R. PASTRANA
TUESDAY
"Good Morning, Raven!" napatigil ako sa paglock ng gate at napatingin sa umagaw ng pansin ko.
"T-tuesca? Anong ginagawa mo dito?" nagtatakang tanong ko dito. Naiilang din ako sa presensya nito.
A smile crept up her lips. Kinailangan kong mag iwas ng tingin. Para kasi akong kakapusin ng hinga sa kanya. Panigurado ding makikita nito ang mabilis na pagkalat ng kulay pula sa mukha ko.
Paggising ko kasi ng Lunes ng umaga, wala na siya. Nagawa niya pa akong ipaghanda ng agahan. Hotdog na sunog, itlog na matabang, at sangag na nasobrahan sa alat.
"Sinusundo ka?" aniya habang marahang tinatapik tapik ang speedometer ng moto na sinasakyan niya.
"Bakit?"
"Kagagaling mo lang sa sakit. Concerned lang ako. Ang sweet ko, 'no?" tinaasan ko lang siya ng kilay. Hilig talaga niya ang pagbubuhat ng sariling bangko mula noon hanggang ngayon.
Iwinagayway ko sa harap niya ang dala kong susi at inginuso ang scooter ko. Napakamot siya sa ulo pagkatapos ay ngumiti ng nakakaloko. Ano na naman ba ang pumapasok sa isip ng babaeng 'to?
"Nga pala. May nakalimutan ako sa bahay mo."
"Ano naman 'yon?" usisa ko.
"Wrist watch ko." seryosong anito. Napatingin ako sa oras. It's 8:15 a.m. and may klasi ako ng 9:10 a.m
"Mamaya mo na kunin." ngumisi siya.
"Sus. Gusto mo lang akong makita uli mamaya, eh." asar nito sakin na kinagat ko naman.
"Asa ka. Ilang bag ba ng pampakapal ng mukha ang nilaklak mo, ha?" asik ko dito habang padabog na binubuksan ang gate. Tinawanan lang ako nito.
"Ayieeh. Kinilig ang baby."
"Tuesca, bilisan mo nalang. Kunin mo na't may klasi pa ako ng alas nueve." inis na sabi ko dito. Dali dali naman nitong pinasok ang motor niya. Pagbaba niya ay pinatay niya ang makina at isinukbit sa braso niya ang isa sa mga helmet na dala niya. Dalawa pa talaga ang dala niya. Isang black at isang pink.
"Bakit pinasok mo pa 'yan?" hindi nito sinagot ang tanong ko. Inilahad lang niya ang palad niya sa akin.
"Susi ng pinto?" walang salita na ibinigay ko nalang sa kanya.
tumakbo siya palapit sa pinto. Ilang saglit lang ay nakapasok na siya sa loob. Hindi na ako sumunod sa kanya at pinili nalang na maghintay sa labas.
Mabilis lang naman siyang nakalabas. Sa sandaling nailock niya ang front door ay lumabas na din ako sa daan at sumakay na sa scooter ko. Naisuot ko na din ang helmet ko. Hinihintay ko nalang na ibalik niya ang susi ng bahay.
Nang marinig ko ang paglock ng gate ay inilahad ko agad ang palad ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Akin na ang susi." hindi ito nagsalita. Napatingin ako nang maramdaman ko ang pagsakay niya sa motor.
Saglit na ibinaling ko ang tingin ko sa loob ng gate. Nandoon ang motor niya na natatakpan na ng cover.
Hindi makapaniwalang napatitig ako dito.
"Bakit ka nakasakay diyan?" painosente namang nginitian niya ako bago magsalita.
"Wala na pala akong gas. Tara na, 8:30 na." katwiran nito bago isinuot ang helmet na dala niya. 'Yong kulany pink. Napatitig ako sa kanya. Sa pagkakatanda ko, ayaw niya sa pink. Halos isumpa kaya niya ako tuwing susunduin ko siya at pink na helmet ang dala ko. Sa huli, ako lang din ang magsusuot noon at sa kanya napupunta ang isa pang dala ko.
Walang nagawa isinuot ko paharap ang dala kong bag at pinaandar ang scooter sa katamtamang bilis. Muntik na akong mapapreno nang bigla siyang yumakap sa baiwang ko.
