Chapter Thirty Two: Silence

9.8K 408 4
                                    

Ireneia's POV

"Hintayin mo na lang ako dito Hel." Sabi ko kay Helios ng marating namin ang labas ng library.


Tumango naman sya bago ako pinagbuksan ng pinto.

I let out a heavy sigh bago naglakad papasok sa loob. I closed the door behind me and locked it because I don't want anyone to hear what we are going to talk about.

Nakita ko ang reyna na nakaupo sa isang magarang couch kaharap ang sangkatutak na mga libro.

"Queen Heleina." Tawag ko sakanya while naglalakad papalapit sa pwesto kung saan sya nakaupo.


"I apologize for the unannounced visit your highness and please excuse me for disturbing your leisure time. I just want to talk to you about something." Malumanay na sabi ko sakanya habang bahagyang nakayuko ang ulo to show her my sincerity.

"Oh dear. Don't be too formal. Come! Sit beside me." Alok nya bago ako nginitian ng sobrang tamis.

Sinunod ko naman ang utos nya because I also don't want to stand there while I talk to her about something really important. Nakakangalay naman ata iyon, lalo na't hindi ko alam kung matatagalan ba ang usapan naming ito.

"Ano ang gusto mong pag-usapan natin?" Tanong nya bago inabot ang isang kamay ko at hinawakan yun gamit ang dalawang kamay nya.

"Do you have a sister?" Buong tapang na tanong ko na ikinabura naman ng ngiti nya sa kanyang mga labi.

She immediately looked away bago binitawan ang kamay ko.

"Why'd you ask my dear?" She asked still not throwing me a single glance.

"I know you did. I am just confirming it. Where is she now?" Sunod na tanong ko na mas lalong ikinaayos ng upo nya. She looks uncomfortable talking about her sister~my mom, and I think I somehow know why.

"Hindi ko alam. But I hope she's living fine with the love of her life." Puno ng pait na sabi nya bago ako tinignan diretso sa mata.

"Siguro nga they're fine now. But I don't think they are still living." Bahagya akong natawa dahil sa sinabi ko. Totoo naman eh. Maybe they're already happily living in heaven pero hindi na sila buhay.

"What do you mean?" Kung kanina ay puno ng hinanakit ang boses nya, ngayon naman ay balot na ito ng labis na pagtataka.

"They're already gone. Patay na sila. Psyche and Ireneio are already dead Queen Heleina." Mahina ngunit madiin na sabi ko sakanya which literally made her tears fall one by one.

"It was all a lie. All this time akala ko ay buhay pa sila. Sabi nya...sabi nya buhay pa sila." Naghihinagpis na iyak na nito bago muling hinawakan ang mga kamay ko.

"Tell me you're joking!" Sigaw nito saakin bago napatayo at binigyan ako ng isang nagaalab na tingin.

"I also wish na sana kasinungalingan na lang lahat ang sinasabi ko. I also wish na sana nandito parin sila. Walang araw na hindi ko sila namimiss...because I am their daughter." Muling bulong ko sakanya bago sya hinawakan sa magkabilang kamay at muling iginiya paupo.

Gulat ang tanging makikita ngayon sa mga mata ni Queen Heleina. Nanlalaki ang mga mata ang bahagyang nakaawang ang bibig dahil sa balitang hatid ko sakanya.

"But no one should know about it. We must remain silent Tita Heleina. No one must know na pamangkin mo ako at anak ako nina Psyche at Ireneio. Pero meron akong gusto pang itanong sainyo bago ako umalis." I softly said bago umisod papalapit sakanya.

Napalunok naman muna sya bago ako tinanguan as if saying na magtanong na ako.

"Back then, may kaibigan ba si mama na kulay violet and white and buhok? Kung meron sino po sya?" Nananatili paring mahina ang boses ko dahil isang mahalagang impormasyon ang malalaman ko kapag sinabi saakin ni Tita Heleina kung sino ang kaibigan na iyon ni mama na may violet at puting buhok.

"Meron, and she's standing so close to you Ireneia." Matalinhagang sabi nito habang nakatingin sa mukha ko.

"Who? Sino po sya Tita?" Curios na tanong ko habang nakaabang sa sasabihin nyang pangalan.

"Head Mistress Olivia. Sya ang pinakamatalik na kaibigan ng iyong ina." Sagot nya na literal na ikinalaglag ng mga panga ko.

That girl is head mistress Olivia?

That violet haired girl?

I can't believe it.

I am about to stood up when Tita Heleina hugged me tight.

"I am sorry for what happened. Oo may tampo ako sa ate pero hindi sapat yun para hilingin ko na sana wala na lang sila. I love her and she loved me too more than anything in this world. But she also loved your father more than anything else. Patawarin mo ako kung wala ako sa tabi mo ng mawalan ka ng mga magulang. But I promise, ngayon, hindi mo na mararamdaman na mag-isa ka. Me and your cousin will always be here for you." Masuyong bulong nito sa tenga ko na naging dahilan naman para magunahan sa pagtulo ang mga luha ko.

"She was supposed to be the Queen you know? Pero wala eh, nanaig ang pag-iibigan nila ni kuya Ireneio." Bahagya pa itong natawa bago dahan-dahan na humiwalay sa pagkakayakap saakin.

She then cupped my face using both of her hands bago pinunasan ang luha ko gamit ang dalawang hinalalaki nya.

"But you're right, let's keep this a secret. I don't want risking both you and your cousin's life in this war. I need you to prepare Ireneia. Whatever happens to me, ipangako mo na poprotektahan nyo ng pinsan mo ang isa't-isa." Buong loob na sabi nya bago pinisil ang magkabilang balikat ko.

I nodded as an answer.

"Sige na. Bumalik ka na sa mga kaibigan mo. If you need anything, you are always welcome here in the castle. It's your home too anyways." She said happily while she walks me papunta sa harap ng double huge doors na nagsisilbing pinto nitong giant library.

"Mag-iingat kayo Tita. If something bad happen, please tell me. I promised mom to protect this family, and I will." Pinal na sabi ko bago sya muling binigyan ng isang mabilis na yakap. 

"I always thought you looked familiar. Kamukha mo pala kasi si ate." She lovingly said bago hinaplos ang mukha ko.



Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapabuntong-hininga na lang. I can feel how much they loved each other.



Gaano kaya sila kaclose noon?

If it were not because of those dark magic users, they would have still met each other.

I wish I had a sister too.

Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon