R. PASTRANA
"Hi there, gorgeous! Can I kiss you?" Nagulat ako nang may magsalita sa harap ko. I opened my eyes and stared at her. Natulala ako. Parang hindi naproseso ng utak ko ang sinabi niya.
"Ha—umph!" hindi ko na naituloy ang dapat sana ay sasabihin ko nang masunggaban na nito ang mga labi ko.
Pakiramdam ko, napuno nang hangin ang ulo ko nang maramdaman ko ang labi niya na nakalapat sa mga labi ko. Halos hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Daig ko pa ang puno.
"Anong nangyayari dito?" parang napasong naitulak ko ang babaeng nakahalik sa akin nang marinig ko na may nagsalita. Umatras ako ng ilang sentimetro palayo dito habang nakaupo. Alison?
Napatingin ako sa bagong dating na ngayo'y nakatayo ilang hakbang lang mula sa amin. Halos mangatal ang mga labi ko nang magtama ang paningin namin. Napakaseryoso at ang lamig ng paraan ng pagtitig niya sa akin. Bumaba ang tingin ko sa mga kamay nitong ngayon ay nakakuyom.
Parang kidlat na tumayo ako nang mapansin kong gumalaw ito para maglakad palapit. Nakadalawang hakbang pa lang yata siya ay napatingin uli ito sa akin nang tumayo ako. Pasimpleng napalunok lang ako nang hindi niya ako masyadong pinagtuunan ng pansin.
Tuloy tuloy na lumapit lang siya sa taong nanghalik sa akin. Nang tuluyan siyang makalapit dito ay kinapkapan niya ito hanggang makakuha siya ng tissue mula sa bulsa ng babae.
Walang sabi sabing hinagod niya ng tissue ang labi ng babae na nakapikit naman habang patawa tawa. Ngayon ko lang napansin na namumula mula ang mukha nito maging ang ilang bahagi pa ng katawan niya.
Wow. Para naman akong may nakakahawang sakit. Kailangan talagang punasang mabuti? Ako ang agrabyado dito, ah!
Nakamasid lang ako sa ginagawa ni Alison. I do not know what to do. Wala akong masabi dahil ako man ay gulat din sa nangyaring to. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o palalampasin ko nalang.
Matapos niyang punasan nang maigi ang mga labi ng babae ay nilamukos niya muna ang tissue bago ibinulsa sa suot niyang slacks.
Hinawakan niya ang kaliwang kamay nito at hinila palapit sa katawan niya. Inalalayan niya ito patayo. Dala yata ng kalasingan ay halos hindi na ito makatayo ng deretso. Alison had to wrap her arms around the other girl's waist.
Napapikit ako nang bahagya nang makaramdam ako ng parang karayom na tumusok sa puso ko. Hindi naman ganoon kasakit. Parang kinagat lang langgam. Tama. Langgam nga. Pero I still think I need to drop by the nearest clinic tomorrow before going back to Bataan.
I just stood there while they walked past me. She did not even look at me. Kahit sandali lang. Wala.
"H-hoy, Tuesca! Kadenahan mo yang g-girlfriend mo, ha!" saglit na sumulyap lang siya sa akin bago tumango ng isang beses. Nagsimula na itong maglakad palayo.
Nanggigigil na pinilas ko ang nakausling balat ng puno at inis na inis na pinagpipira-piraso ko ang bahaging 'yon.
"Bwisit! Nanakaw ang first kiss ko ng estrangherong 'yon. Leche!" asik ko. Nakakahiya mang sabihin, that was really my first kiss. Hindi naman kasi namin ginawa yon nung kami pa. She never initiated a kiss. Alangan namang ako ang gumawa 'diba. Tulad ng nabanggit ko na noon, hindi na ako pumasok sa isa pang relasyon pagkatapos niya. Sino namang hahalik sa akin?
Napatalon ako sa gulat nang may biglang sumagot.
"What did you just say?"
"What the—Alison! B-ba't ba bigla ka nalang sumusulpot diyan?" asar na sabi ko dito pero seryosong nakamasid lang siya sakin. Tumikhim ako.

BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
De TodoAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...