Ireneia's POV
Lahat kami ngayon ay nasa living room habang naguusap-usap tungkol sa magiging misyon namin. Sangkatutak na din ang mga librong nakalatag sa harap namin kahit alas-singko pa lang ng umaga.
Nabaling ang tingin naming lahat ng lumabas sa kwarto nya ang pupungas-pungas na si Helios na halatang katatapos pa lang maghilamos at magsipilyo. Pipikit-pikit pa ang mata nya which I find cute dahil minsan lang namin sya makitang ganito.
Bakit naman kaya toh puyat na puyat?
Halos malaglag naman ang panga ko ng bigla tong naglakad palapit saakin at pumwesto sa likod ko bago ako niyakap mula sa likod.
Napapikit na lang ako para pigilan ang hiya ng sunod-sunod na maghiyawan ang mga alpha.
"Kyaaahhhhhhhh!!!" Sigaw ni Cashiella habang nakaturo pa sa pwesto naming dalawa ni Helios.
"Is this real?!!!!" Sabay namang sigaw ng three idiots habang nakanga-ngang nakaturo pa saamin.
"Damn pare! Tama ba ang nakikita natin?"
"Panaginip ata toh ni Helios eh!"
"Shut up all of you." Malamig na sabi ko bago tumikhim at ipinagpatuloy ang pagbabasa habang nakayakap parin sa likod ko si Helios.
Natahimik naman silang lahat pero laglag parin ang mga panga nila at nanlalaki parin ang mga mata na nakatingin saaming dalawa ni Helios.
"Finally!" Natatawang sabi ni Lynia na nasa tabi ni Luques na nakangiting nakatingin saamin.
Nagkibit balikat na lang ako bago pinulot ang isang pamilyar na libro. Ito yung libro na lagi kong binabasa sa may taas ng malaking bookshelf.
"How did you find this?" Walang emosyon na tanong ko sakanila sabay angat ng librong hawak-hawak ko.
"*clears throat* ah yan ba? Nakita ko yan sa may ibabaw ng malaking bookshelf sa library. I asked Head Georgie kung anong references ba ang pwede kong makuha na konektado sa prophecy and she gave me list of books. When I get there, coincidence lang na nakausli ang dulo ng libro na yan sa may taas ng shelf ng tingalain ko ito kaya out of curiosity ay inakyat ko na yun. Luckily, all the books written on that list are in that spot. As in lahat! Nandun!" Mahabang paliwanag ni Nikolei na proud na proud sa swerte nya.
"That's my spot. And these are the books na lagi kong binabasa kapag nandun ako. Hindi ba sayo sinabi ni Head Georgie?" Nagtatakang tanong ko habang nakatingin parin diretso sa kanya.
"What? Pumupunta ka madalas sa library? I've been there so many times looking for you pero sabi ni head Georgie wala ka doon. And I believed her kasi wala ka naman talaga doon!" Hyterical na sabi ni Helios na mukhang gising na ata dahil sa usapan namin ngayon.
"I was there and I was hiding and reading and thinking. I don't need distraction." Diretsong sabi ko sakanya bago binaling ang tingin ko sa libro.
"Kung si Head Georgie na mismo ang may sabi na konektado ito sa scroll ng propesiya, the quote that I've read must be the key to it. I've read the whole book at yun lang ang nakita kong mas nalalapit sa pagtuturo ng direksyon kung nasan ang scrool." Mahabang paliwanag ko bago ko sila tinignan isa-isa.
"Harold can you pass me that book please?" Baling ko kay Harold na ngayon ay buong atensyon ng nakikinig sa usapan namin.
"And in this book, I've also read na tanging ang mga taong konektado lamang sa propesiya ang makakahanap dito." Inilapag kong muli ang libro sa sahig bago bumuntong-hininga.
"How can we freakin know kung konektado ba tayo sa propesiyang yan!" Inis na reklamo ni Lindsay na ngayon ay busy sa pagbubuklat ng mga pahina sa libro.
"I hate to assume but I think may koneksyon ako sa propesiya." Mahinang usal ko habang nakatingin sa librong binabasa ko ngayon.
"Things are getting more interesting." Naiiling na sabi naman ni Copper bago dahan-dahang sumilay ang isang mapanlokong ngisi sa kanyang mga labi.
Alphas.
"So as I was saying. I have read this certain quote saying 'the fate of the chosen resides where the sun meets the sky and where the light was eaten by the dark. Buried in the depths of riddles and poets, hidden between the lines of the heights and the deep.' And it also says something like 'look across from where the light meets the eye and you will find' I really hate riddles." Napairap na lang ako matapos kong ibahagi sakanila yun.
"Look across from where the light meets the eye? What the hell does that mean?" Nagtatakang tanong ni Kairo habang nakahawak pa sa baba nya.
"Is there a place in the academy na merong eye?" Tanong ko sakanila. I've been thinking about this quote since the day I've read it at bahagyang sumagi sa isip ko na baka may certain point dito sa academy na may eye.
"Wala." Seryosong sabi ni Helios bago kumalas sa yakap sakin at tumayo.
He walked papunta sa place kung saan nakadisplay ang mga pictures nila ng alphas nung hindi pa kami kasama at kinuha ang isang litrato doon. Pagkakuha nya sa frame na yun ay bumalik sya sa lugar namin at umupo na lang sa tabi ko bago inilapag ang picture frame.
"Not in the academy but in here." He said sabay turo sa picture frame kung saan nakatayo at nakapose sila habang background nila ang kastilyo.
"Yes! Tama! Ang eye of the light! Sa tuktok ng castle!" Excited na sabi ni Nikolei habang nagbabounch-bounch pa sa kinauupuan nya.
"We need to go there." Seryosong sabi ko bago ako tumayo at naglakad papunta sa kwarto ko.
"Hel." Tawag ko sakanya kaya tumayo sya at sumunod saakin.
I need to think and I need his help on something.
The moment we entered my room ay mabilis na yumapos sya saakin at binigyan ako ng mabibilis na halik sa mukha ko.
I pushed him away.
"Hindi tayo nandito para dyan. I need your help." Sabi ko sakanya bago naglakad papunta sa may study table ko.
"Regarding what?" Seryoso nya ng tanong saakin.
Marahang inabot ko sakanya ang libro kung saan nabasa ko ang pwedeng gawin para maimmune ako sa kapangyarihan ng isang dark magic user.
"No way!" Sigaw nya bago ako tinignan ng masama.
"It's the only way." Sabi ko na lang bago sya nilapitan.
"No. I would never risk your life again Ireneia!" Madiin na sabi nya bago ako hinawakan sa magkabilang balikat.
"Come on Helios. I need this and I need you to do this for me. Magtitrain lang naman tayo." Mahinahong paliwanag ko sakanya.
"But it's not an ordinary training Nia! You might fucking die!" He shouted again making me cringe a little.
"Help me or I'll ask someone to help me." Seryosong sabi ko sakanya.
Mariing tinitigan nya ang mga mata ko as if telling me na hindi na magbabago ang isip nya. Kaya wala akong choice kundi tignan din sya na parang sinasabi na seryoso ako sa sinasabi ko.
"Fine!" Napipikong sabi nya bago nagmarcha palabas ng kwarto ko.
Napangiti na lang ako dahil sa naging takbo ng usapan namin.
BINABASA MO ANG
Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETED
Fantasy#80 on Fantasy as of February 03,2019 #36 out of 5.45k stories on Academy as of March 7, 2019 #1 on cursed as of October 28, 2020 Ctto of the picture I used for the cover. Kinuha ko lang kasi yan sa pinterest. ..... Ireneia Xyke Vien, with her new...