Chapter 12: Crystal Eye

10.8K 397 1
                                    

Ireneia's POV

"So what brings you here kids?" Seryosong tanong ni Tita Helena habang pormal na kumakain.

"We are currently working on our new mission Tita. Regarding the prophecy that was hidden by the great oracle Selveria." Paliwanag ni Copper na bahagyang tumigil sa pagsubo para sagutin ang tanong ni Tita Helena.

Napatango-tango naman ito bago tumingin sa gawi ni Helios.

"Do you have a lead already?" Tanong nito kay Helios na ngayon ay nagpupunas ng bibig bago tumango at nagsalita.

"Yes tita. A riddle have led us here. And hopefully, tama ang hinala namin. Dahil kung sakali man na mali ang hunch namin, we'll be back to square 1." Seryosong sabi nito habang nakatingin sa Reyna.

"Is there something that I can help you with?" Concern na tanong muli ng reyna bago nagpalipat-lipat ang tingin saaming lahat.

"No Tita. Letting us stay here is a great help already. Maya-maya ay aalis na din kami para simulan ang pakay namin dito." Lynia said after wipping the side of her lips with the table napkin that was placed on her lap a while ago.

"Okay sige. Basta wag kayong mahihiyang mag approach saakin if ever man na mayroon kayong kailangan pa." She lovingly said bago nagpatuloy sa pagkain nito.

Nang sawakas ay tapos ng kumain ang lahat. Sabay-sabay kaming naglakad palabas ng palasyo para gawin na ang misyon namin.

Lahat kami ngayon ay nakatingala sa pinakatuktok ng palasyo where the eye is located. Hindi sya literal na mata talaga. It was like a symbol made out of pure gold na hugis mata. Manipis lang ito at hindi 3D kung tawagin. Ang gitna naman ng mata kung saan nakapwesto ang dapat na itim na portion ay gawa sa crystal. Sabi nila ay sumisimbolo daw ito ng transparency at ng importance ng Heleina Cross. Like the kingdom is as pure and as precious as that crystal and everyone can see it right through the eyes of each and every one.

"We need to climb up there." Sabi ni Helios bago tumalon ng pagkataas-taas. He landed on one of the palace's window bago muling tumalon pataas sa isa pang bintana.

Umakyat na din naman ang mga lalake kaya naiwan kaming mga babae dito sa baba.

"Wag na tayong sumunod. Kaya na nila yan. Ayokong mahulog. Sayang naman tong beauty ko if mapipisa lang if ever na mauna ang mukha ko kapag nahulog ako." Sabi ni Cashiella habang hinihipan ang kuko nya.

"Yeah. We better stay here na lang para mapabilis ang lahat." Pagsangayon naman ni Fritz sa sinabi ni Cashiella. Nakuha pa nilang mag-apir na para bang yun na ang pinakamaganda nilang naisip na ideya.

"Bakit nasa likod nakaharap ang mata na yan? Eh diba ito ang harap ng palasyo? Bakit hindi dito nakaharap ang crystal?" Mahinang tanong ko. Dapat ay sa sarili ko lang ang mga tanong na yun pero narinig pala ni Lynia kaya namalayan ko na lang ang sarili ko na nakikinig sa sinasabi nya.

"The first queen of this Kingdom loved the sea. She was a water mage after all. There is this legend na nagsasabi na her child, the 2nd king, Froilan Demus was a half-human, half-guardian. Sabi nila, hindi daw anak ni King Cadmus, the first king, si King Froilan. Instead, he was a child of the water guardian." Paliwanag ni Lynia saakin.

"The Queen wanted to show and prove her love to the water guardian so she offered her life loving him. Looking only to him. Kaya doon nakaharap ang mga mata. The crystal once represented her heart. She offered her love and her heart to the water guardian." She said bago nangangarap na tiningala ang mata sa tuktok ng palasyo.

To describe the eye. It was placed on a pole on top of the tip of the castle's inverted cone like roof. Yung instead of mini flag (gaya ng sa castle ng disney) isang metal na eye ang nakalagay doon. Facing the back of the castle.

"Ika-ilang Queen na si Tita Helena?" Tanong ko sakanya.

"She's the 14th Queen of Heleina Cross. Tito Tyron on the other hand was the 15th king on the list." She answered making me confused even more.

Akmang magtatanong pa ako ng biglang maglanding sa harap namin ang mga lalakeng galing sa tuktok ng palasyo.

"We'll wait until the sun meets the crystal." Sabi ni Helios na kaagad ko din namang na gets. It was the last line of the riddle.

'Look across from where the light meets the eye, and you will find'

Sana nga tama ang lahat ng ginagawa namin. Dahil kung hindi ay baka nagsasayang lang kami ng oras, or worst? Baka naunahan na kami ng mga kalaban.







And we don't want that to freakin happen.


Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon