Chapter 16: Ace

11K 439 12
                                    

Ireneia's POV

After I agreed to Master Hiro's challenge. Dahan-dahan akong pinalibutan ng mga estudyanteng handa ng atakehin ako.

I remained emotionless but at the same time ay inalerto din ang sarili ko para sa magiging atake nila saakin.

"Oh! You can use your abilities!" Masiglang pahabol pa ni Master Hiro na ikina-ngisi naman ng karamihan sakanila. Gustong-gusto talaga nilang talunin ako? Nagkibit-balikat na lang ako ng marealize ko na isang previledge nga naman talaga na makatalo ng kahit isa lang sa myembro ng Alpha team.

This will be a hell of a fight because I will not let them defeat me... at kung matatalo man nila ako? I will make sure na mahihirapan sila ng husto.

Mataas na tumalon ako mula sa pwesto ko palayo ng sawakas ay may naglakas ng loob ng atakehin ako using vines.

That was a cool ability!

Sunod namang iniwasan ko ang rumaragasang kuryente. Woah! The team can use that kind of ability!

Ang dami palang malalakas na sub ability ang nakatago dito sa academy. Hindi lang masyadong nadidiskubre dahil kulang pa sa training ang mga user nito. Such a damn waste!

Sabay na umatake saakin ang kumokontrol ng vines at ang isang babae na telekenetic. Habang papalapit saakin ang vines ay sumunod namang nagliparan ang malalaking tipak ng semento na galing sa ngayon ay sira ng sahig ng training lobby.

I did not move on my place. Walang emosyon lang akong nakatingin sa paparating na tipak ng bato at mga vines. Nung mahigit kalahating kilometro na lang ang layo nito sa pwesto ko ay buong pwersa akong tumalon at umapak sa nangungunang tipak ng semento bago muling tumalon palipat naman sa mga vines. Since continuous ang vines na nanggagaling sa kamay ng user nito, I doubled my speed and run towards the vine/plant manipulator.

Hindi lingid sa kaalaman ko na nakasunod parin saakin ang mga tipak ng semento kaya nung sa tingin ko ay tama na ang lahat. I jumped again para lumagpas saakin ang rumaragasang semento kaya imbes na ako ang matamaan, ay ang plant manipulator ang tinamaan nito causing her to lose consciousness.

Nakatayong naglanding ako muli sa ayos pang bahagi ng sahig bago humarap sakanila.

They were all looking at the unconscious girl bago dahan-dahang nilipat saakin ang tingin nila.

Since I can't attack them gagamitin ko na lang ang mga attack nila saakin laban sakanila din. It will a way of protecting myself by illiminating them using their own abilities.

Mukhang nagsink in na din naman na sakanila ang strategy na ginagawa ko kaya naramdaman ko ang pagiging alerto din nila sa mga susunod na gagawin pa nila.

Mabilis na iiniwas ko ang mukha ko ng maramdaman ko ang isang bagay na papatama dito. Buti na lang talaga at malakas ang pakiramdaman ko, kung hindi ay baka nasagutan na nila ang mukha ko.

Pitong estudyante ang sabay-sabay na sumugod saakin at sunod-sunod na tinapunan ako ng mga atake. Dahil hindi pa sila masyadong nahahasa sa combat training ay pagkababagal ng mga galaw nila. Wala man lang kaeffort-effort ko yung iniiwasan.

Yuyuko. Iiwas. Tatalon. Ganun lang talaga ang ginagawa ko. Pero hindi parin nila mabasa ang mga galaw ko.

Napa-irap ako bago hinarap ang estudyanteng kanina pa nanggigigil na tinatry akong patamaan ng madaming suntok at sipa. Sakanilang pito, sya ang pinaka-obssess na patumbahin ako dahil sa bilis ng pagsuntok at pagsipa nya na lahat naman naiiwasan ko.

Ngayong kaharap ko sya ay mas nanggigil pa sya dahil akala nya ata ay matatamaan na nya ako. But I was able to calculate everything before I faced her. Dahil sa nakatalikod ako ngayon sa ibang kalaban ay common instinct na lang na mayroong kahit isa sakanila ang aatake mula sa likod ko.

Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon