Ireneia's POV
Breathleass was an understatement!
I was bewitched!
Kulang na lang ay pasukan ng langaw ang bibig ko dahil sa pagkakaawang nito mula pa kanina ng magsimulang lumipad ang kabayo.
Naramdaman ko ang pagpulupot ng matikas na braso ni Helios sa bewang ko at ang paghigit nya saakin palapit sakanya removing the tiny space left between my back and his chest.
Sunod na naramdaman ko ang ulo nya sa pagitan ng leeg ko at ng balikat ko.
"You are so damn clingy Helios." Pinipigilan ang ngiti kong sabi bago hinawakan ang braso nyang nakayakap sa bewang ko.
"I know you love it too." Bulong nya sa tenga ko bago ko naramdaman ang marahan na pagdampi ng labi nya sa leeg ko.
Napa-iling na lang ako at itinuon ang atensyon ko sa napakagandang tanawin habang nandidito kami sa himpapawid. This is why life is worth living. This is why my life is worth living.
Nabubuhay ako para sa mga bagay na toh.
Nabubuhay ako para sa mga taong kasama ko sa pagtanaw sa napakagandang tanawin na ito. Lalo na para sa lalakeng nakayakap ngayon saakin.
"Helios." Bangit ko sa pangalan nya.
"Hmmm?" He tightened his embrace bago inangat ang mukha nya para tignan ako.
"I love you." Mahinang sabi ko habang nakatingin diretso sa mga mata nya. Kung hindi lamang seryoso ang moment ay baka napatawa na ako dahil sa itsura nya ngayon.
His lips parted slowly because of my sudden showing of affection yet his eyes showed different emotions.
"Tss" tanging nasabi ko na lang bago binalik ang tingin ko sa paligid. Mula sa pwesto namin ngayon ay natatanaw ko na ang isang palasyo sa tuktok ng isang bundok.
"Malapit na tayo!" Sigaw ni Cashiella bago pinalo ng whip ang likod ng Airon making it fly faster than its usual speed.
Akmang gagayahin ko din ang ginawa nya ng maramdaman ko ang pagyakap ng dalawang braso ni Helios sa katawan ko.
Mas mahigpit kesa kanina. Yung tipo ng yakap na parang sinasabi nya na hindi nya hahayaang mawala pa ako sakanya.
Na gagawin nya ang lahat para lang hindi kami magkahiwalay. Iyong tipo ng yakap na parang sinasabi na he his willing to do everything just to make this relationship work...until our last breath.
"I love you more Nia. The gods know how much I love you too." Mahinang bulong nya sa tenga ko. Muntik na akong matawa ng mapansin ko ang pagkabasag ng boses nya.
"Are you crying?" Di makapaniwalang tanong ko sakanya habang pinipilit na kalasin ang yakap nya para makita ko ng maiigi ang mukha nya.
But he used his strength para hindi ko sya mabuking.
"You never fail to amaze me Helios." Puno ng amusement na sabi ko bago nagfocus sa pagpapalipad ng Airon since ang pagyakap na lang ata saakin ang tanging alam nya.
Kumalas lang sya sa pagkakayakap saakin ng sawakas ay umapak na sa lupa ang sinasakyan naming Airon.
"Itong dalawang toh parang gusto ng mag honeymoon sa himpapawid!" Natatawang sabi ni Fritz habang pababa sa Airon na sinakyan nya.
Nanatili naman akong tahimik kahit na deep inside ay parang gusto ko ng lumubog sa lupa sa sobrang kahihiyan. Minsan kasi talaga hindi ko din naman mapigilan ang pagkaclingy ni Helios saakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/162308423-288-k718041.jpg)
BINABASA MO ANG
Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETED
Fantasy#80 on Fantasy as of February 03,2019 #36 out of 5.45k stories on Academy as of March 7, 2019 #1 on cursed as of October 28, 2020 Ctto of the picture I used for the cover. Kinuha ko lang kasi yan sa pinterest. ..... Ireneia Xyke Vien, with her new...