SA PAGWAWAKAS... (AS AN END...)
SA kasalukuyan ay patuloy pa din na nagpapahilom sa kabiguang tinamo kay J3 ang kapatid ko.
Pinagkakaabalahan niya ang mga pampaputi, pampagwapo at papayatin ang kanyang sarili. (Iyong dalawa tagumpay siya, iyong panghuli malaking katanungan sa akin.)
Isinasama ko sa panalangin ko na sana, makahanap na siya ng babaeng mahal niya at mahal din siya. Tanggap ang mga mabubuti at masasamang katangian niya.
Iyong pag pinag-alayan niya ng pag-ibig ay ibabalik sa kanya ng doble. Hindi siya hahanapan ng mga materyalistikong bagay.
Dumadaan naman talaga tayo sa parte ng buhay kung saan tayo natututong umibig. May mga nagtatagumpay, may mga bigo at may naghahanap pa din. Merong hindi pa nakakadanas.
Ako din naman, pero saka ko na ikukwento ang kasaysayan ng pag-ibig ko.
Sana lang kung mabibigo tayo, huwag naman humantong sa pagsira sa ating sarili. Napakahirap, sasabihin ng iba, dahil hindi naman tayo pare-pareho ng paghawak ng emosyon.
May mga taong nagmamahal sa atin sa paligid natin. Maaaring hindi kagaya ng pag-ibig na inilalaan natin sa paghahanap ng makakasama natin sa buhay, pero sapat upang tayo ay magpatuloy na lumaban.
Sa mga kababaihan at kalalakihan pwede kung ayaw niyo sa isang tao, pakiprangka na lang. Huwag na ninyong paasahin at pagsamantalahan ang mga kahinaan nila.
At sa mga nagmamahalan na tagumpay naman, ipagpatuloy lang ninyo na namnamin ang bawat sandali.
Dito ko na wawakasan ang librong ito na tungkol sa mga kabiguan sa pag-ibig ng kapatid ko. Nawa ay nabahaginan kayo ng mga aral na mapupulot ninyo, napatawa, napaiyak at nakarelate sa mga senaryong hango sa totoong buhay namin.
Dahil natapos ko na ito, maaari ko nang ipagpatuloy ang mga kwentong nabimbin dahil sa pagpokus ko ng aking atensyon sa pagsulat ng librong ito.
Maraming salamat po sa Diyos na gumagabay sa atin. Noong mga panahong hindi ko malaman kung gigilitan ko na sa leeg ang kapatid ko, ay sa kanya kami naglalabas ng sama ng loob. Sa aking pamilya, sa aking Bookworm's Realm Family na binubuo ng aking mga co-writers, admins and staff, salamat sa hindi pagbitiw sa akin, at sa pakikinig sa mga hinaing ko sa buhay. Sa mga kabigan, kamag-anak at sa aming mga Subscribers saan mang panig ng mundo, muli taos puso po ang pasasalamat ko.
Abangan po ninyo at tangkilikin ang aking mga nobela na ilalabas ng Bookworms Realm Publishing.
Tangkilikin niyo din po ang mga akda ng iba ko pa pong mga kapwa manunulat na handog sa inyo ng Bookworms Realm Publishing.
Nagmamahal,
Leiza Lei
BINABASA MO ANG
HEARTBREAK (COMPLETED SEPT 16, 2014)
RomanceNANG MA-BROKEN HEARTED SI BRO! (WHEN MY BROTHER GOT BROKEN HEARTED) (Kuro-kuro, opinyon, kaisipan at reklamo ng isang Ate sa magulo, mapanira at hindi matagumpay na kwento ng pag-ibig/mga pag-ibig nang nag-iisa niyang kapatid na lalaki) In TAGLISH...