Chapter 5

5.4K 229 26
                                    

8 YEARS LATER...

R. PASTRANA

"I said, eyes on your own paper!" Marahas na hinampas ko ang mga excess test paper na hawak ko. It was so loud that it caught everyone's attention. Matalim ang mga tinging ibinato ko sa lalaking estudyante na napansin kong naglilikot ang mga mata sa papel ng kaklasi nito.

Napahiyang tumungo ito at nagpatuloy sa pagsagot sa exam. Isang seryosong tingin naman ang ibinigay ko sa mga kaklasi nitong nakatingin pa din. Nang mapansin ako ng mga ito, walang anu ano'y nagsibalik sila ng atensiyon sa sarili nilang mga papel.

"Sit properly! Once I caught you looking at your classmate's paper, I'll send you out of this room!" asik ko. Napaayos ng upo ang lahat sa narinig. Lumipas ang kalahating oras ay natapos na silang lahat nang hindi pumapaling ang mga ulo sa direksiyong hindi dapat.

Nang makapagpasa ang mga ito ay hinayaan ko nang magreview ang mga bata sa sunod na course. Tahimik lamang ang mga ito na nagbabasa. Matapos ang oras ko ng pagbabantay ay lumabas na ako para dalhin sa faculty room ang mga test papers.


Taas noo at walang ekspresyon ang mukha na naglakad lang ako sa hallway. Halos lahat ng nasasalubong kong estudyante ay nagsisiyuko. Iilan lamang ang naglalakas loob na batiin ako na sinasagot ko lamang ng isang tango.

Isa ako sa mga matagal nang guro sa Colegio de San Jose. Anim na taon na akong nagtuturo sa naturang pamantasan. Pagkagraduate pa lamang ay nabigyan na agad ako ng pagkakataon na magtrabaho dito.

In my six years of stay at this school, I was branded as the most terror instructress of the institution. Minsan na nga akong inireport sa pagiging sobrang istrikto ngunit hindi iyon umubra sa akin. The school values me too much to kick me out kahit na ba napakababa nang nakukuha ko sa evaluation na isinasagawa ng mga mag aaral. Isa din kasi ako sa mga pinakamagaling na guro dito.

Tapos na ako ng master's degree at kasalukuyang nag aaral para matapos na ako ng doctorate degree kaya ganoon na lamang ako pahalagahan sa paaralang ito. May ibang school pa nga na nais akong i-pirate.

Sa katunayan, sa susunod na buwan ay ako na ang papalit bilang dean ng aming instituto. Aalis na kasi ang kasalukuyang dekano papuntang Taiwan at doon na mamamalagi.

"Oh, Ma'am Rave! Mukhang beast mode ka na naman, ah." pansin sa akin ng kaibigan kong si Henly. Isa sa mga pinakapalakaibigan at masiyahing guro ng paaralan. Sure, my image to the students wasn't that good pero pagdating sa mga kasamahan sa trabaho ko ay maayos naman ang pakikitungo ko.


Hindi nga lang ako tulad ng dati na halos lahat ay kinakausap. After what happened to me and 'that woman' na ayaw ko nang pangalanan ay nagtransfer ako sa ibang school. Noong mga panahong yon, wala akong ibang ginusto kundi ang lumayo sa taong nanakit sa akin.

Nang makagraduate na ako sa school na pinaglipatan ay lumipat naman ako sa ibang probinsiya. Sa Bataan ko napiling manirahan para kahit papaano'y makalayo din ako ng tuluyan. Wala din naman sa Pilipinas ang mga magulang ko.

"May nahuli kasi akong nangongopya." maiksing sagot ko habang inaayos ang mga papel sa mesa.

"Mga bata nga naman. Tsk." anito sa tinig na nagpapahiwatig na sanay na ito sa ganoong pangyayari. Sabagay, hindi naman talaga maiiwasan ang mga insidenteng tulad ng mga iyon.


Ngumiti na lamang ako at hindi na muli pang kumibo.

"Nga pala, Ma'am Rave, may darating dito mamayang dalawang writers. Break mo naman ng alas tres ng hapon, diba?"

"Anong gagawin nila dito?" I inquired.

