Chapter 11

4.7K 197 41
                                    

R. PASTRANA

I woke up with the feeling of a finger tracing my navel. Nakakakiliti. Paikot ikot lang iyon sa paligid ng pusod ko ng ilang segundo pagkatapos ay bumaba upang damhin ang pinong buhok na mayroon ako sa may puson.

Crap! What on earth is this? This is giving me the same sensation I just felt before. Too familiar.

"Wake up now, Snow White." naulinigan kong anang isang tinig. Nanatili akong nakapikit.

"Your prince...cess is here to bring you back to life, you know." Kumunot ang noo ko. What a corny line to say.



Narinig kong natawa ito. Tila tuwang tuwa. Sa totoo lang, napakasarap nito sa pandinig. Para akong hinehele. It made me wanna go back to sleep and forever dream of this moment.



Kasunod nito ay naramdaman kong may ibang pumalit sa daliring nagpapaikot ikot sa paligid ng pusod ko.



Bakit parang basa? Anong...Sinong... Wait nga! What's happening?!


Napamulagat ako at mabilis na tumingin sa bandang tiyan ko. There I saw Alison playing my navel with her tongue. Jusme, kaya pala basa!


Wala sa loob na kumilos bigla ang kaliwa kong binti at mabilis na hinawi siya. Nahulog siya mula sa pagkakaupo sa maliit na upuang nakapwesto sa tabi ko. Dinig na dinig sa buong silid ang tunog ng biglaang pagsalampak niya sa sahig. Narinig ko din ang mahinang pag daing niya.



"Aww. Bebe naman. Ganyan ka ba ka-mapagmahal? Kahit sa tiles gusto mong iparanas kung anong pakiramdam ng haplos ko?" Aba, ayos to ah!


Hindi makapaniwalang napatitig nalang ako sa kanya. Antipatikang to!


"What were you doing, ha?" Mabilis na hinablot ko ang kumot sa tabi ko at dali daling tinakluban ang buo kong katawan. Yung ulo nalang ang kita. I felt molested!


"Hmm...I don't know. Maybe I was trying to wake you up?" painosenteng aniya habang umaayos ng upo sa palagay ko'y malamig na sahig.



"What?! You could have just tapped me!" gigil na angil ko dito. Ngumisi lamang ito sa akin.


Sa inis ko ay dinampot ko ang isang unan at inihagis 'yon deretso sa mukha niyang kinatatakutan yata ng mga pimple. Letseng yan! Anong klasing produkto ba ang ginagamit nitong tahong na to at ni walang pekas o anu man sa pagmumukha niya?



At dahil malambot ang unan ay wala itong inindang sakit sa halip ay isang malutong na tawa lang ang pinakawalan nito. Napatingin ako sa paligid.

Kahit papaano ay nakahinga naman ako nang maluwag nang mapansin ko na walang ibang tao dito sa Clinic.


"You're so cute, Raven" tuwang tuwang bulalas niya habang inaamoy amoy ang unan na inihagis ko.


"Anong gamit mong shampoo? Ang bango." sabi nito tsaka pinanggigilang singhutin ang unan. "Ang sarap amuyin. I wonder how your body smells like. Kasing bango din ba ng bulaklak?" halos manuyo ang utak ko sa narinig mula sa kanya. I felt my cheeks and ears heat up. Kung isa akong takure, malamang na kanina pa ako kumulo.


"Letse ka! Ang bastos talaga ng bibig mo, 'no? Tigang ka ba?"


Tumayo ako at hinablot ang unan mula sa kanya pero hindi niya binitawan.


"Ano ba? Ba't ayaw mong bitawan?!" asik ko.

"Inihagis mo na, ah. Bakit binabawi mo?"

"Eh, bakit ba kasi sinisinghot mo yung amoy ko diyang, manyak ka?! Ano, bitaw sabi, eh!" marahas na hinila ko uli ang unan pero ang engot bigla ba namang binitawan ng walang pasabi. sumadsad tuloy ako sa sahig!

"Oopps." Nanlilisik ang mga mata na tinitigan ko ito. Pasipol sipol naman na kunwari ay nagmasidmasid ito sa paligid. 

Nagtaas baba ang dibdib ko sa galit. I'm trying to calm myself. Nagpakawala ako ng hangin at walang sabi sabing tumayo nalang. Nanggagalaiti sa galit na naglakad ako palabas ng Clinic. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas ay may pahabol pang pang asar ang tahong.



"Raven? Ang cute ng mga bukol mo sa noo! Para kang tinutubuan ng sungay!" sigaw nito at isang malutong na tawa ang paulit ulit na nag echo sa buong silid.

Buwisit! Wala ka talagang magawang matinong hayop ka! May araw ka din sakin. Lintik lang ang walang ganti!"





















"Hi, Miss Rave! Kumusta?" masiglang bati ni Remington sa akin.



"Okay na. Salamat." ngumiti ako ng tipid dito bago dumeretso sa table ko. Agad naman itong sumunod at hinila ng upuan sa katabing station.


"Eh, kayo ni Alison, kumusta?" tinaasan ko ito ng kilay.

"We're civil." nagdududang tingin lang ang naging sagot nito.

"Di nga? Nakita ko siya kanina na nakabantay sayo sa Clinic, ah." tukso nito. I see amusement in her eyes.

Dahil kasalanan niya kung bakit nandoon ako! And she wasn't there because she cared. Ang hindot na yon, minamanyak lang ako!

Nagkibit balikat nalang ako. Wala naman akong ibang masasabi sa kanya. Lalo lang siyang magdududa.



"Anyway, how long will you be staying here?" pag iiba ko sa usapan. They've been here for more than two weeks now. Mula noong malaman niyang ex niya ako ay wala na itong ginawa kundi alaskahin ako.

"Less than a week. Kung tama ang pagkakatanda ko, may three days nalang kami. Why? mamimiss mo si Aly?" mapang asar na untag nito. May pakindat kindat pa siyang nalalaman. Sinusundot pa 'yong tagiliran ko. Napapapiksi tuloy ako.




"A-ay! Ano ba yan! No way! Miss Dee, t-tama na. Nakikiliti ako!" Sagot ko dito habang pilit na umiiwas sa pagsusundot sundot niya sakin.




Ngiting ngiti naman itong tumigil pero nakaharap parin siya sakin.

"So, care to tell me a story?"

"Ha?"

"Anyare sa inyo ni Tuesca?" nag iwas ako ng tingin. Inabala ko ang sarili ko sa pag aayos ng mga gamit ko sa mesa kahit na maayos naman ang lahat. I'm very organized with my things pero sa mga oras na ito, hiniling ko na sana ay gulo gulo nalang sila o di kaya ay may mga gawain ako para may sapat na dahilan ako para umiwas sa ganitong kwentuhan.



"She was the typical playgirl and I was one of her victims. The End. Writer kayo diba? You should have an idea. What we had was very cliche." blangkong litanya ko na hindi nakatingin sa kanya. I know, sa mga salitang 'yon, may ideya na siya kung anong nangyari. They write stories after all. Ours was just like a typical and boring love story you would always read from romance books. Ang kaibahan lang, walang 'Happy ever after' sa dulo. At hindi magkakaroon dahil matagal nang natuldukan ang kwento naming dalawa. That was 8 years ago, in that Chinese restaurant in Clark.


Wala akong narinig na anumang reaksiyon mula kay Remington kaya naman hinarap ko ito para lang makita ang pagkatulala nito sakin. Mukhang wala itong maapuhap na tamang mga salita.



"It has been 8 years and she hasn't changed at all. Still the same Alison I knew since our college days. Nonetheless, wala na sa akin yon. Halos isang dekada na ang lumipas. I believe, our story's done."

"You up for a sequel then?" anang isang pamilyar na tinig. Nagawi ang tingin ko sa kanya. Kakapasok lang nito sa faculty room at kasalukuyang nakasandal sa pader habang nakahalukipkip at nakatitig sa akin. Seryoso at deretso ang tingin nito sa mga mata ko.

"I don't think the author of our story, na matagal ng tapos by the way, is a fan of sequels. So, nah. No book two for us."

Tumikhim ito at isang ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

"Why so serious, Raven? I was just messing with you."

"I know."

---------------
8/2/19

📜 Maiksi lang siguro tong story nila Raven at Alison.

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon