A Happy Ending For Alison
Isang napakaikli at kaisa-isang special chapter ng MNEG.
"Tabi nga. Aalis na ako dahil susunduin ko pa si Aishi." Ngiting ngiti naman si Rem sa narinig mula sa kaibigang matagal na naging bato ang puso.
Sa mga nakalipas na taon ay inabala nito ang sarili sa trabaho. Madalang din itong lumabas ng bahay ay gumagala lang isang beses kada tatlong buwan.
"Nasaan ba siya?"
"SM. Kasama si Aliyah."
"Kasama naman pala ang kapatid mo. Ano bang ginawa nila doon?"
"Ewan. Naglaba yata sila." sarkastikong turan niya.
"Oh? labandera na pala si Aishi at Aliyah." painosenteng sagot naman ni Faye. Ngalingaling hambalusin ito ni Alison ng throw pillow malapit sa kanya.
"Buwisit. Aalis na nga ako mga pangit kayo." nagtawanan ang lahat. Kinuha niya ang dalang cellphone at panyo. Bago pa man siya makalabas ay narinig niya ang mahinang pagsasalita ni Remington.
"Aly, masaya ako para sayo." Natatawang lumapit siya at sinapak ang kaibigan.
"Ang drama mo naman, Rem. Kulang ka sa kape?" biro niya dito bago tuluyang lumabas.
Nang makarating siya sa kinaroroonan ng dalawa ay nagmamadali namang umalis ang kapatid niya.
"Saan ang punta mo?"
"May meeting pala ako. Nawala sa isip ko."
"Meeting? Linggo ngayon, Aliyah."
"Ugh! Basta!" anito bago kumaripas ng takbo.
Naupo siya at kakausapin na sana si Aishi nang maagaw ang kanyang atensiyon.
Napapihit siya pakanan nang mahagip niya ng tingin ang babaeng matagal niyang hindi nakita.
"Ma, Ice cream! Sundae! Sundae!" dinig niyang sabik na sabi ng batang lalaki na kasama ni Raven. Naiiling siya sa kakulitan nito. Napakagwapong bata. Nagmana sa ina.
Ilang taon na nga ba ang lumipas? Hindi na niya alam. Malaki na ngayon ang anak ni Raven. Matapos kasi ng kasal nito ay hindi na din sila nagkita pang muli. Naputol ang kahit anong komunikasyon nila na pabor din naman sa kanya.
Napatingin siya sa ngayo'y pinakamahalagang babae sa buhay niya at unti unting sumilay ang isang tunay at magandang ngiti sa maaliwalas niyang mukha.
Ang sakit na nakaguhit sa kanyang puso ay pinaghilom na ng panahon.
"Mom, Pizza!." ngumiti siya bago kinurot ang pisngi nito.
"Sige mamaya. Take out nalang natin, ha." tumayo siya pati na din ito. Hawak ang munting kamay ng kanyang anghel ay naglakad na sila palabas.
------------
03/26/20
Saan galing si Aishi?
1. Ampon
2. IVF
3. Nag-asawa din ng lalaki si Alison.
Kayo na ang bahala mag-imagine 😂
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
RandomAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...
