".......Be my wife and mother of my twins? " nabigla ako sa sinabi nya. Hindi naman kami masyadong magkakilala at ngayon ganyan ang sasabihin nya."Teka teka... Anong sinabi mo???"
"Mama... Mamaaa" sabi ng kambal. Napatingin ako sa kanila. Halatang miss na miss na nila yung nanay nila... Ung yakap nila sa akin ay ibang iba.
"Ano kasi… masyado pang bata yung mga anak ko. At ayokong maramdaman nila na may kulang sa buhay nila. Gusto ko sana habang lumalaki sila may kikilalanin silang nanay. At ikaw yun. "
"Bakit nga ako?dahil ba kamukha ko yung asawa mo?"
"Isang factor un. Pero alam ko na mabuti kang tao."
"Paano mo nasabi eh ngayon mo lang ulit ako nakita?"
"Ramdam ko na isa kang mabuting tao. Kaya please Baekhyun tanggapin mo na offer ko." Kung tutuusin ito na ang sagot sa pagbabagong buhay ko. Para makapag umpisa na din ako.
"Sige... But in one condition."
"Ano?"
"Hindi ako matutulog sa tabi mo at walang sex na magaganap!" Bigla syang natawa sa sinabi ko.
"Seriously??? Magiging asawa kita di pwedeng di tayo matulog sa isang kwarto at alam mo na.." Sabay tawa ng pangasar.
"Ah ganun ah.... Edi maghanap ka ng ibang magpapanggap na asawa at nanay ng mga anak mo." Binigay ko yung kambal sa kanya at tumayo. Agad naman umiyak yung kambal nung naramdaman nila na ibang tao na ang nagbubuhat sa kanya.
"Please... Sorry i was joking earlier. Sure sure we can do that.. If you want gumawa tayo ng contract para sa deal nating ito." Contrata.... Deal.... Pagod na ko sa mga salitang yun.
"Wag na. Sige papayag na ako basta ung mga sinabi ko sa iyo sundin mo na lang at mag kakasundo tayo."
"Yes mommy... Gagawin ko yan for my twins."
"Mommy????"
"Endearment?? Diba ganun ang mag asawa? Ayaw mo ba nun anung gusto mo tart?? Sweetheart?honey??LOVE??? OR BABE??" BABE... THAT ENDEARMENT brought pains and scar in my heart.
"Ok na ung una mong sinabi.. "
"Salamat. "
At doon nagumpisa ang panibago kong buhay. Buhay na inaasam ko. Ang magkaroon ng anak...
………………………………………………………………………………………
After 4years
"Mommy... Mommy wake up."
"Wakkie wakkie mommy...." Dalawang makukulit na bata ang gumigising sa akin... Pero nagkukunwari parin akong tulog. Maya maya hinahalik halikan na nila ako para magising. Yan ang gawain nila pag nauna silang nagising..
"Ang sweet naman ng kambal ko... Ang lambing lambing... Good morning Sky and Cloud "
"Morning mommy... Eat na po tayo ng breakfast.. " at hinila na nila ako patayo.
"Wait lang mga anak mag wash muna si mommy ng face ah bago bumaba."
"But mommy nag wawait si dada sa baba" sabi ni Sky
