R. PASTRANA"Tse! Ferromagnetic metal your face! Ang dami mong alam. Para sabihin ko sayo, kung magnet man ako, hindi ako maa-attract sayo kasi isa kang mussel!" asik ko pero ibinulong ko lang 'yong huling salita. Hindi ko naman alam na kamag anak na pala niya si Wolverine ngayon sa talas ng pandinig niya't narinig pa talaga niya ang huling sinabi ko.
Pwede na siyang maging superhero. Imagine-in niyo, isang tahong na may mukha ng tao. Nagliligtas ng mga mortal. Lumilipad sa himpapawid o di kaya'y inaanod sa tubig.
lumapit ito sa akin para bumulong sa may tainga ko. "A mussel, huh? So, gaano pala ako kasarap bilang tahong? Uhm...kumakain ka ba 'non? If so, how do you eat a mussel? Pagbuka mo ba 'non, hinihigop mo muna yung kaunting sabaw bago mo sipsipin yung laman o inaataki mo agad 'yong sariwang laman na nakikita pagbuka na pagbuka nung hita...nung shell pala."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Wala sa sariling napatingin ako sa driver pagkatapos ay sa mga pasahero sa likod namin. Nakahinga ako nang maluwag kahit papaano nang makita kong karamihan ay nakapikit. Ang ilan naman ay may suot na headphones.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nanggigigil na pinaghahampas ko ang braso niya at pinaghihila ang buhok niyang kulay lila.
Tinawanan niya lang ako. Napalunok ako nang pwersahang yumakap lang ito sa akin. Napatigil din ako sa kakahampas sa kanya lalo na nang maramdaman ko ang pagdampi ng mainit na hanging nagmumula sa kanyang hininga.
"Raven, Raven. My lovely Raven." napapikit ako sa paglapat ng isang munting halik sa leeg ko.
"A-alison, ano b-ba?!" pilit kong inilalayo siya sa katawan ko pero di siya bumibitaw.
"Inaantok ako. This is all your fault. Hindi ako nakatulog." tumikwas ang kaliwang kilay ko sa narinig. Bakit ako?
"Imbento ka, ha. A-anong ginawa ko sayo?" umiling lang ito pagkatapos ay inihiwalay na nang kaunti ang kanyang katawan pero nakapulupot pa din sa baiwang ko ang braso niya.
Matapos ang ilang minutong pakikipag buno sa braso nitong tahong sa tabi ko, nakawala din ako sa wakas. Halos halikan ko na ang pinto ng UV sa kakasiksik ko para lang hindi ko madanggil ang lamang dagat na hindi ko pa din alam, hanggang ngayon, kung bakit nakasakay sa transportasyon na pang tao lang. Pwede naman kasi siyang mag patangay tangay nalang sa paggalaw ng tubig alat.
Hindi na siya kumibo. Yumuko nalang siya at ipinatong nalang ang ulo sa bag niyang yakap yakap niya. She seems tired. Nakapikit na din kasi ang mga mata nito.
Tumingin nalang ako sa dinadaanan namin. Inaantok na ako pero naeenjoy ko naman kasi ang view. Puro mga puno ang nakikita ko o di kaya ay palayan.
Pagpasok namin ng Dinalupihan ay napahikab na ako sa antok. Napahilot na ako sa magkabilang talukap ng mga mata ko. Medyo sumasakit na din kasi sila.Ilang minuto pa ang lumipas ay di ko na namalayang napatingin na naman pala ako sa katabi ko. Nakapikit pa din siya.
Ang unfair talaga ng mundo. Bakit ba kailangan na magkaroon ng ganitong klasi ng mga tao. Hindi kasi maikakaila na nangingibabaw ang ganda nito kumpara sa iba. Mahaba pa din ang pilik mata niya na noon ay gustong gusto ko sanang hawakan. Hindi ko lang nagawa. Her cute nose I've dreamed to trace but never really had the chance. Or maybe I did have a chance, hindi ko lang sinunggaban? Ewan ko.
Napaiwas ako ng tingin nang paunti unti niyang buksan ang mga mata niya.
Bakit nga ba binabalikan ko ang nakaraan? Minsan, di ko na maintindihan ang sarili ko pero may bahagi ako na ayaw ko nang intindihin pa lahat ng ito. Kung paanong nagagawa niyang sirain ang araw ko sa isang iglap. Kung paanong napipilitan akong bumalik sa nakaraan namin kahit ayaw ko. Ayoko nalang maintindihan.
