R. PASTRANA
Papasok na sana ako sa CR nang may maulinigan akong dalawang taong nag uusap sa loob. Madali ko namang natukoy kung sino ang mga ito.
Sa halip na pumasok ay pinili kong sumandal na muna sa pader at hayaan muna silang matapos sa pag uusap.
"Ano na, Ali? Nagawa mo ba 'yong pinakapakay natin dito?"
"Hindi pa."
"Today's our last day here. Alam mo 'yan."
"Alam ko, okay? but how am I supposed to tell her, Rem?"
"Madali lang naman 'yon, Alison."
Wala na akong narinig pang kasunod kaya naman umayos ako ng tayo at walang pasabi na pumasok. Hindi ko hihintaying lumabas sila at madatnan akong nakikinig sa kanila.
Pagpasok ko ay halos sabay na lumingon ang dalawa sa akin. Para silang nakakita ng kaluluwa sa hitsura nila ngayon.
Unang nakabawi si Miss Dee na kinagat muna ang pang ibabang labi (Which was hot by the way) bago pasimpling huminga nang malalim at ngumiti.
"Ma'am Rave. Nandiyan ka pala. How long have you been there?"
"Kakadating ko lang." napasulyap ako kay Tuesca na mukhang nakabawi narin sa pagkabigla.
Hindi ko alam kung bakit ganito sila makareact sa biglang pagpasok ko. Parang may itinatago sila. Wala naman akong paki kung ano man 'yon basta wala iyong kinalaman sa akin.
"May n-narinig ka ba?" alanganing tanong sa akin ni Alison. Para tuloy akong nagkainteres sa kung ano man ang napag usapan nila.
"May dapat ba akong marinig?" tanong ko. Mataman ko siyang tinitigan. Naglikot ang mga mata nito bago umiling ng marahan.
"Wala." ngumiti siya. "Lalabas na kami." saka nito hinila si Miss Dee. Ngumiti nalang din si Remington. Halos mabangga pa nila ako sa pagmamadali nila.
Napasandal nalang ako sa gilid ng unang cubicle habang sinusundan ng tingin ang dalawang halos di magkandaugaga sa paglabas. Actually, si Alison lang naman ang hindi mapakali sa pagmmadali. Nagawa pa ni miss Dee na lingunin ako para kumaway.
Ano nga bang pakay nilang dalawa dito? Sa pagkakaalam ko, sideline lang nila ang pagsusulat ng romance novels. Kahit na ba full time writers sila, hindi naman talaga nila kailangang manatili sa isang school ng ganito katagal para lang obserbahan ang mga kaganapan sa loob ng ganitong institusyon.
Ilang linggo din silang nandito. Napapaisip ako, ano nga bang trabaho nila bukod sa pagsusulat?
Nagkibit balikat na tinungo ko nalang ang dulong cubicle.
Pagbalik ko ay napansin ko agad ang isang sticky note na idinikit sa laptop ko.
Sabay tayong maglunch. Huling araw na namin dito. Alam ko namang mamimiss mo ako.
-Pinakamagandang AlisonAba, ang kapal talaga!
Tinanggal ko ang note sa laptop at iniipit 'yon sa mga gamit ko na nasa mesa.
Napatingin ako sa oras. Alas onse y media palang. May isa pa akong klasi na tatagal pa ng isa't kalahating oras. Ala una palang kasi ang lunch break ko ngayong araw.
Kinuha ko ang ilang mga papel at ipinatong ang mga iyon sa itaas ng aking laptop para isahang bitbit nalang. Nang makakuha ako ng whiteboard marker ay lumabas na ako para pumunta sa klasi ko.
"Vygotsky focused on the important role of language and social interaction in cognitive develop—ment." halos matigilan ako sa pagsasalita sa biglang pagpasok ni Alison sa loob ng silid.
Napansin niya na tumigil ako kaya naman sinenyasan niya ako na magpatuloy. Nakuha naman nito ang atensiyon ng mga estudyante. Nakatingin na ang karamihan sa mga ito sa direksiyon niya. Kita sa mga mata ng mga estudyante ang paghanga sa babae. Pakiramdam ko, iniisip nila na baka isa siyang celebrity dahil sa artistahin niyang mukha at pormahan.
Wala sa loob na pinasadahan ko ng tingin ang kabuuan niya. Isang simpling long sleeves na white polo lang naman ang suot niya at tight jeans pero mukha parin siyang lumabas sa isang magazine.
Napasimangot ako.
Tumikhim ako para muling kunin ang atensiyon ng mga estudyanteng kung wala siguro ako ay nagsilapitan na sa kanya.
Agad naman silang napadiretso ng upo nang marinig ang tikhim ko na iyon.
Pasimpleng sinamaan ko ng tingin si Alison na pangiti ngiti naman sa likod. May sinasabi siya pero walang tinig na lumalabas kaya sinundan ko ang bawat pagbuka ng bibig nito para maintindihan ko ang sinasabi niya.
Hindi ko siya maintindihan kaya naman nagpatuloy ako sa pagtuturo.
"According to him , it is necessary to understand the interrelations between thought and language, in order to understand intellectual development."
Istorbo!
Kanina niya pa ako dinidistract. Paano, panay ang taas ng papel na may nakasulat na Gutom na ako o di kaya'y Early lunch. Para matigil siya ay mabilis na tinapos ko ang klasi. 30 minutes pa kami dapat kaya lang, nabubuwisit na talaga ako sa pangungulit ng isa diyan.
Sa inis ko, lumabas ako nang hindi siya pinapansin. Naramdaman ko namang sumunod siya hanggang masabayan niya na ako sa paglakad.
"Ang pikon mo, 'no?" hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"So?"
"Bakit ang cute mo?" tanong nito sa akin na nakangiting abot hanggang tainga. Nagawa niya pang pisilin ang magkabila kong pisngi.
"Mukha ba akong aso para sayo?" bawi ko saka ko hinawi ang mga braso niya. Hinimas himas ko saglit ang mga pisngi kong pinisil pisil niya.
"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ang ganda ko?" What?! Hindi ko na talaga alam kung saan sa earth niya hinuhugot ang lahat ng kahunghangan niya. Pwede na siyang gawing pader sa kakapalan niya.
"Hindi." balik ko. Gusto ko siyang makitang mapikon pero ang walaghiya, hindi yata kilala ang katagang iyon.
"Bakit?" tanong niya na nakangisi naman ngayon. Nginitian ko siya.
"Wala kasi akong paki." nakonsensya ako ng konti nang mapansin ko ang saglit na pagdaan ng ibang emosyon sa mga mata niya.
Naisip ko na namalikmata lang ako kaya mas binilisan ko nalang ang lakad ko papuntang faculty.
"Ouch." tumatawang react niya lang. "Saan ka pupunta? Lunch na kaya. Tara na."
Inangat ko ang hawak kong laptop at marker. Kinuha niya ang mga iyon sa akin at hinablot ang braso ko.
"Mamaya mo na ibalik. Gutom na ako."
Nang makarating kami sa parking ay binuksan nito ang isang kotse. Napatingin ako sa kanya. Sa kanya ba ito? Nakamotor siya kanina, ah. Yong iniwan niya sa bahay.
"Oh, bakit ganyan ang tingin mo sa akin? Di ko naman to ninanakaw. Kay Remington 'to." depensa nito kahit wala naman akong sinasabi.
"Nasaan ba siya? Nauna na ba siya?" tanong ko habang lumilinga sa paligid.
"Tayo lang." aniya. Napatingin ako sa kanya.
"Tss. Walang tayo."
---------------
9/2/19
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
CasualeAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...