A. TUESCA
"I know." sabi ko na ikinatingin nito sa akin. Ilang minuto ang lumipas na hindi nagsasalita ang babae hanggang sa magdesisyon itong putulin ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa.
I am already used to this situation. Ilan na ba ang mga nagtapat ng pagkagusto sa akin? Alam ko na kung ano ang mangyayari maya maya lang. This girl will surely tell me how much she wanted to pursue me.
"Kung..ahm...ganoon, Pwede ba kitang...ahm... ligawan?" hopeful na tumingin ito ng mata sa mata sa akin. Her eyes are begging.
"No." mabilis na sagot ko na ikinalaglag ng balikat nito. Nanlumo ang mukha nito. "Tayo na." dugtong ko. Para ano pa at hahayaan ko pang ligawan niya ako kung sa huli ay sasagutin ko din naman? Mas mabuti pang pabilisin na ang proseso. Sa hitsura ng babae ay mukha namang hindi ito marunong manligaw talaga.
Sa katunayan, sa unang tingin, you wouldn't even think that she's gay. Masyado itong feminine gumalaw. Ma make up din ito sa mukha though hindi naman makapal. Tamang lipstick lang. Maganda din ang pagkakaayos ng kilay nito.
Pwede na.
"Ha?" hindi makapaniwalang tanong nito. Maaliwalas na ang mukha nito ngayon. Mukhang nakaramdam ito ng relief mula sa narinig mula sa akin.
"I'll give you a chance. We're girlfriends now. I just think you're really cute and all." maiksing sabi ko.
Nang gabing iyon ay naging kami talaga. Panay ang labas namin mula noon. Nalaman ko na may kaya ang pamilya nitong jowa ko. Nasa abroad ang mga magulang nito at kumikita ng malaki doon. Ang Papa niya ay isang mekaniko kaya mayroon silang talyer na kumikita ng ilang milyon kada buwan. Kaya tuwing lumalabas kami ay ito ang sumasagot sa lahat ng ginagastos namin. Ni sincong duling ay hindi ako nito pinagastos. Hatid sundo pa niya ako.
Hindi ito selosa at demanding sa oras ngunit hindi din ito makwento tuwing lumalabas kami. That's okay pero sumobra naman yata ang pagkamahiyain nito dahil kahit mag gf na kami ay madalas parin itong mautal kapag magkausap kami.
Just three weeks later, the girl is already boring me. Tulad ng madalas nangyayari sa mga nagiging kasintahan ko, nagsisimula na akong mainip at makaramdam ng pagkasawa. Paano kasi, madalas nga kaming magkasama pero hindi naman ito gaanong kumikibo. Tila nahihiya at naiilang pa ito sa akin.
On our second week, madalas na akong gumawa nang dahilan para lang hindi kami magkita. May mga pagkakataon kasi na ayaw kong lumabas sa bahay. Ayaw naman niya na nakatambay lang kami. Mas gusto niyang magpunta sa ibang lugar at gawin kung ano ang karaniwang ginagawa ng magkarelasyon which is very cliche for me. Ako yung klasi ng tao na di nakokontento sa mga bagay na pangkaraniwan lang.
Hindi ako makaramdam ng contentment. Walang thrill.
Naisip ko ang kapatid at si papa. Kumusta na kaya ang mga ito? Masaya kaya sila? Nasanay man ako na wala ang mga ito sa piling ko, umaasa pa din naman ako na makita ang mga ito kahit minsan lang. Madalas pa rin akong malungkot sa tuwing iniisip ko na nag iisa na lang ako sa buhay.
Alam ko na may kulang sa buhay ko.
On the fourth week of our relationship, nag aya uli ito na lumabas. Binati pa niya ako. Monthsary pala namin. Hindi ko akalain na isang buwan na pala ang lumipas. Akalain mo nga naman diba? Hindi ako makapaniwala na napagtiyagaan ko ito sa loob ng isang buwan.
Well, ngayon, hindi na ako nasisiyahan na kasama ito. Might as well do what I think is right.
5:00 PM
"I'm breaking up with you." seryosong saad ko. Mataman akong nakatitig sa babaeng ngayo'y nasa kanya na ang atensiyon. Bumakas sa mukha nito ang pagkabigla sa narinig mula sa akin. Marahil ay nagtataka ito sa biglaang pagsasabi ko.
Kasalukuyan silang kumakain sa isang Chinese restaurant sa Clark. Ayoko mang lumayo pa para lang kumain ay wala naman akong choice dahil bukod sa dito niya gustong kumain, siya pa ang magbabayad nglahat kaya pumayag na ako. Kung ako ang pipili ay mas gusto ko na sa Angeles nalang magpunta para deretso na ako sa mall pagkatapos.
"Wag kang magbiro ng ganyan." nagpakawala pa ito ng isang hilaw na tawa.
"Look, Hera. Hindi na ako nag eenjoy sa company mo. I just don't see any future with you. Naawa lang ako say----" peste. Hindi pa natatapos ang sinasabi ko ay natigilan na ako sa magkasunod na pagdampi ng mag asawang sampal sa mukha ko. Ang lakas. Pakiramdam ko ay bumakas sa magkabila kong pisngi ang palad niya. Leche, ang sakit!
"Gago! A-akala mo naman kung...k-kung sino kang m-maganda!" naluluhang sabi nito. Nagmamadali itong tumayo at naglakad palabas.
"Haze, yung share mo sa pagbabayad oyy!" sigaw ko. Ang dami pa man din nitong inorder. Baka maubos ang pera ko dito.
Ilang segundo lang ay bumalik ito. Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman. Ayokong magbayad. Konti lang ang kinain ko.
Napatayo ako nang bigla nitong isaboy ang isang baso ng wine sa akin. Shit. Wine pa talaga. Pwede namang yung tubig nalang sana. White long sleeves polo pa man din ang suot ko.
Talagang hindi pa ito nakontento, hinampas pa niya ako ng dala niyang bag. Tumama yon sa kaliwang braso ko.
Nanggigigil na tumingin ito sa akin.
"Damn you! Raven ang pangalan ko!" iniwan ako nito. Napamura nalang ako. Pasimple akong luminga sa paligid. Ang daming nakatingin.
"Pambihira."
Umuwi ako nang basa ang damit at simot ang pera. Ang dami kong binayaran. Para hindi sayang, pinabalot ko iyon at pinamigay sa mga batang kalye na nakita ko.
Hiyang hiya pa nga ako nang makasakay sa jeep dahil ang dumi ng suot kong puting damit.
Kinabukasan, balik ako sa dating gawi. Nakapagtatakang hindi ko na uli nakita si Raven (yata) dahil madalas naman akong nagagawi sa building ng mga ito dahil nga doon ang klasi namin sa ibang course. Hindi ko narin ito nakita pa kahit na madalas ko uling puntahan si Amethyst na ngayon ay nilalansi ko na.
----------
7/15/19

BINABASA MO ANG
Ex Girlfriend
Ngẫu nhiênAlison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ilang linggo nilang pagiging magjowa. Hanggang ngayon, kahit matapos ang maraming taon, ay may kinikim...