"Alison, hindi mo kailangan kumapit sa akin. May bracket sa likod. Doon ka kumapit." sabi ko. Hindi siya nagsalita. Lalo lang humigpit ang yakap niya sa akin.
"A-ano ba! nagugusot ang damit ko." niluwagan niya ng kaunti pero nakakapit pa din talaga siya. Wala na akong nagawa. Nakarating kami sa parking lot ng school na nakakapit lang siya sa akin buong oras. Mabuti nalang walang masyadong tao sa daan pati dito.
"Baba ka na." bumaba ito. Paghubad ko sa helmet ay inagaw niya yon sa akin.
"Tara?" saka ito naunang naglakad papuntang faculty. Hinayaan ko lang siya. Napatingin ako sa oras. 8:50 a.m. na pala. Nagpunta muna ako sa klasi ko dapat. Ako kasi ang first course nila ngayon.
Binigyan ko nalang muna sila ng activity at sinabihan na mag advance reading para sa susunod na aralin namin. Tahimik lang sila pero alam ko na sa loob loob nila ay tuwang tuwa ang mga 'yon panigurado.
Pagpasok ko sa faculty ay si Miss Remington lang ang nadatnan ko. Tumingin ako sa paligid. Natagpuan ko ang dalawang helmet sa may station ko.
"Good morning, Miss Rave." bati niya sa akin ginantihan ko din naman ng bati.
"Good morning."
"Nahanap ba ni Aly?"
"Ha?"
"'Yong relo niya. Hindi kasi siya mapakali kagabi sa kakahanap sa wrist watch niya mula nang mapansin niyang hindi niya suot 'yon." nagtatakang napatingin lang ako sa kanya.
"Mukhang importante sa kanya ang relo ah."
"Yup! Bigay daw kasi 'yon ng isang mahalagang tao."
"Ganoon ba? Nakuha naman yata niya. Hindi mo ba naitanong sa kanya?" sabi ko nalang kahit na gusto ko pang magtanong. Aaminin ko na napukaw noon ang atensyon ko but I chose to just remain silent. Bakit ko nga ba pakikialaman pa ang bagay na 'yon? The less I know the better.
"Hindi ko pa siya nakikita." nakangiting tugon niya sa akin. Tumango nalang ako.
"Sige, miss Rave. Maiwan na muna kita."
Habang naglalakad sa third floor ng Larissa Alarcon Building, ay nasalubong ko si Alison habang isinusuot ang kanyang relo. Sa tingin ko, ito ang relo na kinuha niya sa bahay ko kanina.
Mukhang hindi niya napansin na malapit na ako sa kanya dahil nakatuon ang buong atensyon nito sa pagsusuot ng kanyang pambisig na relo.
Napatitig ako doon. Mukhang pamilyar sa akin ang suot niya. A Seiko watch. Brown leather personalized straps.
"Alison." tawag ko. Parang nabiglang mabilis na itinago niya sa kanyang likod ang kanyang mga braso.
Nakatingin lang ako sa kanya. Nang makolekta ang sarili ay ngumiti na ito sa akin.
"Miss mo na ako agad?"
"Tumingin ka sa dinadaanan mo. Baka makabangga ka. Kawawa naman sila." nilagpasan ko siya. Tumigil ako ilang hakbang mula sa kanya.
"Alison."
"Uh...yes?" I can sense discomfort from her.
"Akala ko naiwala mo 'yan?" nahigit niya ang kanyang hininga. Mukhang hindi niya inasahan ang tanong ko na 'yon. Ilang sandali na ang lumipas ay hindi pa din ito sumasagot. Hindi din ako nakaharap sa kanya.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad nang mag salita siya.
"I...I knew it was important. Hinanap ko."
"Ganoon ba?" nagkibit balikat ako. Maglalakad na sana ako uli nang tawagin niya ako.
"What?"
"Raven, I...I l-lo..uh" hindi ko siya maintindihan. Tinaasan ko siya ng kilay. Pautal utal kasi. Naglilikot din ang paningin niya. Kung saan saan siya nakatingin.
"Ano?"
"S-sabi ko I love myself. Wala na yatang papantay sa kagandahang taglay ko.Pakakasalan ko nalang ang sarili ko."
"Edi wow."
----------------
8/25/19
![](https://img.wattpad.com/cover/133059218-288-k184560.jpg)
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
RandomAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...