Chapter Forty One: Fate

10K 379 1
                                    

Ireneia's POV

Mabilis na tumalon ako pababa sa kabayong sinakyan ko bago tumakbo paakyat sa burol kung saan matayog na nakatayo ang palasyo.


Habang lumalapit ako sa palasyo ay pabigat ng pabigat ang nararamdaman ko.

No.

Humigpit ang hawak ko sa handle ng double blade katana ko.

Mas bumilis ang mga hakbang ko dahil sa kabang naramdaman ko. I know that damn feeling. Alam na alam ko ang pakiramdam na ito dahil ganito din ang naramdaman ko noon ng mawala saakin ang mga magulang ko.


Nang sawakas ay marating ko ang napakalaking pinto ng palasyo, walang pakundangan na sinipa ko ito forcing it open.

The scene inside made me numb.


No.


Nagkasalubong ang mga mata naming dalawa ni Ezekiel na ngayon ay nakaluhod sa sahig habang yakap-yakap ang walang malay na katawan ni Tita Helena.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakikita ko ngayon.

Huli na nanaman ako.


"Sakto ang dating mo binibini. Mas mabuti na din ang ganito, yung lahat kayong natitira sa Pyske-Demitri clan na mismo ang lumalapit saakin para mas mapadali na ang pagubos ko sa lahi nyo!" Parang nasisiraan ng bait na wika nya.


"Why are you doing this to your own son? Dahil lang sa korona magagawa mong patayin ang sarili mong asawa at anak?" Malamig na tanong ko rito habang nakatingin diretso sa mga mata nya.

"Anak? Ha! Hindi ko anak ang bastardong iyan! Kaya hindi ako papayag na muli pa akong maagawan! Akin ang tronong ito! Akin ang kahariang ito! Sayang nga lang at matagal ng wala ang reyna ko, matagal ng wala ang reyna ko dahil sa ama mo!" Galit na sigaw nya na ikinagulat ko at maging ni Ezekiel na nakaluhod parin sa sahig hanggang ngayon.

"Anong? Anong ibig mong sabihin?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Akala ko'y pinakita na saakin ng ilog ang lahat. Yun pala'y hindi pa. May mga sekreto pa ba akong hindi pa nalalaman hanggang ngayon? Sa dami ng pinagdaanan ko?

"Akala mo ba ay anak ko ang bastardong iyan? Hindi! Hindi ko sya anak dahil tanging sa iisang babae lamang ang gusto kong maging ina ng magiging mga anak ko. Pero ninakaw yun ng ama mo mula saakin. Ako ang unang nakilala ni Psyche! Ako ang nakatadhana sakanya pero dahil sa pang-aahas ng ama mo, nawalang parang bula ang lahat ng pangarap ko. Ang pamunuan ang kahariang ito kasama ang tanging babaeng minamahal ko." Muling sumbat nya bago ako tinapunan ng isang matalim na tingin.

"Unang kita ko pa lamang sa mukha mo alam ko ng ikaw ang bunga ng kataksilan nilang dalawa saakin. Kuhang-kuha mo ang mukha ng iyong ina binibining Ireneia. Ngunit ang isiping anak ka din ng gagong si Ireneio  mas lumalakas ang paghahangad kong patayin ka!" Sigaw nya bago ginamit ang ability nya para sirain ang sahig kung saan ako nakatayo. Pero dahil sa nasanay na ako sa kapangyarihang lupa dahil kay Lynia, mabilis na tumalon ako para hindi ako mahulog sa bitak sa lupa na gawa ng kapangyarihan nya.


Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon