Chapter 16

4.8K 209 42
                                    

R. PASTRANA

Sunday 10:00 a.m.

Pikit-mata na gumalaw ako para kapain ang cellphone kong kanina pa nagriring sa may side table.

Hindi na ako nag abala pang tignan kung sino ang tumatawag at basta nalang ito sinagot.

"Hello" walang gana kong sabi. Narinig ko itong tumikhim bago nagsalita.

"Si Alison to. Nasa labas ako ng bahay mo. Papasok na ako, ha?" inilayo ko sa tainga ko ang phone at napatingin sa screen nito. Unknown number. Di ko kasi s-in-ave ang phone number niya.

"Bakit ba nagtanong ka pa, gagawin mo din naman ang gusto mo?" sabi ko nalang saka ko siya pinatayan ng tawag. Wala akong lakas makipagtalo sa kanya.

Narinig ko nalang ang pagbukas ng pinto at pagpasok niya.

"Rave, nasaan ka?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Itinaas ko lang lalo ang kumot para takpan hanggang sa leeg ko.

Dinig ko ang mga yabag at tunog ng pastic mula sa sala hanggang lumapit ang tunog sa tapat ng pinto ko. Ilang segundo lang ay narinig ko na ang pagpihit ng seradura.

Hindi na ako nagtangka pang sumilip. Baka lalo lang sumama ang pakiramdam ko. Pumikit nalang ako.

Naramdan ko ang paglundo ng kama sa gilid ko at ang paghila niya sa kumot na tumatakip sa katawan ko. Gusto ko man siyang tignan ng masama, hindi ko ginawa dahil pumipitik na sa sakit ang ulo ko.

Hinawakan niya ang noo ko pati leeg ko.

"May dala akong thermometer. I-check natin ang body temperature no, ha." kumilos ito para bumalik sa sala. Pagpasok niya uli sa kwarto ko ay dala na nito ang thermometer.

"Open your mouth." walang imik na sumunod ako. Inilagay niyo yon sa ilalim ng dila ko.

Matapos ang ilang minuto ay tinanggal na niya.

"I should've brought a rectal thermometer." malokong sabi nito. Nagmulat ako ng mata. May naglalarong pilyang ngiti sa mga labi niya. Wala talagang patawad ang kamanyakan nitong tahong na 'to. Hinila ko ang ibabang bahagi ng kumot. Humantad ang mga binti kong nababalutan naman ng suot kong jogging pants. Kahit may sakit ako ay tinadyakan ko siya. Nakakainis, eh.

"Mukha ba akong baby?"

"Oo naman. Baby ko."

"Kung mang aasar ka lang, get out of my house. I don't need you here."

"Ouch." humawak pa ito sa kaliwang dibdib niya at umaktong tila nasasaktan.

"Kumain ka na ba?" pagpapalit niya ng usapan. umiling lang ako. Kumunot ang noo niya. "Bakit?"

"Bukod sa wala akong gana, wala din akong lakas na magluto at maghanda ng makakain ko." pagrarason ko. Muli kong hinila pataas ang kumot at muling pumikit.

"Bakit hindi mo ako tinawagan?"

"Bakit naman kita tatawagan?" natahimik siya. Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo ito kaya napatingin ako sa kanya.

"Kuha lang ako ng pampunas mo." lumabas ito at mabilis ding nakabalik dala ang isang tabo na may tubig. Nakatingin lang ako sa kanya.

"What? Wala akong nakitang basin, eh." aniya nang makaupo siya sa tabi ko.

"Whatever." matapos niyang pigain ang face towel ay ipupunas na sana niya sakin 'yon pero inagaw ko.

Tumayo siya at nagkalkal sa mga drawer ko na para bang dito din siya nakatira. Akala mo naman pamilyar na pamilyar siya sa mga ayos ng damit ko.

Ex GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon