Ireneia's POV
*
Training Infusion with Helios*
"Umamin ka nga Helios. Gustong-gusto mo patamaan ako ng kapangyarihan mo para gabi-gabi ka ng nakatabi sakin matulog?" Pikon na tanong ko sakanya habang nakakulong ako sa mga bisig nya.
Natamaan nanaman kasi ako ng kapangyarihan nya kanina at kung hindi kami magtatabi ay kakalat ito sa buong katawan ko.
Since hapon kami nagtitrain after class ay diretso sa gabi ang proseso ng pagtatanggal ng dark magic na nakalat sa katawan ko.
I heard him chuckle.
Inis na pinalo ko ang braso nya.
"You're really smart babe. Kung ayaw mo talagang nandito ako every night, galingan mo sa pag-iwas." Pang-aasar nya na naging dahilan para irapan ko sya.
"Hindi ko naman talaga kasi dapat iwasan. Tanga ka ba? Kailangan ko syang iinfuse! I need to absorb it and control it inside my body. Bibilisan at gagalingan ko na lang sa concentration para nakakatulog na ako ng maayos. The last time you slept here, kung saan-saan naglalanding yang kamay mo!" Inis na sermon ko sakanya na ikinatawa lang nya.
"You can't blame me tho babe. You're so hot even when sleeping." Parang manyakis na bulong nya na naging dahilan para sipain ko sya sa tagiliran.
Natatawang umaray sya bago ako muling hinila palapit sakanya.
"The next time we train, I'll make sure that I'll get it! I'm tired of you making fun of me every damn night." Bulong ko dito bago hinayaan ang sarili kong matulog habang nakaunan sa braso nya.
But I also love when I'm this close to him.
BINABASA MO ANG
Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETED
Fantasy#80 on Fantasy as of February 03,2019 #36 out of 5.45k stories on Academy as of March 7, 2019 #1 on cursed as of October 28, 2020 Ctto of the picture I used for the cover. Kinuha ko lang kasi yan sa pinterest. ..... Ireneia Xyke Vien, with her new...