Umayos siya ng upo bago binuksan ang bag niya at kinalkal 'yon. Nang makuha niya ang camera niya ay kinunan niya ang sarili niya. Todo ngiti pa nga siya sa pagpicture.
Tulad kagabi ay lumabas agad 'yong picture. Sumulyap siya saglit sakin at ngumiti.
Umirap ako saka ko dinikit ang ulo ko sa salamin ng bintana ng sasakyan habang sinusuportahan naman ng kanang kamay ko ang bigat ng ulo ko. Isinara ko ang mga mata ko.
"Raven, Nandito na tayo." Nakatulog pala ako. Napatingin ako sa paligid.
Nasa terminal na kami dito sa Balanga.
Hindi ko na siya sinagot. Bumaba nalang ako at dumiretso sa sakayan papuntang Bagac. Iniwan ko na siya doon. Naupo ako sa gitna ng dalawang babae para kung sakaling sumakay man dito si Tuesca, siguradong di ko siya makakatabi.
Hindi nga ako nagkamali. Dito nga siya sumakay. Tahimik na nagbayad na ako ng pamasahi. Napangisi ako. Buti naman at di na kita makakatabi. Sobrang sira na ng araw ko dahil sayo.
Naupo siya sa tapat ng katabi ko sa kaliwa. Pinili ko na hindi na siya pansinin at yumuko nalang. Mahaba pa ang byahe. Iidlip muna ako.
May mga nagkukwentuhan sa loob ng jeep pero hindi ko na din masyadong maintindihan dahil paunti unti nang kinakain ng antok ang diwa ko.
"Miss, pwedeng makipagpalit? Girlfriend ko po kasi siya." yan ang huling narinig ko. Di ko naman masyadong naintindihan. Naramdaman ko nalang na may humawak sa ulo ko at inilagay sa balikat ng kung sino.
Kahit antok na antok na ay pilit kong binuksan ang mga mata ko. Aayos sana ako ng upo nang pigilan niya ang ulo ko.
"Tulog na. Dito lang ako." Dala ng pagod at puyat ay tuluyan na kong nawalan ng lakas para kumontra pa.
Ngayon lang naman, Raven.
Pumikit nalang ako.
Nagising ako sa marahang pagtapik sa pisngi ko.
"Malapit na tayo sa sakayan ng tricycle." walang imik na umayos ako ng upo atsaka tumango. Sampung minuto lang siguro ang lumipas pa ay tumigil na ang jeep.
Pagbaba na pagbaba namin ay bigla namang bumuhos ang malakas na ulan. Sa sobrang lakas, ilang segundo palang naman kami sa ilalim ng ulan ay basang basa na agad kami.
"Silong muna tayo." saad ni Alison. Walang anu-ano'y hinila na ako nito sa pinakamalapit na establisyimentong nakita namin. 7/11. Hindi na kami pumasok pa. Nagkasya na kami sa kaunting silong na nakukuha namin.
Napatingin ako kay Alison nang mapansin kong may kinakalkal ito sa bag niya.
Mula doon ay naglabas ito ng isang payong. Nang mag angat siya nang tingin ay basta nalang siya ngumiti. Sinundan ng mga mata ko kung saan ito nakangiti.
Napairap uli ako. Napapadalas ang pag irap ko ngayong araw. Baka maging mannerism ko na't puro pag irap nalang ang gawin ko.
So there's this girl standing just a few steps away from me. Maganda. Maiksi din ang suot. Bakat na bakat pa ang kulay pula nitong bra. Talagang kinawayan pa nitong malanding tahong na 'to.
Hindi na ako nakatiis. Sinuong ko ang malakas na ulan. Nagtatakbo ako papunta sa sakayan ng tricycle.
"What the—Raven!"
"Banawang, Manong." napansin kong nakatakbo na din pala siya pasunod sa akin. Ni hindi niya nagamit ang payong na inilabas niya.
"Tara na po, pakibilis."
"Hindi mo ba kasama 'yan, hija?" usisa ni manong.
"Hindi po." magtatanong pa siguro dapat siya pero pinili nalang na manahimik. Hindi pa man tuluyang nakakalapit si Tuesca ay nakaalis na ang trike. Napatigil siya sa pagtakbo.
Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mga mata. Muntik ko nang patigilin ang tricycle.
"Humanda ka talaga sa kagandahan ko!" dinig kong sigaw niya.
Mukhang okay naman siya.
--------------
8-16-19
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
RandomAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...