Rave Pastrana
to me
6/5/14 View detailsDear Alison,
Sana okay ka na. Sobrang natakot ako sa nangyari. Bakit mo kasi ginawa 'yon? Sana hinayaan mo nalang na ako ang masagasaan. Ako naman kasi ang may kasalanan. Pahara hara ako sa kalsada. I should've been more careful. Pero salamat sa pagligtas mo sa buhay ko. Habambuhay ko itong tatanawing utang na loob. Sana gumising ka na. Maghihintay ako sa pagbabalik mo sa Pilipinas.
Rave Pastrana
to me
8/17/14 View detailsHi Alison,
Nalaman ko kailan lang na sa loob ng walong taon, marami naman palang magagandang nangyari sa buhay mo.
Balita ko, nagkita na pala kayo uli ng Daddy mo pati na din ng kapatid mong nawalay sayo mula pa nung bata ka.
Siguro nagtataka ka kung bakit alam ko.
Almost 9 years ago, sobrang nagresearch talaga ako tungkol sayo. Pati maliliit na detalye yata ay inalam ko tungkol sayo.
Creepy ba? Haha. Don't worry, hindi na ko ganoon ngayon.
Rave Pastrana
to me
6/5/14 View detailsAlison,
Nakausap ko si Miss Dee kanina. Pinilit ko siyang sabihin sa akin kung bakit napadpad kayong dalawa sa Bataan. Ang hirap niyang pilitin pero sa huli napwersa ko din naman siya.
Salamat kasi nag effort ka pa talaga na hanapin ako kung saan saan para lang hingin ang kapatawaran ko. Ano bang espesyal sa akin at naisipan mo pa akong hanapin matapos ang halos isang dekada?
Lahat ba ng ex mo, eh, hinanap mo para lang mag sorry? haha. Kung ganoon man, siguro ang laki na ng ginastos mo sa kakalibot sa Pilipinas. Madami kang ex girlfriends e. Baka nga pati boyfriend.
Akala ko, nagkataon lang ang lahat. Nagkataon na nagkrus ang landas natin at naisipan mong magsorry.
Now I really feel special. Kung ano man yang sumagi sa isip mo, ipinagpapasalamat ko.
Rave Pastrana
to me
12/25/15 View detailsAlison,
Kumusta ka na? Wala na akong naging balita sayo. Hindi nga din ako sigurado kung nababasa mo itong mga sinesend kong email sa account mo. Isa lang naman ang hiling ko. Yun ay sana gising kana at maayos na ang lagay.
Kanina, nagbabasa ako ng libro nang biglang nalaglag ang isang talutot ng bulaklak. 'Yon yung bulaklak na dala ko nung araw na iniligtas mo ako.
Kung matatandaan mo, nung araw na iyon, tinanong kita kung bakit palaging puting tulip ang ibinibigay mo sa akin.
You didn't answer me kaya ako nalang naghanap ng sagot. Sorry kung hindi kita agad nabigyan ng sagot.
I failed to recognize your true intentions.
Pinapatawad na kita, Alison. Matagal na actually.
I want to send you a Daffodil but I don't know how. Hindi na din kasi kami nagkakausap ni Miss Dee. Isa pa, hindi din naman yata niya alam kung saan ka sa Germany dinala ng Daddy mo.
Pangako, pag nagkita tayo, bibigyan kita non.
Rave Pastrana
to me
6/5/16 View detailsAlison,
Ang bilis ng panahon. Dalawang taon na ang lumilipas. Hindi mo pa din ba binubuksan ang gmail account mo? Bakit ba kasi wala kang Facebook account? di tuloy kita mamessage sa messenger.
Anyway, unti unti ko na nga palang binubuksan ang sarili ko sa ibang tao. Sa iba't ibang posibilidad.
Nakakatuwa kasi ang gaan pala sa pakiramdam na maglakad sa daan ng hindi nakakunot noo. Hindi na din ako kinatatakutan ng mga bata ngayon.
Strikto pa din naman ako pero hindi na ganon kalala. Ngumingiti na ako paminsan minsan.
Sinusubukan ko din na sumama kapag niyayaya ako ng faculty members. Sana nandito ka. Namimiss ko na mga pangbwibwisit mo sa akin.
Sige, hanggang dito nalang muna.
Rave Pastrana
to me
6/5/17 View detailsAlison,
May bali-balita na okay ka na daw. Hindi ko alam kung totoo pero sana nga. Sabi pa nila, nawalan ka daw ng alaala?
Ang tagal ko na palang hindi nakakasend ng email sayo. Pasensiya na. Sobrang abala ko kasi nitong mga nakaraang araw.
Ang dami kasi bagong teachers sa school. Kailangan pa siyang gabayan para maging maayos ang pagtuturo nila dito. Para masanay din sila agad sa sistema na mayroon ang pamantasan.
Ang dami ng bagong tao sa buhay ko ngayon. Sa nakalipas na tatlong taon, masasabi kong marami ng binago ang tadhana sa buhay ko.
Sila Mama at Papa, sa wakas ay naisip na ding bumalik na ng Pilipinas at mamalagi na dito.
Ikaw, ano na bang nagyayari sa buhay mo? Nakalimutan mo na ba kami dito sa Pilipinas?
Sana naman hindi.
---------------------------
ALISON TUESCA
January 25, 2020
Frankfurt, GermanyRave Pastrana
to me
10/31/18 View detailsDear Alison,
It has been 4 years now. I'm still waiting. Babalik ka pa ba?
Nga pala, I...
"Ate? Kakain na tayo." natigil ako sa pagbabasa. Napalingon ako sa kapatid ko na bigla nalang pumasok sa kwarto ko.
yumukod siya para sumilip saglit sa screen ng laptop na nakabukas sa harap ko.
"Yan ulit? Ilang beses mo na bang binasa ang mga yan?" I smiled.
"Don't know." tsaka ko pinitik ang noo niya. Napasimangot siya. Kalauna'y natawa nalang din.
Kahit ako, hindi ko na matandaan kung ilang beses ko nang nabasa ang mga email na natanggap ko.
These messages never fail to make me happy.
Comatose ako ng higit isang taon. Nagising ako na may nawawalang alaala. Tumigil ang mga alaala ko hanggang sa mga panahong nasa High School pa ako.
I regained my memories last year. March 2019 kung hindi ako nagkakamali.
Ginawa ko lahat para macontact lahat ng mga kaibigan kong naiwan sa Pilipinas. Lahat sila sinigurado kong makakausap ko. Siyempre kasama siya.
Masasabi kong masaya ako.
"Nakapag empake ka na ba?" Tumango lang ako. Uuwi na din kasi ako ng Pilipinas.
Hindi na ako makapaghintay na makabalik sa bansang sinilangan.
"Tapos niyan deretso ka kay ate Raven, eh." asar niya sa akin. Natawa din ako. Wala naman akong masabi kasi ganoon naman talaga ang gagawin ko.
Gusto ko kasing makibahagi sa saya na meron siya. Siyempre pati na din ng mga kaibigan ko. Miss na miss ko na kaya silang lahat.
Napapikit ako nang ako naman ang pitikin sa noo ng kapatid ko.
"Aww."
"Pahinga ka na. Maaga pa ang alis natin bukas."
Tumango ako. Nahiga ako sa kama habang pangiti ngiting tinitigan ang pasaporteng matagal kong di nagamit.
----------
1-19-20
BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
RandomAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...