Chapter 6

5.2K 221 23
                                    

R. PASTRANA

"Alison Tuesca." bulong ko. Puno ng pait ang boses ko. Ang pagbanggit pa lang sa pangalan nito ay nagdudulot na sa akin ng isang damdamin na tanging bumuhay sa akin sa loob ng maraming taon. Poot. Tama. Walong taon ko nang dala ang galit na ito sa puso ko at kailanma'y hindi ito naalis doon.


Ang poot na iyon lamang ang nagpapatatag sa akin at nagpapanatili sa pagkakasara ng puso ko na hindi ko na nais pang buksan muli.

For me, romantic love is just a word which only exists metaphysically. Hindi iyon tunay na nararamdaman ng isang tulad ko lalo ng isang tulad niyang isinilang sa lungga ni satanas!





"Hi! Kilala mo ako?" nakaramdam ako ng kaba nang marinig ang boses nito na agad din napalitan ng galit. Hindi ako makapaniwalang hindi niya ako natatandaan.

Ganito ba kahina ang utak niya para hindi ako matandaan?

Sabagay, noon ngang magkarelasyon kami ng isang buwan ay malimit pa rin niyang makalimutan ang pangalan ko, ngayon pa kaya na namagitan na sa amin ang halos isang dekada?


Pinanatili kong blangko ang mukha ko para maitago lahat ng nararamdaman kong negatibo sa mga oras na ito.


Sinikap kong pakalmahin ang damdamin kong nagpupuyos sa pagkayamot. I need to freaking calm down! Ayaw ko namang mahalata niya na magkakilala talaga kami .



"Not really. Nabanggit na kasi sa akin ni Henly ang mga pangalan ninyo." itinuro ko ang Id ng kasama nitong babae.

"Since nakita ko na ang pangalan niya sa kanyang ID, I assumed na ikaw si Alison." pangangatwiran ko. Nagkahinga ako ng maluwag nang tumango tango siya na tila pinaniniwalaan ang kasinungalingang sinabi ko.


"You look familiar though." tinitigan ako nitong mabuti na akala mo'y mayroong hinahanap sa mukha ko. Malamig ang mga titig na isinukli ko dito. Sinikap kong huwag magpakita ng kung anumang reaksyon.



Nailang yata siya sa klasi nang tinging ibinabato ko. Tumikhim siya saglit at nag iwas ng tingin.


"Have we met before?" nakuyom ko ang magkabilang palad ko na nakatago sa likod ko. Damn you! How I wish we didn't!


"Have you been here?" I asked instead. Umiling naman siya habang tahimik namang nagmamasid ang kasama niyang babae sa paligid.


"Then we haven't ever met yet." kalmado at matipid na untag ko. "Shall we proceed to the faculty room?"


"Sure. Let's go?" tumango ako. Nagpatiuna na ako sa paglakad habang ito naman ay marahang hinila ang kasama nito na narinig kong tinawag nito sa pangalang Remington.



Pakiramdam ko ay wala nang katapusan ang daang tinatahak namin pabalik sa faculty room. Napakatagal ng limang minuto para akin. Hindi ko alam kung nag o-overthink ako o talagang may mainit na pares ng mga mata na nakatutok sa likod ko.



Na conscious ako sa presensya sa aking likuran ngunit sinikap kong huwag itong lingunin. Malay ko ba kung ako talaga ang tinititigan niya o kung talaga bang may tinititigan ang siya.



Samantala, panaka naka namang nagtatanong ang babaeng nagngangalang Remington sa akin tungkol sa mga pangyayari sa loob ng paaralan. Nasa tabi ko kasi ito. Sinasagot ko naman ang mga yon.


Nang sa wakas ay malapit na kami sa faculty room, halos takbuhin ko ang distansya at isarado nalang ang pinto. I felt the relief rush through my system when I finally reached the door knob.



Lahat ng tensiyong nararamdaman ko ay humupa nang maamoy ko ang pamilyar na scent ng silid pag bukas ko ng pinto.


Pinapasok ko ang mga ito. Laking pasasalamat ko at hindi nalang ako mag isa ang guro na nasa silid. Nandito na din sa loob ang iba sa mga kasamahan ko. Malapit na din kasing mag-alas cinco nang hapon at patapos na ang lahat ng isinagawang pagsusulit.



"So...what's next?" ani Remington. Hindi ko din alam kung ano na ang kasunod dahil inihabilin lang naman sila sa akin. Kung maibabalik nga ang oras, sana hindi na ako pumayag.



"I actually don't know. As we all know, hindi ako dapat ang sasalubong sa inyo. Gusto niyo bang maglibot na kayong dalawa lang o gusto niyo bang ako na ang magtour sa inyo buong school?" hindi ko alam kung bakit ko nasabi yon. Maybe because of the kind vibes I’m getting from this Remington girl.




I just hope they don't choose the latter. Nasabi ko lang yon but I am not really willing to do that lalo pa't hindi ko nagugustuhan ang kakaibang sensasyong pilit na dumadaloy sa aking sistema.


"Hmm... Is it okay if we choose a tour with you?" alanganing sabi ni Alison na ikinangiwi ko. Bumagsak ang aking balikat at namawis ang aking mga palad.



"O-okay." halos matutop ko ang sariling noo nang mautal ako sa pagsasalita. Sabay na ngumiti ang dalawa sa akin. The girls are both beautiful. Oo at matagal ko nang isinarado ang puso ko pero marunong pa din naman akong makaappreciate ng maganda.




Napako ang paningin ko kay Alison. Hindi ko maitatanggi na lalong naging attractive ang tarantada kong ex-girlfriend. Mas nag mature ang facial features niya.  Her long jet black hair when we were in college is now a curly layered lob with lavander highlights.



Bumagay ang kulay at style ng buhok nito sa kulay ng kanyang balat. Noon, hindi ito ganito kaputi dahil panay ang lakad nito sa initan nang walang dalang payong.




Years ago, when I was still that love struck fool, panay ang sunod ko dito. I was a bit of a stalker.

Una kong nakita si Alison sa maingate ng Clark na siyang daanan ng halos lahat ng mga pumapasok sa loob. Pasakay ito sa isa sa mga shuttle service. She was wearing a moss green jacket and beneath was a white and black stripe shirt. Nakasuot din ito noon ng black ripped jeans at high cut na sapatos. Hindi ko alam kung anong brand.


Hindi naman talaga siya ang tipo kong babae pero merong bagay sa kanya na bumihag sa puso ko. I was straight actually. Hindi ko alam na kaya na talagang magmahal ng isang tulad kong 16 year old college student at sa babae pa.



That moment, I felt my heart almost falling out from my chest. Hindi ako mapakali kaya dali dali kong iniwan ang pinsan ko at ang sinasakyang motor at sumakay din sa shuttle. I sat 7 chairs away from her.



Nakuntento na ako sa pagmamasid sa ulo at balikat nito. Simula noon, lagi na akong nagpapasama sa pinsan ko sa Maingate. Minsan naman, bumabyahe ako mag isa. Buti nalang, maluwag ang class schedule ko.

Nalaman ko na may part time na trabaho ito sa Clark noong panahong yon.





Ngayon, maputi na talaga ito. Mukhang hindi na ito nasisikatan ng araw.




I snapped back to reality when I heard the door creaking. Nais kong kastiguhin ang sarili sa ginawa kong pagbabalik tanaw sa nakaraan namin. Mariin akong pumikit para maibalik ang sarili ko.




"Tara na?" nakangiting untag ni Alison. Napaka pamilyar ng ngiting ibinabandera niya sa akin ngayon. That same smile she always gave her girls back then. I guess she's still the same playgirl I unfortunately fell in love with many years ago.




Nag iwas ako ng tingin. I will never fall in for her again. Pinapangako ko iyon.

Nakalimutan ko na ang pagmamahal na mayroon ako para sa kanya. Lahat ng pag ibig ko para dito ay wala na. Wala nang natira dahil lahat yon ay napalitan na ng ibang damdamin.

--------------
7/24/19

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon