Author's Note
Hi goiiizzz
So there. Epilogue na lang hahahaha. Sabi naman sainyo konting kembot na lang eh.
Did you enjoy the 2nd book?
Comment naman kayo kung nagenjoy kayo o kung hindi. Pero wag masyado harsh kung hindi man kayo nagenjoy kasi shenshitive si author eh.
Anyways.
Sa book three madaming revelations pa ang magaganap.
Kung paano ba nagkaroon ng dark magic si Helios at Kung paano nagkaroon ng white flames si Ireneia dati.
Tapos mabibigyan emphasis doon yung character ni Eros.
Ano ba nangyari kay King Tyron? Sino yung itim na usok? Mahahanap na ba ni Nia yung pumatay sa family nya? Sino ba master mind?
Basta abang-abang lang tayo dyan ahh. Love you guys sobra.
Here goes the Epilogue
❤❤❤❤
Ireneia's POV
Walang kibo akong pumasok sa council room still wearing my guardian armor.
I met Head Mistress Olivia's eyes and was drowned with the emotions she was showing me. Natigil ako sa paglalakad ng mabilis na tumayo sya at kinulong ako sa isang mahigpit na yakap.
"The moment I saw you I already knew that you are their daughter. I'm sorry for not being there to protect your mother. I failed to fulfill my duty as her guardian." Naiiyak na sabi nito habang hinahaplos ang buhok ko.
"Mawalang galang lamang Head Mistress ngunit ano ang ibig sabihin nito?" Nalilitong tanong ng isa sa mga myembro ng council na nasa tabi ni Elder Safiro na nakangiti saakin ngayon.
"Everyone. I'd like you to meet Ireneia Xyke Vein, daughter of the great princess Psyche Pyske Demitri and the prince of Zepero Night, prince Ireneio Hiram Vein." Pagaanunsyo ni Head Mistress Olivia na ikinalaglag ng panga nilang lahat.
Ngunit mabilis naman silang nakahuma at halos sabay-sabay na tumayo ay nagbigay galang saakin. Kahit si Helios ay ganun din ang ginawa.
Mabilis naman na dinaluhan ko sila at sinabihan na hindi na nila kailangang gawin yun dahil hindi ako nandito bilang isang prinsesa.
"I need to talk to you about the great war that will happen maybe later than we estimated it. Madaming nalagas sa hukbo ng mga Dark Magic users na sumapi sa kasakiman ng kinikilalang hari ng Heleina Cross." Paunang paliwanag ko na umani ng samu't saring komento hindi lang galing sa council ngunit pati sa Alphas.
"What are you trying to say? King Tyron is behind all of these?" Hindi makapaniwalang tanong ni Luques.
"Yes." Pinal na sabi ko habang nakatingin diretso sa mga mata nya.
"How dare you bad-mouth the king of these Kingdom?" Sigaw ng isa sa mga myembro ng council.
Akmang sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Ezekiel na ngayon ay diretsong nakatingin lang saakin.
"And how dare you bad mouth my cousin, the princess of these kingdom?" Malamig na tanong nya bago nilipat ang literal na nagaalab na tingin sa ngayon ay tahimik nang myembro ng council.
He stood beside me at pasimpleng pinisil ang kamay ko.
"What she's telling you is the truth. The previous King have tried to kill me and my mother who's still lying unconscious inside the damn infirmary. As the future King of this Kingdom I need you all to cooperate with the preparation my cousin is telling you about. Whoever defies will be subjected to grave punishment. Understood?" Punong ng autoridad na utos nya na ikinatango ng lahat.
Lihim na napangisi ako dahil sa pinapakita nya ngayon. Malayong-malayo sa nguma-ngawang mukha nya kanina.
"As I was saying, Tyron escaped sa tulong ng isang makapangyarihan na dark magic user who can transform into a damn smoke and vanish into thin air. Kailangang mas higpitan ang training ng mga estudyante para maproktehan nila ang mga sarili nila dahil hindi sa lahat ng oras ay nasa paligid ang alphas o ang alta guild para protektahan sila. For the next months I want every student of these academy to be training under alta guild. Well except sa mga bata. I want the castle's troop to gather all the elderly, the children and all the vulnerable mages who can't protect themselves inside the castle. It will be the safest place for them on the upcoming war. The rest will be training in the guild, that also includes us. We need to damn prepare for this war. Tyron will not stood still and rest his ass out. Sigurado akong gagawa at gagawa din sya ng paraan para pabagsakin tayo. And we should not let that happen." Mahabang paliwanag ko bago napapikit ng mariin. Argh I hate that guy for hitting me with a stone!
Sisiguraduhin ko na mas malaki ang ipapalo ko sakanya kapag nagkalaban kami ulit.
"For now. I talked to you as the guardian of the new heir. The guardian of the new era. Forget what Head Mistress told you a while ago~" hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sumingit si Elder Safiro.
"I believe we can't do that Princess. Kung tutuusin ay ikaw ang nararapat na maging sunod na Reyna ng Kaharian na ito. Kumpara sayo ay wala pang napapatunayan ang prinsepe. At kung dugo naman ang pagbabasehan, ikaw parin ang mas nararapat na umupo sa trono." Nakangising pahayag nito.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Ezekeil sa kamay ko.
"Naniniwala akong mas magagawa ng pinsan ko ang tungkuling iyan Elder Safiro. Naniniwala ako sa kakayanan nya, give him a chance and I'll assure that he's better than me in every single way." Buong pagmamalaki kong sabi bago binitawan ang kamay ni Ezekiel.
"Sa ngayon gusto ko munang umuwi at magpahinga" sabi ko bago iginala ang mga mata ko to look for someone's.
I smiled as I meet his eyes.
Mabilis na naglakad ako papalapit sakanya not breaking our eye contact.
He, on the other hand, stood up at sinalubong ako ng isang mahigpit na yakap.
"My head hurts Hel. Tyron hit me with a freakin stone." Sumbong ko dito bago pa man ako bumagsak sa mga braso nya.
Before I lose consciousness ay sunod-sunod na mura ang narinig ko mula sakanya at ang tarantang sigaw ng nasa paligid namin.
I smiled because of that.
It's nice to be back on these strong arms again.
I'm finally home.
BINABASA MO ANG
Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETED
Fantasy#80 on Fantasy as of February 03,2019 #36 out of 5.45k stories on Academy as of March 7, 2019 #1 on cursed as of October 28, 2020 Ctto of the picture I used for the cover. Kinuha ko lang kasi yan sa pinterest. ..... Ireneia Xyke Vien, with her new...