"Magoobserve yata. May isusulat daw silang libro na school ang setting kaya para mas maging effective daw, aaralin muna ang mga nangyayari sa isang tunay na paaralan." napatango na lamang ako kahit na ba may sarkastikong katanungan akong naiisip.


Hindi ba nag aral ang mga ito at hindi nila alam ang sitwasyon sa isang paaralan?



"Payag ka na ba?" tumango ako bilang sagot. Ayaw ko naman tumanggi para wala na itong masabi. Baka pagmulan pa ito ng isa na namang tsismis.

"Anong oras nga uli sila dadating?"

"Alas tres o mas maaga pa."

"Okay, sige. No problem" mahinang bulong ko. Natuwa naman siya dahil nabawasan ang mga dapat ay gagawin sana niya.

"Ano bang gagawin ko? Should I tour them?"

"Ikaw, kung gusto mo pero pwede namang sila nalang ang mag ikot ikot para mas makita yung school setting na gusto nila. Alam mo naman ang mga bata pag dumaan ka na. They don't act normal pag ikaw ang nakita." pabiro pang sabi nito na bahagya kong ikinangiti.

Totoo naman kasi. Sa takot kasi ng mga estudyante sa akin, nananahimik ang mga ito sa tuwing dadaan ako. Ilag ang mga ito dahil hindi ko man naging estudyante ang iba pero sa mga kwento kwentong kumalat, animo'y isa akong mabagsik na guro.


"Okay, sige. Ako nang bahala."

"Oh siya, aalis na ako. Nandiyan sa si boyfie!" kinikilig sa sabi nito na akala mo ay first date niya sa kanyang crush.

Ganyan din ako noon. Madaling kiligin at masyadong ambisyosa. Naniniwala sa 'destiny'. Isa din ako noon sa mga umaasa na mayroong happy ending. Ang kaibahan lang siguro, naghintay ako ng happy ending sa tulad kong babae at isa pang manloloko. A heartbreaker. Akala ko kasi, mababago ko ang pagiging mapaglaro nito.


My first relationship was a failure. Since then, hindi na ako nagtangkang buksan pa ang puso sa kahit sino man. Marami mang nanligaw sa aking lalaki, hindi ko na pinansin ang mga ito.


Everything about me changed.

Okay naman ang buhay nang walang karelasyon

Yan lagi ang panangga ko sa mga tanong na ibinabato ng mga magulang ko sa tuwing nakakausap ko ang mga ito. Gusto na kasi nila na mag asawa na ako. Babae man o lalaki. Yep, they know about my sexual orientation.


Nagpunta ako sa may guard house sa may gate para sabihan ang mga guard na may darating na bisita.

"Manong, pag may dumating na writers, sa faculty mo nalang paderetsuhin ha. Salamat po."

"Sige ho, ma'am."

Hindi pa ako nakakaalis ay may kotseng tumigil sa tapat ng gate ng pamantasan. May bumabang babae na makinis at maganda. Lumapit ito sa akin.

"Hi, good afternoon po. Galing po kami sa Cornerstone Creatives. Mga writers po kami at hinahanap po namin si Miss Henly Bueno." ngumiti ito sa akin.

"Nakauwi na si ma'am Henly pero ibinilin niya kayo sa akin. Ikaw lang ba mag isa?"


"No. May kasama po ako." sinenyasan nito ang babaeng nasa ng kotse. Di ko masyadong maaninag pero alam kong babae ito dahil kahit papaano ay nakita ko na may mahaba itong buhok. Ilang segundo lang ay bumaba na ito na may suot na sunglasses.

She seems familiar.

Nang makalapit ito nang tuluyan ay hinubad nito ang suot na shades. Sumikdo ang puso ko. Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa kalagitnaan ng mainit na panahon.

"Saan mo nakuha yang sunglasses mo?" natatawang tuya ng babae sa kasama nito.

Samantala, nakatitig lamang ang ako sa kanila lalo na sa babaeng kabababa lang ng sasakyan. Nagsimulang umakyat ang dugo ko sa katawan. Namuo ang hindi maipaliwanag na galit sa loob ko. Naikuyom ko ang palad ko sa panggigigil.

Why am I feeling this way?
I took a deep breathe as I tried to calm myself.

"Alison Tuesca."

-----------
7/18/19

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon