Chapter 1

12.2K 302 69
                                    

A. TUESCA

"It's not you, it's me. Madali kasi akong magsawa. I'm sorry"

"Ang kapal ng mukha mo!"

"Sampalin mo. Yung malakas, be!"

"Sige lang, subukan mo!" nagtawanan ang lahat ng mga mag aaral na nakakakita sa ginagawa ng mga bugok na sadyang makukulit habang nakaupo naman ako sa isang gilid.

Naaaliw man ako sa ginagawa nila ay medyo naiirita din dahil ako talaga ang pinatatamaan sa "acting" kuno ng tatlong itlog. Kung hindi ko lang kaibigan ang mga ito ay kanina ko pa sila nabigyan ng tig iisang sapok.

"Ano, Aly? Gayang gaya na ba namin, beb?" nakangising baling sa akin ni Iya. Sinimangutan ko ito tsaka ko pinulot ang isang nilamukos na papel sa tabi ko at binato sa kanya. Sakto namang tumama ito sa kanyang pagmumukha. Tawanan ang lahat. Ay may comedy show mga te?

"Siraulo kayo." Napailing nalang din ako sa kanila. Ang daming pauso eh. Tawanan naman ang tatlong timang while I just rolled my eyes.

"Actually, meron tayong hindi nagaya." nagtinginan sila kapagkuwa'y nagtawanan.

Dali daling nagsilapitan ang tatlo sa akin at nagsibulong na akala mo ay mag uusap usap kaming apat tungkol sa isang sikreto.

"So, anyare kay Zaira?" tinaasan ko lang ng kaliwang kilay si Faye. Hindi ko alam ang sinasabi niya.

"Zaira? Sino yon?" takang tanong ko nalang na nakapagpanganga sa kanilang tatlo. What?

"Iba talaga, eh."

"Ikaw na, lodi!"

"Haba ng hair, nag rejoice ka ba, girl?" ayan ang kanya kanyang komento ng tatlo.

"What?" nangingiting tanong ko. Nakakatawa kasi ang reaksiyon nilang tatlo. Parang di sila makapaniwala. Hindi ko naman talaga magets kung anong ibig nilang sabihin.

"Nakalimutan mo talaga?" bulong ni Rem.

"Sinong Zaira ba kasi yang tinutukoy niyo?

"Taena, seryoso ka nga." ayos talaga. sinasabunutan na nila ako ngayon. Hindi ko alam kung anong mga problema nila.

At talagang hindi na nakuntento ang mga ito sa pang aalaska sa akin, ngayon, may pisikalan ng nagaganap.

"Aray naman. Teka nga." reklamo ko. Matutuwa na sana ako nang bitawan nilang lahat ang buhok kaya lang, binigyan pa nila ako ng pahabol na sapak.

"Gaga ka, Si Zaira yung girlfriend mo. Yung kasama mo nung sabado sa mall." Ahhh. Zaira pala ang pangalan non. Ngayon ko lang naalala. Medyo makakalimutin kasi ako.

Nagkibit balikat ako. Wala naman akong paki sa babaeng yon. Alam ko namang mukha ko lang ang habol niya. Masabi lang na nakaharutan siya ng isang Alison Tuesca.

Pang-ilan na ba ang babaeng yon? Sa totoo lang, hindi ko na din alam. Hindi naman sa sinasabi kong madami na sila. Ang ibig ko lang sabihin, hindi ko talaga matandaan. I just use them for company. Ayokong nag iisa ako ng matagal na panahon.

Lagi naman kasing busy ang tatlo. Wala din akong pamilya. Naghiwalay ang mga magulang ko noong 5 years old ako. Mula noon, namuhay ako kasama si mama habang ang ate ko naman na mas matanda sa akin ng pitong taon ay isinama ni Papa. Simula nang araw na iyon ay hindi ko na sila muling nakita pa o nakausap man lang.

13 years later, on my 18th birthday, Mama died. Nabunggo ito ng isang rumaragasang truck isang gabing lumabas ito para sana bumili ng lutong ulam. Hindi naging madali ang buhay ko. Ni wala akong kaanak na tumulong sakin.

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon