Chapter 7

5.3K 261 103
                                    

R. PASTRANA

Minsan talaga, iba din magbiro ang tadhana, diba? Sino nga bang mag aakala na magkukrus pang muli ang landas naming dalawa ng babaeng nagpabago sa akin bilang tao.

Ni sa hinagap ay hindi ko na naisip na makakasama ko sa iisang lugar ang taong nagparealize sa akin na walang happy endings at hindi totoo ang fairytales. Damn! To breathe the same air with her brings back all the agony I have buried within the deepest part of my soul.

Nagngingitngit na pinagpipira piraso ko ang papel na hawak ko habang nakapwesyo sa harap ko ang nakabukas na laptop. Kasalukuyan akong nasa kalagitnaan ng pag iinput ng mga grades . Sa unang pagkakataon kasi ay nagmamadali ako sa pag aasikaso nitong mga grades ng mga estudyante ko. How dare you mess up my mind again, Tuesca!

Dalawang araw na nitong ginigulo ang isip ko kaya ang ending, hindi ko natapos agad ang mga grades na karaniwa'y natatapos ko sa loob ng isang araw.

"Bakit pa kasi bumalik balik pa ang ampon ni Satanas?!" nanggigigil na tili ko. Wala akong pakialam kung marinig ako ng mga kapitbahay ko.

Wala akong pakialam kung alas dose y media na ng madaling araw at lalong wala akong pakialam kung mas gumanda pa ang babaeng kagagaling lang mula sa mahabang bakasyon nito sa impyerno.

Dalawang araw na ang lumilipas mula nang muli ko itong makita ngunit hanggang ngayon ay nagngingitngit parin ang kalooban ko. Oo at inasahan ko na hindi niya ako makikilala pero nang tanungin niya ako kung kilala ko siya, kumulo agad ang dugo ko.

"Ang hina naman ng memorya niya para makalimutan kahit ang hitsura ko man lang! Kalimut-limot ba talaga ako?" biglang sabi ko sa sarili. Para na akong baliw na kinakausap ang sarili ko. Kanina ko pa kasi binubulungan ang hangin ng kung anu-anong sama ng loob na mayroon ako.

Sa totoo lang ay naninibago ako sa inaakto ko. When we broke up, I never really acted like this. Naging kalmado ako noon. Oo noong una, halos magwala ako sa ginawa niya pero narealize kong hindi ito worth it.

Naging kalmado ako. Hindi ko hinayaan ang sarili ko na puntahan ito at magmakaawa na balikan ako kahit na ba 'yon ang isinisigaw ng puso kong tatanga tanga. Pinilit kong itayo ang sarili na noong mga panahon na yon ay parang dinaanan ng isang delubyo. I was so in love with that playgirl.

I clearly remember everything that happened 8 years ago. When monday came, hindi na ako nagdala ng gamit sa school. Diretso na ako agad sa Dean's office para asikasuhin ang dapat. Nagdesisyon akong magtransfer sa ibang school.

Agad agad kong kinausap ang mga magulang ko na nasa ibang bansa. Sinabihan ko ang mga ito na gusto kong manirahan sa Bataan kung saan lumaki ang aking ina. Malayo man sa kung ano ang mayroon sa Pampanga, mas naging komportable naman ako doon. Alam ko kasi na hindi ko basta basta masasalubong si Alison kasi kung makikita ko pa siya, baka tuluyan nalang akong bumigay at parang wala sa katinuang mag mamakaawa na balikan niya ako.

Huminga ako ng malalim. I shouldn't be thinking about that woman. I have to finish the grades tonight. Pumikit ako at hinilot ang sentido.












"Good morning, ma'am." tumango lamang ako sa estudyanteng bumati sa akin. Kasisimula palang ng araw ko ay excited na agad akong mag alas cinco ng hapon.

Inaantok pa ako dahil dalawang oras lang ang naging tulog ko. Madaling araw na kasi akong natapos sa ginagawa ko. Mabuti at nakapag focus na ako sa tinatrabaho.

Sa ganitong mga pagkakataon, mas malakas ang sumpong ng kasungitan ko dahil siguradong wala ako sa mood buong maghapon. Panay ang pagiging iritable.


Pagbukas na pagbukas ko sa pinto ng faculty room ay bumungad sa akin ang kumakain na si Remington. Napasimangot ako.


Kung nandito ito, paniguradong nandito na din yung isa. Ang aga naman niyang manira ng araw.

Nakasimangot na lalakad na sana ako papunta sa table ko nang may biglang tumapik sa braso ko. Saglit lang yon pero sapat na para magbigay sa akin ng nakakakiliting pakiramdaman. Para akong nakuryente sa naramdaman.


"Good morning, miss beautiful." nanigas ako. Kinilabutan ako sa tinawag niya sa akin.

"G-good morning." sagot ko saka dali daling pinalis ang kamay niyang nakahawak uli sa balikat ko. Hindi ko ito nilingon at basta nalang ako dumeretso sa table ko.

I have decided to be civil with her. Hindi naman na ako nito naaalala. Masyadong halata kung susungitan ko siya. Yun lang, siguradong masusungitan ko lang din ito madalas dahil awtomatikong lumalabas ang galit ko para sa kanya tuwing nasa paligid siya.

Mabuti nga ay nakapagpipigil pa ako sa ngayon.

Don't look at her, Raven! H'wag kang gumawa ng bagay na pagsisisihan mo din sa huli.

Sandali kong tinignan ang oras sa wall clock ng office tsaka yumuko sa mesa. Kinalma ko ang sarili at pumikit para matulog kahit saglit lang. Isang oras pa naman bago ang klasi ko. Isa pa, hindi naman ako magdidiscuss ngayon.


Nagising ako sa pakiramdam na may humihinga sa tabi ko. I felt better. Kahit papaano ay nakabawi ako ng tulog.

Nag angat ako ng ulo at napatingin sa tabi ko. Napaatras ako sa sobrang lapit ng mukha ko kay Alison. Hinawakan ako nito sa baywang para sana hindi ako tuluyang mahulog pero hindi niya kinaya kaya pareho kaming nahulog. Nakadapa na ito ngayon sa ibabaw ko. Nakatukod ang dalawang braso nito sa magkabilang gilid ko.

Malalim ang pagkakatitig niya sa akin habang gulat na gulat naman ako sa distansyang mayroon kami ngayon. Ilang sentimetro lang kasi ang layo ng mukha ko sa kanya.

Ramdam na ramdam ko ang paghinga nito sa mukha ko. Ang mga mata nito ay tulad pa din ng dati. Para akong hinihigop papunta sa ibang mundo. Sadyang kahali-halina.

"Oh gosh! Are you guys okay?" natauhan ako nang marinig si Remington. Tinulak ko ito at tumayo bigla. Pinagpagan ko ang suot kong uniform. "U-uh...sorry." untag ko.

"We're okay, Rem. Don't worry." tumango naman ang babae at bumalik na sa ginagawa nito na hindi ko alam kung ano. Nagsusulat kasi ito. Baka yung kwentong isinusulat nila.

Nginitian ako ni Alison kaya agad akong nag iwas ng tingin. Muli akong naupo at inayos ang buhok. Kumunot ang noo ko nang maupo siya sa katabing upuan. Masyado itong malapit kaya pasimple akong umusog.

Mas lumalim ang pagkakakunot ng noo ko nang umusog uli ito palapit. Umusog uli ako. Ngumisi naman ito na ikinaasar ko naman.

"Bakit ka nausog?" sabi nito.

"I'm not comfortable. You're too close." I honestly answered. Mas lumawak naman ang pagkakangisi nito. Wow, nakakainis na ito ha.

"Why?"

"What 'why'?" inis na sabi ko. Hindi na ko na napigilan ang ang pagkawala ng inis mula sa loob ko.

Hiniwakan niya ang back rest ng inuupuan ko at hinila iyon palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko.

"Am I still giving you butterflies?" sinamaan ko ito ng tingin. Ano bang gusto niya?

"What the heck are you saying?" pabulong na asik ko.





"Is this really how you treat your exes?"

-----------
7/24/19

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon