Chapter 2

8K 251 46
                                    

A. TUESCA

Papasok palang ako sa gate nang biglang may isang batang lalaki na nag abot sa akin ng isang piraso ng bulaklak. Hindi ko alam kung anong bulaklak ito dahil hindi naman ako mahilig sa mga bulaklak. Rosas at Sampaguita lang ang alam kong mga bulaklak.

"Kanino galing to?" umiling lang ang bata habang nakayuko.

"Sige. Salamat." tumango ito. Nanatiling nakatayo lang ito sa harap ko na ipinagtaka ko naman.

"A-ate. May ipanapabigay pa po sayo." woah! He can actually speak! Akala ko kasi pipi siya.

"Ano yon?" sinenyasan ako nito na yumuko kaya yumuko ako hanggang mapantayan ko siya. Hindi naman ako katangkaran pero mas mataas pa naman ako sa batang to.

Nang magpantay ang mga mukha namin ay bigla niya akong hinalikan sa pisngi.

"Y-yan po ate." nahihiyang tumalikod na ito at nagtatakbo na palayo. Napatayo naman ako nang diretso habang nakatingin sa papalayong bulto ng batang lalaki na nasa edad pito.

Napatingin ako sa isang piraso ng bulaklak na hawak ko at natawa nalang bigla.

Naglakad ako papasok dala ang bulaklak na inilagay ko lang sa pocket ng bag na dala ko.

Habang naglalakad sa hallway ng 5th floor kung saan ang room namin para sa Econ 102, ay nasulyapan ko ang crush ko sa College of Education. Nakangising naglakad ako papunta dito. Pasimple kong binunot sa pocket ang bulaklak na natanggap ko kanina.

At dahil malakas ang loob ko, lumapit ako kahit napapaligiran pa siya ng mga kaibigan niya. Nasa walo yata sila na nakatayo sa may pintuan ng room.

Iniabot ko ang bulaklak sa kanya. Nahihiyang tinanggap ni Amethyst ang bulaklak na ikinangiti ko naman. Dahil hindi ako mahiyain, hinayaan ko lang ang sarili ko na enjoy-in ang pagtitig sa kagandahan niya kahit na ba naiilang siya.

Kakausapin ko sana  ito kaya lang may naramdaman akong kakaiba sa gilid. Parang may nakatitig sa akin. Sa hindi ko malamang dahilan ay unti unti akong lumingon sa loob ng room.

Napaayos ako ng tayo nang makita  ang isang babae na masama ang tingin sa akin. Nagpapabalik balik ang kanyang tingin sa akin at sa bulaklak na ibinigay ko kay miss Wilde. Ilang segundo lang ay nag iwas na ng tingin ang babae sa akin.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit bigla nalang akong nakonsensya. Parang mayroon akong ginawang kasalan. Ang sunod na ginawa ko ay sadyang kahiya-hiya pero bigla nalang kasing kumilos ang katawan katawan ko mag isa.

Hinablot ko lang naman ang bulaklak kay Amethyst na ikinagulat naman niya. Pucha! ako man ay nagulat din!

Gulat na nakatingin lang din ang mga kaibigan nito sa akin. I didn't care. Muli akong sumulyap sa babae sa loob pero hindi na ito nakatingin sa amin. Nang magbalik ang paningin ko kay crush ay nagtatakang tingin lang ang ibinigay niya sa akin.

"What was that?" natatawang tanong lang nito. Napakamot ako sa ulo ko at isang alanganing ngiti nalang ang itinugon.

Para makabawi sa kahihiyang ginawa ay kinandatan ko nalang ito at tumalikod na. Mabilis na naglakad ako papunta sa elevator. Bababa na muna uli ako. 9 o'clock palang naman. Mamaya pang 9:30 ang unang klasi ko.

Nagpunta muna ako sa cafeteria. Hindi naman ako bumili. Tumambay lang talaga. Naghihintay lang ako ng oras. 10 minutes bago ang klasi ay umakyat na ako sa 5th floor. Noong nasa pinto na ay napatingin na naman ako sa pinto ng classroom ng mga educ students. Nagsisilabas na kasi sila.

Napansin ko ang babae kanina na umirap sa akin. Di naman kagandahan.

Pumasok na ako sa room. Nakita ko kasi ang instructor namin na papasok na din.

Tahimik na lumipas ang maghapon. Matiwasay naman. Maliban na lamang sa pakiramdam ko. Sa hindi ko malamang dahilan ay di ako napakali buong maghapon.

Napatitig ako sa bulaklak na nakasuksok sa bag pocket. Yung bag ko kasi ay nakapatong sa desk dahil kasalukuyan akong nag aayos. Naglalagay lang naman ako ng powder sa mukha para magmukha naman akong fresh.

Kinuha ko ang bulaklak at pinutol ang tangkay at itinira ang pinakabulaklak. Kinuha ko ang paborito kong libro sa bag. Lagi ko kasing bitbit to.

Binuksan ko ito sa pahina kung saan nakasulat ang paborito kong kwento. Inipit ko doon ang bulaklak tsaka muling isinilid ang libro sa bag.

Pagsakay ko sa jeep, naupo ako sa bandang kanan. Sa may dulo malapit sa driver. Napapagitnaan ako ng dalawang babae. Nawirduhan ako sa babaeng nasa kanan ko. Nagsumiksik kasi ito lalo sa may gilid eh hindi naman siksikan sa loob ng jeep. Mukhang init na init ito dahil pula na ang mukha nito at pinagpapawisan na talaga.

Nailang ako sa ginagawa nitong pagsiksik sa gilid. Pasimple kong inamoy ang sarili ko.  Mabango pa naman ako.

Hindi ko masyadong makita nang buo ang mukha nito. Nakayuko kasi ito nang todo.

Nang may sumakay na matanda ay nagsiusog ang lahat para makaupo ito sa malapit sa labasan ng jeep. Nadikit ako doon sa babae na mukhang ikinagulat niya. Napapitlag kasi siya pagkatapos ay nagsumiksik uli sa gilid. Akala mo naman ay may maiuusog pa siya.

Iniiwasan ba nitong madikit sakin?

Sa inis ko, umusog talaga ako ng sobrang lapit sa babae. Dikit na dikit ako dito. Napatingin tuloy siya sa akin.

Siya yung babae kanina.

Magha 'hi' sana ako nang bigla nalang itong pumara tsaka dali daling bumaba.

Weirdo.

Kinabukasan, may lumapit uling bata sa akin para mag abot ng chocolate. Wala naman sinabi ang bata. Inabot nalang yon at hinayaan nalang itong umalis kasi mukhang nahihiya naman ito.

Nag patuloy ang mga natatanggap ko na kung anu ano. Isang linggo na pero di ko padin alam kung sino man itong nagbibigay sa akin. Madalas na din akong tuksuhin mga kaibigan ko.

Tingin ko eh nililigawan ako nitong taong ito. Pasikreto pa sya. Bakit ba kasi ayaw pa niyang magpakilala. Ni wala nga akong ideya kung babae ba siya o lalaki. Baka lalaki. Ang cliche kasi ng ginagawa nito. Chocolates at flowers. So traditional, bruh!

Sa naisip ay kinilabutan ako bigla. I don't like men.





I'm currently in an old building of the school. Sa labas lang naman. Presko kasi dito dahil maraming puno. Nagpapahinga lang ako. Napaaga kasi ang pasok ko ngayon. Nakalimutan ko na wednesday palang pala ngayon at wala akong klasi  ng alas siete ng umaga. Sayang naman ang pamasahi kung uuwi pa ako.

"H-hi!" napatingin ako sa babaeng ngayon ay nahihiyang nakikipag usap sa akin. Nilalaro nito ang sariling mga daliri habang naglilikot ang mga paa.

"Hello." natutuwang bati ko pabalik. I think she's beautiful so it's okay to entertain her, right?

"I...I j-just wanna... Umm...let you know that I-I----" she paused. Huminga muna ito nang malalim bago tumingin ng deretso sa mga mata ko.

"Gusto kita." I knew it! I mean, that's so obvious, girl! Of course, I not gonna tell her that.

"P-pwede ba kitang maging girlfriend?" wow. Mabilis to ah. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa silently assessing her.

Maganda. She's got that straight reddish hair na ano man ang gawin mo ay hindi kukulot basta basta. Maputi. Maganda ang mga mata, ang kilay, matangos ang ilong at manipis ang mga labi. Just exactly my type.

"Oka-----No" I was about to say yes like what I normally do kapag tinatanong ako ng ganitong tanong nang may makita akong isa pang babae.

Binibigyan nito ng bulaklak ang isang bata. Katulad yon nung mga ibinibigay ng "secret admirer" ko.

"W-what?" napatingin ako ulit sa babaeng nagconfess sa akin.

"I'm sorry." nagmamadali akong umalis nang mapansing ko yung babaeng may dalang bulaklak na paalis.

"Hey!" sana lang ay abutan ko ito.

---------
7/73/19

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon