"Good Morning, Rave!" masiglang bati ni Alison. Napatingin ako sa wall clock ng faculty room. Napabuntong hininga ako nang makitang ala siete y media palang ng umaaga ay siya na agad ang kaharap ko.
"Grabe ka naman. Ang aga aga, may pinoproblema ka na naman ba?" Ugh! Duh, ikaw ang problema dito!
"Wala. Wag mo akong kausapin. Marami akong ginagawa." Napipilitang sagot ko. Masyado pang maaga para mabadtrip. Iiwas nalang ako.
"Okaaay? 'to oh, sayo na." sabay abot niya ng tatlong bar ng chocolate at isang piraso ng puting tulip. Tinaasan ko siya ng kilay.
"Saan galing? Ba't mo binibigay sa akin."
"Ah, diyan lang sa tabi. Inabot lang sakin ng isang babae. Di ako mahilig sa ganyan kaya sayo na." hinawi ko ang kamay niyang may hawak sa mga yon.
Parang ganito din ang nangyari noon, huh. Matapos kong mag effort na bigyan ka ng bulaklak, ibinigay mo lang sa crush mo na kapareho ko pa ng program!
"Tabi, lalabas ako." sabi ko habang isinasaayos ang mga gamit kong maayos din naman ang pagkakapwesto sa mesa ko.
Nagsimula na akong humakbang paalis. Hindi pa ako nakakalayo ay pinigil na niya ako gamit ang kamay niyang nakahawak na ngayon sa laylayan ng suot kong uniporme.
"Saglit lang. Joke lang. Ikaw talaga, di ka na mabiro. Binili ko yang mga yan."
"Bitaw, lalabas ako."
"Teka lang. Totoo nga. Ako bumili ng mga yan."
"Oo na. Sige na. Ikaw na bumili. Bitaw na. Mag aagahan ako. Gutom na ako."
"Hindi ka ba kumain? May pagkain ako dito. Share nalang tayo."
"Wag na. Sayo nalang yan. Gusto ko din lumabas." Himala. Kahit papaano ay normal kausap tong tahong na to ngayon.
"Sige na. Sobra naman to. Hindi ko kayang ubusin."
"Bakit dinamihan mo? Di mo pala kayang ubusin mag isa."
"Dami namang tanong. Tara na kasi. Dito nalang tayo kumain habang wala pa ang ibang teachers."
"Ano ba yan?"
"Fried rice, beef tapa, at Itlog."
"Saan mo naman yan binili. Wala naman akong natatandaang may tapsilogan malapit dito."
"I...u-ugh ako n-nagluto" tila nahihiyang sabi niya.
"Dami mong oras, huh." nang mapatingin ako sa kanya ay bahagyang namumula ang makinis nitong mukha. Halos hindi siya makatingin ng deretso sa akin.
Kusang gumalaw ang kamay ko patungo sa pisngi niya. Bago pa man dumampi ang palad ko sa pula niyang mukha ay pilit kong kinastigo ang sarili.
Sa halip na haplusin siya ay pinitik ko nalang ang kanyang noo. Nabibiglang napatingin siya sa akin na ikinaiwas ko naman ng tingin.
"Namumula ka. May sakit ka ba?"
"W-wala. Let's eat?" tumango nalang ko. Di naman siya titigil hangga't di ako pumapayag sa gusto niya. Pagod na ako sa pakikipag argumento sa kanya.
Isa pa mukhang masarap ang dala niyang almusal.
Nang matapos niyang ayusin ang mga inilabas niyang pagkain at paper plates na dala niya din ay nagsimula na kaming kumain.
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
RandomAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...