sa friendster (na wala na ngayon, sayang iyong account at blog ko!), nalaman ko mula sa kapatid ko na nakipag-live in si J1 sa naging bf nito sa isang maliit na bansa na narito din sa Asya.
Nakita ko na nagkaroon ng kalungkutan ang mukha ng kapatid ko, ewan ko ba sa kanya. Nang panahong iyon, ay may mga girlfriends (yes! With an S, dahil sabay-sabay sila) siya, at hindi sa pagyayabang mas magaganda pa kay J1. Patay na patay pa sa kanya iyong iba.
Sabi niya sa akin, "Alam mo ba ate, iyong kasabihan na nasa kanta, "First love, never dies" quote niya. Hindi ko alam kung sino may-ari niyang kasabihang iyan, pero iyan ang ini-example ni brother sa nararamdaman pa din niya kay J1.
Hindi muna siya nagpursue bilang pulis, nagtrabaho siya bilang isang empleyado ng isang money Remittance Company.
Wala kaming ka-alam-alam na nagkaroon na pala sila ng komunikasyon ni J1. Sa facebook sila nagkaroon ng ugnayan, pwede kasi mag-net sa work ni brother.
Nahiwalay na si J1 sa live-in partner nito. Kasalukuyan itong nasa Pilipinas, at walang trabaho.
Dahil mahirap lang naman kami, umaasa kami na ngayong may trabaho na siya, eh makakatulong na siya sa mga gastusin sa bahay.
Kaya lang bigla ako napauwi ng probinsya, naoperahan ang Papa namin, at walang mag-aalaga.
So ako, walang choice kung hindi ang umuwi ng probinsya, naiwan si Mama, si bro at ang bunso naming kapatid na babae.
Dahil may komunikasyon naman sa pamamagitan ng cellphone, madalas na tumatawag at nagtetext ako sa cellphone ni Bunso.
Minsan, umiiyak na nagsumbong si bunso, dalawang buwan na ako mahigit sa probinsya, wala daw inaaabot na sahod si Bro, kay Mama.
Ha? Gulat na gulat naman ako, paano mangyayari iyon, eh, wala naman siya pinagkakagastusan. Medyo kumulo ang dugo ko, kung kaharap ko lang kapatid ko, baka napagsabihan ko na si Bro.
Nagkwento si bunso, na bumili daw ng pagkalaki-laking Hello Kitty, mga 3 to 4 feet ang laki. (Note: Si Hello Kitty ay iyong pamosong kulay pink na pusa, na mascot ng Sanrio, maghanap lang kayo sa mall o kahit sa sidewalk, maraming hello kitty) S:-(! Kami nga hindi pa niya nabilhan ng kahit ano. Haller! Magkano ang ganoon kalaking hello kitty! Ngayon alam na ninyo kung bakit hello kitty tawag ko kay J1, kasi mahilig siya sa Hello kitty. Lahat ng mga nireregalo sa kanya ni bro, pati mga nilalagay sa wall o timeline niya sa FB, kailangan may kasamang Hello Kitty.
Noon ko nalaman na sila na ni J1, ewan, kailan at kung paano naging sila. Basta, sila na.
Anak ng tokwa! So, to make the story short, iyong lyrics ng kanta na "maybe this time, it will be love they'll find, maybe now they can be more than just friends" ay applicable na sa kanila. (Disclaimer: Hindi po ako ang may akda ng lyrics ng kantang iyan...)
This time kasi maglovers na sila, hindi na simpleng crush kita.
Wala naman problema, hindi ako kumokontra, karapatan nang bawat isa na maranasan ang "LOVE". Dumadaan talaga tayo sa phase na iyan ng buhay.
Pero iyong ubusin niya lahat ng sahod niya doon, tapos hihingi siya sa amin, at magagalit kapag hindi napagbibigyan, eh, talaga namang nagpapakulo sa dugo ko.

BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...