Chapter Seven: Kept Memories

11.4K 424 1
                                    

Ireneia's POV

After that fight, mas ginalingan ko pa ang pag-iwas kay Helios.

Kayalang may mga pagkakataon talaga na hindi maiiwasang hindi kami magkasama. Lalo na ngayon na may bago kaming misyon ng buong Alpha.

Nandito kami ngayon sa sky dorm kasama si Aleina Wayne na as usual~ nakadikit nanaman kay Helios.

"The head mistress gave us a new mission. Regarding the prophecy." Kung kanina ay hindi ako interesado sa sasabihin nya. Ngayon ay nakuha na nya ang buong atensyon ko.

"The Head mistress wants us to look for the scroll that contains the prophecy. Dahil kapag naunahan tayo ng mga Dark mage users ay baka magkaroon sila ng alas laban sa Heleina Cross. We need to find clues kung saan natin maaring makita ang scroll na yun." She continue saying.

"We need to divide teams~" bago pa sya makapagpatuloy sa pagsasalita ay tumayo na ako at akmang aalis na ng pigilan nya ako.

Tinapunan ko sya ng isang malamig na tingin na bahagyang kinaatras nya.

Bahagyang umangat ang isang kilay ko. Ang general ng alta guild? Natakot sa isang malamig na titig? Quite amusing.

Napansin ko din ang bahagyang pagbungisngis ni Fritz sa nangyari.

"Where are you going?" Nagtatapang-tapangan na tanong nya na ngayon ay nakataas na din ang isang kilay saakin.

"I'm working alone." Malamig na sabi ko sakanya.

"No. You need to pair up with someone para mas mapadali ang trabaho." She again said na may bahid ng kaonting pagtataray.

"Luke. Come with me." Baling ko na lang kay Lukas na halatang nagulat dahil sya ang napili kong utusan na samahan ako.

"Woah! Okay." Sabi na lang ni Lukas bago naglakad palapit saakin. Nakuha pa ako nitong akbayan na hindi ko naman tinanggal dahil medyo sanay na ako sa presensya ng gagong toh.

"Gusto mo talaga akong mamatay noh Nia?" Natatawang sabi nya after naming makalabas ng sky dorm.

"Now what? Saan tayo pupunta?" Tanong naman nya.

Hindi ko na lang sya pinansin at diretso na lang na naglakad papunta sa kung saan.

"Actually wala akong idea sa prophecy na yan. Pero mukhang iyan ang talk of the town ngayon dahil pati tayong alphas ay nagawa na nilang isabak sa paghahanap dito." Sabi nya habang naglalakad-lakad kami.

We were about to go inside the campus ng biglang marinig namin ang isang malakas na pagsabog galing sa mystic forest.

Walang pagaalinlangan na tumakbo ako papunta sa lugar kung saan nanggaling ang pagsabog.

"Ireneia! Shit naman oh!" Sigaw naman ni Lukas habang mabilis na humahabol saakin.

Ng marating ko ang Mystic forest ay halos malaglag ang panga ko sa nakita kong pangyayari.

The huge tree na nahawakan ko last time, it's burning. Halos putol na ang buong puno na mukhang tinira ng isang malakas na pwersa.

Dahan-dahan kong nilapitan ang puno.

Umuusok pa ito at umaapoy pa din ang ibang parte na natitira dito.

Anong nangyari sa puno na toh?

I took the risk to touch it again.

'The prophecy have begun!'

'The fall of the Kingdom will be at hand!'

'Look for the heir and kill him!'


'No one would ever defeat me! Not anyone! Not my own child. If I need to kill my own flesh just to stay on my throne... I would gladly do so!'


'Hide little child, for I will hunt you down. It's not a threat... it's the truth'

Muli akong napasinghap ng matapos na ang mga visions na pumasok sa utak ko. Maybe the tree have really the power to make you see things kahit di naman sayo ang ala-ala o hindi ka naman konektado sa pangyayaring iyon.


I was about to fall down ng maramdaman ko ang pagsalo saakin ni Lukas.

"Why are you crying? What happened?" Tanong sakin ni Lukas while trying to catch my eye for a contact.


"We need to destroy the tree. No one has to see what I have seen!" Sigaw ko sakanya. Nagpumiglas ako para malapitan ang puno at para masira na ito ng tuluyan.

Hindi ko alam pero may nagtutulak saakin para sirain ang puno para hindi na makita pa ng iba ang nakita ko ng hawakan ko ang puno na yun.

"Anong nakita mo Binibining Vein?" Parehas kaming natigilan ni Lukas ng marinig namin ang boses na iyon mula sa likod namin.


Bumungad saamin ang isang matandang lalake na nakilala ko bilang head ng council.

"What did you see?" Muling tanong nya habang papalapit saakin.

"The tree of kept memories. Did you give your memory to this tree? Did you keep something in here?" Tanong nya saakin na ikinakunot ng noo ko.

"What are you saying. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nyo." Tanggi ko sa tanong nya.

"The legend says, only those who partake their memories to the tree will have the chance to peek on its memory. You see young lady, this tree is not ordinary. Its branches are its eyes. Its roots are its storage. But only those people who gave their memory to this tree will have the chance para makita kung ano ang nasa memorya ng puno. So I am asking you... what memory did you give to this tree? And what did you see in its memory?" Mahabang paliwanag nya habang nakatitig diretso sa mga mata ko.

"Wala akong binibigay na memorya sa punong iyan! I only touched it!" Madiin na sabi ko sakanya to emphasize my side.

Wala akong natatandaan na may ibinigay ako sa punong yan. Lalong-lalo na kung isa yun sa mga memorya ko.

"Are you telling the truth?" Nagdududang tanong nya saakin.

"Yes!" Kumbinsidong sagot ko sakanya bago sya tinignan diretso sa mata.

"Then the legend was wrong." Mahinang sabi nya bago naglakad palapit sa puno at hinawakan ito.

"Hindi basta-basta ang punong ito binibini. Hindi basta-basta ang memoryang kinukuha nito sa isang tao kapalit ng pagpapasilip nito sa memorya nya. No one have dared to peek on its memory and to touch this...Ikaw lang. Now young lady, I'm going to ask you this again for the third time, what did you see when you touched the tree?" Muling tanong nya saakin.

"Whatever that is mawalang galang lang ho pero saakin na lamang iyon. I believe the tree wanted to show me something it didn't want anyone to know. So I'm going to keep it for myself. Excuse me." After I said those words ay kumalas na ako sa hawak ni Lukas at naglakad paalis ng lugar na iyon.

Noon ko lang nalaman na nandito na pala ang lahat ng myembro ng alphas kasama si Aleina Wayne. Nandito din halos lahat ng admin at mga professor ng academy.



"We need to talk"

Rinig kong sabi ni Helios ng dumaan ako sa gilid nya para malagpasan silang lahat.

Napabuntong hininga na lang ako bago ko tinuloy ang paglalakad ko papunta sa kung saan. Naramdaman ko din ang pagsunod nya saakin.





The hell with everything!

Heleina Cross Academy Of Magic: THE PROPHECY (Part 2) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon