Ireneia's POV
Nandito kaming lahat ngayon sa training room para daw sa isang pagsubok.
"Ang tagal naman! Kanina pa tayo naghihintay dito eh"reklamo ni Nikolei na nagpapagulong-gulong na sa sahig kung saan kami pinaupo kanina.
"What's taking them so long?" Inis naman na reklamo ni Cashiella habang naiinip na nakatingin sa mga kuko nya na may bagong disenyo nanaman.
Hindi din nakaligtas sa mga mata namin ang pasimpleng pag-irap nya.
Nagpatuloy sila sa pagrereklamo while I remained silent.
Oo naiinip na din ako pero hindi naman kasi ako yung tipo ng tao na nag-iingay kapag naiinip.
Ilang minuto pa ay pumasok na dito sa training hall sina Helios kasama ang isang magandang babae. Agad na nagsalubong ang dalawang kilay ko ng makita ko kung paano nila halikan ang pisngi ng isa't-isa bago naglakad paupo sa tabi ko si Helios.
Kahit nagtataka at naiinis ay nanatili akong walang imik gaya ng nakagawian. I basically acted like I really did not care when in fact I know that it bothered me. I just fought hard to ignore what I felt.
"Good morning all of you. Batid kong halos lahat kayo ay nagtataka kung sino ako. Ako si Aleina Wayne, ang tumatayong Heneral ng Alta Guild." Pagpapakilala nya sa sarili nya.
Sa pagkakataong iyon naman ay halos sabay-sabay na nanlaki ang mga mata ng ilan sa mga kasama ko pwera na lamang saakin sa katabi ko at sa ibang alpha na batid kong kilala na ang kaharap namin.
"Ako ang mamamahala sa pagsasanay nyo sa mga susunod na araw dahil magiging parte din ang piling myembro ng Alta Guild sa mga paparating nyong misyon." She again said while giving us all a serious look.
Nanatili akong walang kibo habang iniisip ng mabuti kung ano nga ba ang koneksyon ng lalakeng nasa tabi ko ngayon at ng babaeng nasa harap namin lahat ngayon. I know that this wasn't really the time for me to be preoccupied with these things but I can't really bring myself to stop.
"Let's start." Pinal na sabi nya bago naglakad papunta dito sa pwesto namin.
"Hel, come with me. We need to talk about something." She said na agad namang sinunod ni Helios. Napa-irap na lang ako pero tahimik na pa din na tumayo at naglakad palapit kay Lukas na nag-iisang nakapwesto sa harap ng isang human dummy.
"Luke." Mahinang tawag ko kay Lukas na agad naman akong nilingon.
"Hmm?" Tanong naman nya.
"Let's train together." Simpleng sabi ko bago hinubad ang T-shirt ko kaya tumambad sa harap nya ang itim na sports bra ko.
"You really want me dead don't you." Simpleng sabi nya sabay ngisi saakin. My forehead creased in confusion. I don't have a single idea as to what he meant by that but like what I've been doing to things lately, I ignored it and just prepared myself for battle.
"Let's fight." I said bago pumosisyon sa harap nya.
Agad din naman syang naalerto sa mga susunod na gagawin ko.
Cashiella's POV
I am about to punch Kairo's face when we heard a loud thud galing sa kaliwang bahagi nitong training area.
And we almost drop our jaws when we saw who caused that distracting noise.
"She's freakin' hot." Rinig kong bulong ni Kairo na nakakanga-nga na pala ngayon kay Ireneia na lantad na lantad ang nakaka-inggit na abs because she's only wearing her sports bra and her leggings exposing her oh so... gorgeous body.
We all gasped when Lukas used his strength para baliktarin ang posisyon nila ni Ireneia.
Kung kanina ay nasa ibabaw si Ireneia habang nakalagay ang isang tuhod sa leeg ni Lukas ay iba naman ngayon. Lukas is on top of Ireneia, pinning both of her hands on both sides of her head.
"I won't lose that easy." Natatawang sabi ni Lukas na sobrang lapit ang mukha sa mukha ni Ireneia. We even saw how he leaned forward at mukhang may ibinulong pa sa tenga ni Ireneia.
All of a sudden wala na kaming makita.
Total darkness...
Ohhh.. Lukas' dead.
He will really be dead!
Ireneia's POV
Akmang itutulak ko na palayo sakin si Lukas ng biglang dumilim naman sa paligid.
Nagbrownout ba?
"I think I just triggered the beast." Natatawang sabi ni Lukas na ngayon ay lumayo na saakin at inaalalayan akong tumayo dahil sa sobrang dilim ng paligid.
"What?" Nagtatakang tanong ko habang sinusubukang iadjust ang mata ko sa dilim.
What the hell is happening?
I was about to step forward when someone grabbed my hand kaya on my instinct ay mabilis na hinawakan ko din ang kamay nya at nag high kick sa tantsa kong pwesto ng taong humawak saakin.
Lumuwag ang hawak nya sa kamay ko kaya I took the opportunity to remove whoever's hand in my wrist.
"What the fuck?" Rinig kong mura ng taong sinipa ko~which I realized was Helios.
Hahawakan nya sana ako ulit pero hindi ko na sya hinayaan pa. Umiwas ako sa kanya bago naglakad palayo sakanya. Bahala na kung saan ako mauntog or mabunggo.
Basta ang importante ay makalayo ako sakanya.
Hindi naman ako galit sakanya.
Ayoko lang sa klase ng pakiramdam na naramdaman ko kanina pagpasok nya kasama ang babaeng yun.
I hate what I am feeling right now dahil hindi pa ako handang sumugal sa isang bagay na wala namang kasiguraduhan.
I stopped on my track ng masilaw ako ng muling bumalik ang liwanag sa paligid.
Pero ng magadjust muli ang mga mata ko ay agad kong tinunggo ang pinto at tahimik na lumabas ng training area.
I'll just train on my own.
BINABASA MO ANG
Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETED
Fantasy#80 on Fantasy as of February 03,2019 #36 out of 5.45k stories on Academy as of March 7, 2019 #1 on cursed as of October 28, 2020 Ctto of the picture I used for the cover. Kinuha ko lang kasi yan sa pinterest. ..... Ireneia Xyke Vien, with her new...