R. PASTRANA
"Alis na." pantataboy ko kay Alison na nandito para kunin ang motor niya.
"Heto na. Heto na." tango nito na nakatingin sa akin pero hindi naman kumikilos para umalis.
"Anong petsa na? baka hanggang pasko, nandiyan ka pa din?" iritang saad ko. Kukunin lang kasi niya ang motor pero kanina pa talaga siya dito. Halos isang oras na siya sa bahay ko.
"Pwede din. Tapos i-kiss mo ako sa ilalim ng mistletoe ha." napahinga ako nang malalim sa inis.
"Ha! Hindi ako nagdidisplay ng ganon. Pakisara nalang ng gate paglabas mo." papasok nalang ako. Bahala na siya sa buhay niyang leche siya. Wala na akong ibang inabot sa kanya kung hindi pang aasar at panlalandi.
"Oy, di mo ba ako mamimiss. Aalis na ako, ah." napalingon ako sa kanya.
"Akala mo naman napakalayo ng pupuntahan mo. Tatlong oras lang ang layo ng Pampanga mula dito. Wag kang mag inarte diyan." napailing siya sa naging sagot ko.
"Tsk. Alis na nga ako." aniya na ipinagtaka ko dahil kabaligtaran ang ginagawa niya. Mula sa pagkakatayo sa tapat ng motor niya ay naglakad siya palapit sa akin.
Nang makatapat siya sa akin ay hinila niga ako para yakapin. Siyempre, pumalag ako agad. Hinigpitan niya ang yakap.
"Shh. Last na 'to, Rave. Wala nang mangungulit sayo pagkatapos nito." natigil ako sa pagpiglas. naramdaman ko ang pagkilos niya para isiksik ang mukha niya sa aking leeg. Natahimik ako at napapikit. Para kasing nadaplisan ng balaso ang maliit na bahagi ng puso ko.
Ilang minuto na siyang nakayakap sa akin pero hindi na ako pumalag. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa basagin niya ang katahimikan.
"Ang lambot mo." hinila ko ang buhok niya dahil doon. Buwisit kasi. Nagreklamo naman siya at kusang kumalas sa yakap.
"Layas na." tumawa siya at tumango.
"Alis na ako." sagot niya. Nagpunta siya may gate at binuksan 'yon. Pagbalik niya sa may motor ay itinaas na niya ang kickstand at sumakay na. Sinindihan niya ang makina. Tumingin pa siya sa akin bago niya suotin ang kulay pink na helmet. Habang hawak naman niya yong isa pang dala niya.
Isinara naman nito ang gate paglabas niya. Bago siya tuluyang umalis ay tumango pa ito sa akin. Hindi ko na nga nakita ang mukha niyang natatakpan ng tinted na face shield.
Pagpasok ko sa loob ay napasandal ako sa saradong pinto. Pinakiramdaman ko ang puso kong tila nagbago ang ritmo. Para kasing bigla siyang bumagal. Nakakatakot.
9:15 PM
Wala na akong oras na magluto kaya naman bumili nalang ako sa labas ng makakain ko.
Inilalagay ko sa mangkok ang ininit kong lutong ulam na kanina ko pa binili nang biglang nagring ang phone ko. Tinapos ko muna kasi ang paggawa ng powerpoint presentation na gagamitin ko bukas sa klasi. Tumaas ang kilay ko nang makita sa caller id ang isang unknown number. Pamilyar sa akin. Kilala ko kung sino ito.
Sinagot ko ang tawag.
"Alison." 'yan ang pambungad na bati ko.
"Ano ba yan, para ka namang nalugi sa pagsagot sa tawag ko. Swerte mo nga ako pa ang tumatawag sayo." Buong pagmamalaking saad niya na ikinataas ng kilay ko. Naiimagine ko tuloy ang mukha niya habang sinasabi 'yon. Sigurado akong ngiting ngiti ito.
"Bakit parang utang na loob ko pa na tumatawag ka sa akin, ha? Nandiyan ba si Miss Dee?"
"Nyee. Bakit siya ang hinahanap mo, eh ako ang kausap mo dito?"
"Hihiram akong pera."
"Bakit? Sakin ka nalang umutang. May pera naman ako."
"Ganon ba? sige. dahil may pera ka naman pala, bili ka ng kausap mo, ha. 'Yong kayang sakyan iyang kayabangan mo. Bye." ibababa ko na sana ang tawag nang pigilan niya ako.
"Teka lang. Saglit. Seryoso na." hinintay ko siyang magsalita pero tatlong minuto na yata ang lumilipas ay wala paring nagsasalita sa aming dalawa. Ilang malalim na paghinga ang naririnig ko mula sa kabilang linya.
"Rave." panimula niya. Hindi ako kumibo. Hahayaan ko lang sana siyang magsalita pero tumahimik lang uli siya. Tanging ang ingay lang ng mga sasakyan sa background niya ang maririnig.
"Matulog na tayo. Inaantok na ako. Wala ka naman yatang sasabi–"
"I'm sorry." natigilan ako.
"Rave, patawarin mo ako. Alam kong malaki ang kasalanan ko at malaki din ang naging epekto non sayo. Alam kong kasalanan ko kung bakit kahit lumipas na ang halos isang dekada ay pasan mo pa din ang bigat ng nakaraan. We–I actually went there to see you. To ask for forgiveness. Ang tagal kitang hinanap. Akala ko magiging madali nalang iyon sa oras na makita kita. Akala ko kasi masaya ka na tulad ng iba. Naisip ko na hindi imposible 'yon dahil mabuti kang tao at madaling napapamahal sayo ang mga tao sa paligid mo. Akala ko lang pala 'yon. Hindi ko naisip na ganito pala kalalim ang sugat sa iniwan ko sa puso mo. I'm so sorry, Raven."
Pakiramdam ko ay may bumikig sa lalamunan ko. Wala akong maapuhap na salita bilang sagot sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong unang dapat kong isipin. Ang mag isip ba ng tamang salitang ibabato ko sa kanya o abalahin ang sarili ko sa pagdagsa ng mga alaala mula sa nakaraan. Mula sa mga ginawa niya walong taon na ang lumilipas.
Para akong sinasakal. Feeling ko, walang oxygen na pumapasok sa katawan ko habang binabaybay ng aking kamalayan ang mga alaalang pilit kong ibinaon sa kasuluksukang bahagi ng isip ko.
Muli, matapos ang ilang taon, nangilid ang luha ko sa pag alala sa mga araw na kami pa.
Hindi ako tanga para hindi mapansing iniiwasan niya ako noon. Ramdam ko ang unti unting pagsasawa niya sa presensiya ko. Ang galing nga niyang magtahi ng mga dahilan noon.
Ginawa ko lahat para hindi ako matulad sa iba na pinaglaruan lang niya sa kanyang mga palad. Sinubukan kong baguhin siya.
Lahat ng dates namin noon, ako ang gumastos. Wala siyang nagasta kahit piso.
Huli na nang marealize ko na ganon lang din ang ginawa ng iba. Nasaktan na ako nang mapansin ko na ako nang mapansin kong isa lang ako sa mga tipikal niyang babae. Walang pinagkaiba.
Tulad ng iba, isa lang akong panakip sa pagkukulang na nararamdaman niya dahil sa pagkawala ng kanyang ina.
"Rave." tawag niya. Napahigpit ang hawak ko sa phone. Napasandal ako sa pader. Pinatay ko ang tawag na walang sinasabi.
Para akong nawalan ng lakas. Hindi na kayang suportahan ng tuhod ko ang katawan ko dahil sa panlalambot. Dumausdos ako pababa. Iniyuko ko nalang ang ulo ko at isinandal sa mga tuhod ko ang aking noo.
Doon, hinayaan kong malayang maglandas ang mga luhang umaalpas sa aking mga mata.
Hindi ko alam kung mapapatawad pa kita, Alison.
------------
9/24/19
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
AcakAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...